Kabanata 15

5.8K 184 58
                                    

KABANATA 15

“PLUS, WITH the way how things escalated between us two months ago and earlier, since you allowed me to brush my lips against yours, I can’t help it but to think that I somehow stand a chance.” Keith exhaled sharply and stared at him intently. “Hindi ko alam kung alam mo ba kung anong ginagawa mo sa ‘kin, Leon. But you’re giving me false hopes. You’re the evil one here.”

Even though it has been days, Leon couldn’t still comprehend why Keith said that he’s giving him false hopes, whereas he believes that he made it sure that he didn’t want to involve himself with Keith. Sa kasamaang palad, hindi siya nakasagot dito noong araw na iyon. Pinilit naman ni Leon na may sabihin. Kaya lang, natameme na lang talaga siya.

After all, while he hated Keith's presence, the conflict lies in whenever the male is around him. Ayaw niya rito pero hindi niya maipagtabuyan. Iyong tipong dadanak na ang dugo para lang layuan siya ng binata pero wala siyang lakas ng loob na saksakin ito?

Leon hasn’t noticed it but despite pushing Keith away, he also keeps their distance close. He never used force to reject him. What he does is spew poisonless words. Mukhang si Leon lang nga ang nag-iisip na may lason ang lumalabas sa bibig niya.

Going back, ang nakakainis e maraming nakarinig ng sinabi nito. Saktong sabihin ni Keith ang mga salitang iyon, mayroong dumaan na magkasintahan sa gilid nilang dalawa. Hindi iyon alam ni Leon dahil nasa likuran niya ang dalawa. Kaya laking gulat niya nang magkomento ang mga ito na ang gwapo raw nila pero pareho namang bakla.

He is not even gay! The impression they left astonished him in a negative way.

“Are you feeling better?”

Napahigop ng malalim na hininga si Leon nang marinig ang boses ni Keith. Nasa bungad siya noon ng site dahil mayroong kinausap kanina. Ngayon, nakalimutan niyang pumasok sa loob nang hindi siya makita ni Gaviola kung sakaling dumaan ito rito.

Pero huli na ang lahat.

Ilang araw silang hindi nagkita ni Keith dahil sinasadya niyang madalas silang magkasalisihan. Ayun lang, nahuli siya ngayong araw na ito. Bad trip.

Tinapunan niya ng masamang tingin ang binata. “Nandito ka na naman?”

“In my defense, you’re here outside the site so... I assumed that you were waiting for someone,” Keith responded.

“Sino namang hihintayin ko?” Marahas siyang bumuntong hininga bago sinapo ang mukha at hinilot ang sentido. “May kailangan ka ba sa ‘kin?”

“None. I just wanted to see you for a bit.”

Here he goes again. Lihim na iniikot ni Leon ang mga mata.

Sa tinagal-tagal na kailangan niyang tiisin ang presensya nitong si Keith Gaviola, isa sa mga napagtanto niya tuwing kausap ang binata e isa itong smooth-talker. No wonder na maraming nagkakagusto rito. Aside from being a ‘gentleman’, he really talks sweet to Leon. Madalas siyang marindi dahil mas gugustuhin niyang marinig ang ganito mula sa babae pero hindi naman niya mabusalan ng bibig itong si Keith.

Hindi sa hindi niya kaya. Wala lang siyang packaging tape na hawak nang sa ganoon, matahimik ng tuluyan si Keith.

“Well, now you’ve seen me. Pwede ka na bang umalis?” naiirita niyang tanong.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon