Kabanata 60

3.7K 128 35
                                    

KABANATA 60

MAGMULA NOONG lumuhod si Leon sa harap ni Keith, ‘tsaka pa lang tumigil sa wakas ang binata kahahabol sa kanya. Leon felt relieved but at the same time, he’s agitated. Kailangan pa pala niyang magmakaawa para layuan nito pero nandoon nga ang problema. After Keith left, that’s only when Leon allowed himself to let his feelings out. Hindi na masakit na nagmakaawa siya para lang layuan nito. Ang nakakainis, kailangan pa siyang ilang beses gaguhin bago siya magtanda.

Hassle lang dahil noong umuwi siya, tinadtad siya ng tanong ng mga magulang kung nasaan si Keith at bakit mukha siyang tanga noong umuwi. Hindi siya nakapagpaliwanag. Nagsinungaling na lang siya na agad umalis si Keith dahil hinahanap ito ng fiancée nito.

But ah, malay ba niya kung anong ginawa ni Keith pagkatapos niya itong ipagtabuyan? Basta nakapag-celebrate siya ng bagong taon na hindi nakikita ang anino nito, masaya siya.

“Leon, please elope with me.” — This offer stuck with him like glue. At some point of his life, he wondered what could have happened if he said ‘yes’. Kaso alam din niya na temporary lang iyon. Inaaya ba siya ni Keith na magtanan dahil mahal siya nito o dahil lang sinabi niyang mahal niya ito? Napaismid siya sa naiisip at napailing.

Maybe it’s better that he told him off and said that he’ll marry Elisa.

“Pakshet ka, Leon! Anong magpapakasal?!” halos hindi makapaniwalang singhal sa kanya ni Keegan. Muntik siya nitong kwelyuhin pero natatawa siyang umiwas ‘tsaka ito hinahawakan nina Lyle at Gian. “Hoy! Hindi naman ako manununtok! Nabigla lang ako na magpapakasal na ‘yang tangang ‘yan!”

Namamangha niya itong pinagmasdan. “Ako pa ang tanga samantalang ako nga ‘tong madalas mong tawagan ‘pag may problema ka sa jowa mo! Alam mo namang babae ang jowa ko’t ‘di lalaki!”

“Tinatawagan kita ‘pag makikipag-inuman ako pero ‘di kita pinagkakatiwalaan pagdating sa pagdidesisyon. Sabog ka kasi," dipensa ni Keegan.

‘Tsaka naman humagalpak ng tawa si Zachariel. Mabuti na lang talaga’t sila-sila lang ang tao sa café ngayon ni Gian kung hindi, marami na silang nabulabog.

“Facts!” pagsang-ayon ni Zachariel kay Keegan. Natawa rin ang isa ‘tsaka nag-apir ang mga ito. Kaya kumibot ang isang kilay niya dala ng iritasyon. “Pero hanep, magpapakasal na siya. Talagang inagawan kami ni Cassandra ng spotlight.”

Pinakyuhan niya si Zachariel. “E ang tagal ninyo. Ako na ang mauuna.”

“Ganyan ba talaga ‘pag tinamaan? Tignan mo si Gian at Lyle, walang pakundangan ding inunahan sina Ridge at Zamiel,” punto pa nito.

Napaismid ang kakambal nito. “We walked so that those two could run. We’re heroes.”

“No shit, babe. Mabagal ka lang talaga,” sabad naman ni Ridge na ikinatawa ng lahat dahil parang trinayidor ang itsura ni Zamiel.

Sa kalagitnaan ng paglolokohan nila, naalala ni Leon ang hinanda niyang mga bondpaper at lapis. Nakalagay na ang plano niyang proposal doon at kumukuha lamang siya ng advice sa mga kaibigan kaya sila nakatipon dito pero... So far, wala siyang mapigang matinong ideya sa mga ito.

“Ano na, gets niyo na ba plano ko? Wala na ba kayong suggestion? H’wag niyong bulilyasuhin ‘to.” Habang pinapaalalahanan ang mga kaibigan, biglang naalala ni Leon na binalaan na siya ni Jay. Sadyang pasaway lang siya’t sinusubukan niyang ipilit ang sinabi na nga sa kanyang delikado. “Kung hindi niyo gets, i-gets niyo na. Ako na mismo nagmamakaawa. Nagsayang ako ng laway dito, aba. Namamaos na nga ‘ko kakatanong niyo.”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon