Kabanata 65

4K 161 20
                                    

KABANATA 65

HABOL HININGANG GUMISING si Leon mula sa mahabang panaginip. ‘Tsaka lamang niya napansin ang butil-butil na pawis sa noo. Marahan siyang bumangon mula sa kinahihigaan at naghanap ng kahit anong pampunas pero wala siyang makita kahit saan. Geez. Sa lahat ng pwede niyang mapanaginipan, iyon pang nakaraan? Detalyado pa kaya noong magising siya, nahirapan siya sandaling i-differentiate ang nakaraan sa ngayon.

His lips pressed together when he noticed that his room was dark and he’s alone. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya na alam kung ilusyon ba noong nandirito kanina si Keith o totoo? Shit. What if he’ll see a college Keith again? That’ll be stupid. He’ll punch him.

Natigilan si Leon sa paghahanap ng bimpong pamunas ng noo niya nang magbukas ang pinto ng kwarto niya. Nang lingunin niya, naabutan niya si Leonardo at Keith na papasok. Si Keith ang unang natigilan nang makitang gising na siya samantalang si Leonardo naman, patuloy sa pagdadaldal.

“So it turns out that Elisa followed Leon in Canada and watched over him. It’s too fucked up. Nakita pa kayong dalawa’t ni-research ka, Keith. Kung sigurong natapos ‘yon kay Leon, baka ikaw ang isunod,” tuluy-tuloy na sabi ni Leonardo bago lumingon sa direksyon niya’t naitikom ang bibig nang makitang gising na siya. “Kanina ka pa ba gising?”

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa mga ito. “Kakagising ko lang. Anong pinag-uusapan niyo?”

“Ah, no. It’s just... about the investigation.” Kinamot ni Leonardo ang ulo ‘tsaka bumuntong hininga. “Marami kaming nalaman, e. Kinontak pa pala ng ex-girlfriend mo ‘tong ex-fiancée ni Keith. Sandali nga, gusto mo bang kumain?”

Umiling siya. “I’m good.”

“No, you’re not,” sabad ni Keith. Nilingon niya ang binata’t tinapunan ng masamang tingin. “Bibili lang ako ng makakain niya, Nards. Pag-usapan niyo muna ‘yong tungkol sa imbestigasyon.”

Napamaang si Leon nang umalis si Keith at maiwan silang magkapatid. His eyes never left the man’s figure until it disappeared from the windows and he inwardly sighed. Hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang tungkol sa panaginip at hanggang ngayon, dinu-double check niya si Keith. Para siyang gago.

Si Leonardo naman, naglakad palapit sa kanya’t umupo sa upuang malapit sa kinahihigaan niya. Napukaw nito ang atensyon ni Leon lalo na noong ipagkrus nito ang mga braso.

“Gusto mo bang malaman kung anong nangyari o gusto mo munang magpahinga?” tanong ni Leonardo.

Nagkibit balikat siya. “Ilang araw na ‘kong walang alam sa kaso ni Elisa ‘tsaka maayos naman na pakiramdam ko kaya maiintindihan ko ‘yang tsismis mo.”

“Gusto kitang sermunan kaso sina Mama na lang ang gagawa no’n sa ‘yo ‘pag nakauwi sila.” Marahas na bumuntong hininga si Leonardo at ginulo ang sariling buhok dala ng pagkasiphayo samantalang si Leon naman e pinagpawisan nang marinig na uuwi rin ang mga magulang nila. “Sabi ni Zach sa ‘kin, alam mong sira ulo ‘yong girlfriend mo? Inaakusahan mo raw na dahilan kaya naaksidente iyong kasama mo sa trabaho na ex-boyfriend niya rin, e. Ba’t ka pa nakipagkita?”

Supposedly, to propose. “Mahabang kwento, Kuya. Pero nando’n talaga ako para makipag-break na sana.”

“Iyon nga ang sabi. Ba’t ‘di ka na lang nakipag-break sa cellphone kaysa itinatapon mo buhay mo para sa babaeng ‘yon?”

“Because... we had no proof.” Nag-iwas siya ng tingin sa nakatatandang kapatid at kinamot ang pisngi. “Sabi ni Jay, malaki ang posibilidad na si Elisa ang dahilan kung ba’t siya naaksidente. Baka raw alam ni Elisa na may alam na ‘ko sa gagawin niya. ‘Tsaka, mukhang nalaman na may kopya si Jay no’ng koleksyon niya.”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon