Kabanata 12

6.2K 204 7
                                    

KABANATA 12

TULAD ng plinano niya, dinaanan niya muna sina Ridge at Zamiel bago pumunta sa site kung saan ipinapatayo ang center. Kaagad siyang winelcome ni Zamiel, na noon ay naghahanda rin para magtrabaho, dahil noong mga oras na iyon, natutulog pa rin daw si Ridge.

Still, kahit si Ridge ang binalak niyang puntahan, si Zamiel pa rin ang nagsiwalat kung anong balak nilang gawin dahil naka-outside uniform daw siya at baka ma-late sa gagawin. Though, it's not much of a problem since he wouldn't really go to his office until later. Kakausapin niya rin kasi ang mayor ng Angeles maya-maya.

"'Di ka pa ba babalik sa trabaho?" pag-uusisa ni Zamiel nang hindi siya gumalaw mula sa kinauupuan.

Madrama siyang napasandal sa likod ng upuan. "Tinatamad pa 'kong pumunta ng trabaho. Baka mamaya may asungot na nag-aabang sa 'kin?"

"Huh."

Zamiel stared at him intently— no! Nanunukat ang mga mata nitong pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Kung hindi lang din namamalikmata si Leon, parang nadidisgusto pa ito sa kanya!

Bago pa man siya makapagtanong, naunahan na siya ng binata. "Who did you fuck?"

"Anong who did I fuck?!" napapantastikuhan niyang tanong at tinuro ang sarili. "Sa sobrang busy ko nitong nakaraan, feeling mo ba makakapag-bar pa 'ko?"

"Oo. 'Pag gusto, may paraan 'di ba?" mabilis naman nitong tugon.

"Yo. 'Di naman ako ganyan kadesperado. Grabe ka na!"

And mind him, Leon hasn't touched anyone since something happened between him and Keith. Deputa, hindi niya pa alam kung bakit wala siyang gana mag-bar pero imbes na kung anu-ano ang isipin niya, nag-settle na lang siya sa ideyang busy siya kaya 'di siya makapag-bar. King ina!

"You're actually desperate," Zamiel protested. "'Wag mo 'kong niloloko. So, anong masamang espiritu ang sumanib sa 'yo at 'di ka nagba-bar?"

"Wala nga, bwakanang shit na 'yan. Busy lang ako!"

Zamiel seemed to doubt his words. With the way his eyes squinted before he hissed and Leon couldn't comprehend this guy's guts! Iyong totoo, ano bang hindi kapani-paniwala sa mga sinasabi niya? Mukha ba siyang sinungaling?!

Nag-iwas ito ng tingin at may sinilip sa loob ng bahay nito. Nasa tabi naman sila ng bintana kaya kitang-kita ang sala. Hindi nagtagal, umangat ang mga kilay nito nang makita ang fiancé, napabaling din tuloy si Leon sa loob ng bahay.

It was then when Ridge sat on the sofa beside the window. Still looking all so lethargic and sleepy, he regarded Zamiel and Leon with a dry smile.

"Good morning. Anong pinag-uusapan niyo?" bati nito sa kanila.

"'Yong repair na pinapagawa mo. And Leon, we talked about his sex life," kaagad na tugon ni Zamiel.

Napaismid si Ridge. "I heard. Tinatanggi ni Leon na may naka-sex siya, 'no?"

"Yo! Isa ka pa, e!" sabad niya.

Humalakhak ang binata. "I mean, ba't magkakaroon ng asungot sa trabaho mo kung wala kang ginalaw? Tignancmo, kahit si Zamiel 'di naniwala sa 'yo. Bobo 'yan pero 'di tanga."

"Excuse me, fuck you!" asik naman ni Zamiel sa asawa bago umahon mula sa kinauupuan. "Dumito ka na nga umupo! Maghahanda akong agahan mo."

Humimig si Ridge. "Salad, Zamiel. Gusto ko ng salad."

"Yeah, yeah."

With that, Zamiel left to go back inside their house to prepare for Ridge's breakfast. Nang pumasok ito, si Ridge naman ang lumabas. Nakasuot ito ng puting t-shirt at naka-boxer shorts lang. Humihikab pa ngunit mukhang nakapaghilamos naman na.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon