Kabanata 17

5.4K 173 2
                                    

KABANATA 17

HINDI lingid sa kaalaman niya na late siya. Lalo na’t ilang beses siyang tinext ni Remi na mayroong mga kliyenteng naghihintay sa kanya kahit na nagsabi naman siyang mali-late siya ngayong araw na ito. Pakiramdam niya, nababagot na ang mga kliyente kakahintay sa kanya. Alas nuebe ang usapan pero magna-nine thirty pa lang siya nakarating ng trabaho.

“Da’t talaga, ‘di na ‘ko nag-drama e,” naiirita niyang bulong sa sarili habang nagmamadaling dino-double check kung may naiwan ba siya sa loob. Nang masigurong kumpleto rekados ang mga gamit niya at wala namang naiwan, saka siya humarurot ng takbo sa elevator.

Good thing that the woman who just arrived the same time around him were only a few seconds early.

He huffed and caught his breath while they went inside the elevator. Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagtitig ng kasama dahil hindi naman iyon itinatago ng dalaga. Hindi nagtagal, nakabawi na siya ng hininga, at noong pupunasan sana ang noo gamit ang palapulsuhan, natigilan siya at nabigla nang may mag-abot ng panyo sa kanya.

“Mukhang late kang dumating ngayon Engineer,” said by a sweet voice beside him.

Nang mag-angat siya ng tingin sa may-ari ng panyo, natagpuan ng mga mata niya si Elisa. For a quick second, he was astonished and he hesitated to take the handkerchief, knowing both of their reputations. Baka kapag may makakita sa kanila, sabihan pa siyang relationship wrecker.

He may be a douche but he never tried third-partying. He would never.

“Ah, kunin mo na. ‘Wag kang mahiya, tagatak ka ng pawis, ‘di pwedeng ganyan ka haharap sa mga kliyente mo mamaya.”

Nagpabalik-balik ang mga mata niya sa tela at tumango. “Salamat.”

“Nandito ka ba dahil sa meeting?”

“Meeting?” Nag-angat siya ng mga kilay. “May bagong endorsed ba na proyekto?”

Tumango-tango ang dalaga ngunit mukhang nagulat din. “Akala ko alam mo. You’re usually the first one to know things about this, after all.”

Namumula ang mga pisngi niyang nag-iwas ng tingin. Sinimulan na rin niyang punasan ang pawis sa noo at leeg bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Nang matapos, mataman niyang pinagmasdan ang panyo saka tinignan si Elisa.

“Pasensya ka na. Lalabhan ko na muna bago ko ibalik, nakakahiya naman kung basang-basa ng pawis ko ‘tong panyo mo.”

Mahinang tumawa ang dalaga. Halos maningkit ang mapupungay nitong mga mata kung kaya hindi naiwasan ni Leon na mapatitig dito.

“Ayos lang.”

Leon nearly choked in his own spit when he had witnessed how truly adorable Elisa was. Gustung-gusto niya talaga ito. Kaso lang, taken na! Kung bakit ba naman kasi nagpakamabagal siya sa babaeng tipo talaga niya.

Moreover, his thoughts were cut short when the elevator’s door opened. Akala niya, roon ang opisina niya ngunit nang mag-angat ng tingin, nasa third floor palang sila ng building. Fourth floor ang kanya. Then again, this is Elisa’s floor.

“I’ll see you later, Enginner. Ingat sa trabaho!” pagpapaalam ng dalaga bago siya kinawayan at tinalikuran.

Tanging tipid na pagkaway at ngiti lamang ang naiganti ni Leon dito. Sobra ang pagpipigil niya na tanungin itong lumabas. Kung hindi lang niya naalala na may boyfriend na ito, sisige pa siya!

Bumagsak ang mga balikat ni Leon bago siya napasandal sa pader ng elevator. Sandali lang iyon dahil hindi nagtagal, nakarating din siya sa floor niya.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon