Kabanata 21

5.3K 180 13
                                    

KABANATA 21

FUCK, Leon still can’t believe that he failed miserably. He thought that it was all going well and smooth but he had his mouth running without sparing a second to think!

“Aren’t you supposed to go home now?” asik niya kay Keith nang manatili ito para tulungan siyang mag-urong ng mga pinggan. “And not help me do the dishes?”

Nginitian lamang siya ng binata. “I feel guilty for rejecting you.”

“If you feel guilty, then sleep with me.”

Pagak na tumawa ang binata. Hindi siya nito sinagot. Sa halip, inabala lamang nito ang sarili sa pagpupunas ng mga pinggan at basong tapos na niyang banlawan. Lihim tuloy na napaismid si Leon sa paraang nangungutya.

Look at this man acting considerate. Napaisip tuloy si Leon kung anong gagawin niya.

‘Seduce him. He’s still here. You still have the chance to have him.’ Ganoon ang sabi sa kanya ng isipan pero habang nagnanakaw sulyap siya kay Keith, nahihirapan siya mag-isip kung paano ito tatsansingan. ‘Do I just have to hug him from behind and improvise or what?’

He still has no clue how to seduce men but he has a lot of ideas of how to seduce women. E, kung i-apply kaya niya ang mga iyon kay Keith?

“Bibigay ka kaya?” wala sa sariling sabi niya.

Nang mapagtanto ang ginawa, pareho silang natigilan ni Keith. Nagkatinginan silang dalawa at para bang tinatanong kung anong ka-bullshit-an ang sinabi niya.

Hindi nagtagal, nag-iwas ng tingin ang binata sa kanya. It took Keith a few moments before turning his head back to him and smile.

“Are you picking a fight?” tanong nito na dahilan para kunutan siya ng noo.

Naguguluhan niya itong pinagmasdan. “Mukha ba ‘kong nakikipag-away?”

“Wala akong sinabing suntukan, Leon. Ang sinasabi ko, parang gusto mong makipagsukatan kung sinong mas malakas sa ‘ting dalawa.”

“Pisikal ba?” Tinignan niya mula ulo hanggang paa si Keith at base pa lamang sa pigura nito, alam niyang mas malakas si Keith. “Baka sapakin mo lang ako ng isang beses, knock-out na ‘ko.”

Hindi naman siya payat o mahina. But figure-wise, Keith is bigger than him. Well, it’s just a bit! Mas may muscle ang binata kaysa sa kanya, e! Ewan, dala ba ito ng mas matanda sa kanya si Keith?

“Pero kung manalo ako sa suntukan, maikakama ba kita ‘pag ako nanalo?” dagdag niya.

Napangiwi si Keith. Bumuntong hininga ito bago binitiwan ang huling basong pinupunasan at humakbang palapit sa kanya. Natural lamang na mapaatras si Leon ngunit bago pa man siya makalayo kay Keith, hinapit ng binata ang beywang niya.

Natigilan si Leon. And if his body's reaction is normal, then should he consider pausing to gaze at Keith's hand on his waist while feeling his blood rushing and heart beating erratically normal?

“I’m not trying to pick that fight,” Keith responded. His breathe was fanning over to Leon’s ears and he can’t help it but to doubt what he said.

Ayaw daw siyang ikama pero ang lapit sa kanya?! And he is seducing Leon!

Kumibot ang isang labi niya bago niya ibinalik ang mga mata rito. “Ano palang klase ng laban ‘yang tinutukoy mo?”

“Pride,” Keith nonchalantly replied before he shrugged. “Since you’re trying to sleep with me, I guessed that you want to pick a fight with me. Comparing the love I have for you against the lust that you’re harboring towards me.”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon