Kabanata 31

4.7K 177 26
                                    

WARNING:
This chapter contains some explicit content. Kindly read in your own discretion!
2022 me: Ano na namang nilagay ko rito?
Update: Screaming, throwing up, cringing. Anong sinulat ko rito omg????

**

KABANATA 31

UNFORTUNATELY for Leon, he had not seen Keith during the weekends. Nagkaroon ng pampamilyang lakad si Keith. Nagbakasyon silang mag-anak sa Baguio ng ilang araw at ngayong Martes pa lamang niya ulit makikita ang binata. Bagamat nakatulong iyon para mabawasan ang pagsususpetya ng mga kaibigan niya sa kanya, hindi niya maiwasang isipin ang isang iyon habang wala ito.

Nababaliw na siya, tang ina niya. Gusto niya makita ngayon si Keith pero alam naman ngayong nakabalik na ito mula sa family outing nila, ito naman ang magkukusang lumapit sa kanya.

No, no. Wait, he was not sure about that either. Hindi pumunta si Keith sa bahay niya kaninang umaga. Wala rin itong paramdam at kahit isang text, hindi man lang nito nagawa. Naiintindihan niya iyong tatlong araw dahil oras iyon ni Keith sa pamilya niya, pero iyong ngayon? Naiirita siya.

And why is he so clingy? Fuck. Anyway, because he has not seen even a single strand of Keith’s hair, he decided to drop by his clinic at SM. Which of course, caused some of that man’s employees to be surprised.

Not only the employees of course, but Keith himself. Sabi na nga ba niya at hindi nito pinuntahan ang site ng klinika ngayon. Or maybe, he purposely came back here to attend to something.

Anyway, why is everyone so surprised? He wasn’t even throwing a fit yet.

“What are you doing here?” napapantastikuhang tanong ni Keith.

Halos mahulog nito ang buhat na kahon. Hindi niya alam kung ano laman noon pero nakabawi si naman Keith noong dire-diretso siyang pumasok sa klinika nito at sumandal sa isang tabi.

Hindi lingid sa kaalaman ni Leon ang bigat ng atmospera, ang tindi ng tensyon. Sa kabila noon, malapit nang magngiting aso si Keith.

“Bakit? Busy ka ba?” pagtatanong niya.

Iginala niya ang mga mata tapos nagtama ang paningin niya sa mga katrabaho ni Keith na naghatid dito noong minsang malasing ito. Hindi masama tingin nila sa kanya ngunit bakas ang pagtataka sa kung anong hangin ang umihip para mapadpad siya rito.

“No.” Keith smiled. “Pupuntahan nga dapat sana kita pagkatapos kong itabi ang mga ‘to.”

This guy has several days to visit him before tapos ngayon lang siya nito pupuntahan?

Leon scoffed. “‘Kala ko wala ka nang balak magpakita sa ‘kin.”

“Why would you even think like that?” His forehead furrowed. “Is it because I didn’t text you? I was supposed to. Nawalan lang ako ng load.”

Namamangha niyang tinitigan ang binata. Nagkibit balikat siya at umarteng maraming paraan para ma-contact siya, pero text lang talaga ang naisip ni Keith? Hindi rinvnaman siya madalas magpa-load. Isa pa, mas convenient na mag-chat na lamang ito.

“Were you worried?” Keith added which made him still.

Amusement danced on those beautiful eyes and Leon huffed in response.

“Ba’t naman ako mag-aalala sa ‘yo? Matanda ka na. Kaya mo na ‘yang sarili mo.”

Malawak ang ngiting kumurba sa mga labi ni Keith. Minuwestrahan siya nitong sumunod sa opisina nito dahil mukhang doon nito balak dalhin ang kahong buhat-buhat. Naituon ni Leon ang mga mata sa bitbit nito pero hindi siya nagtanong. Sa halip, sumunod siya kay Keith.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon