Kabanata 69

4.3K 154 34
                                    

KABANATA 69

LEONARDO FINALLY WENT back to Canada. Bumalik ito para i-extend ang bakasyon nito sa Pilipinas dahil kailangan ni Leon ng mag-aasikaso sa nangyari sa kanya at kahit gusto niyang personal iyong agawin mula sa nakatatandang kapatid, his brother seemed to have poured all his time for the trial. Babalik din naman ito sa Canada. Patatapusin lang ang trial nang sa ganoon, manatili na ulit ito sa pamilya. Kung daw umapela kapag nakapagdesisyon na ang korte, si Keith na raw ang aagaw ng kaso at hindi alam ni Leon kung matutuwa siya o ano.

“Why are you here?” Muntik mautal si Leon nang maalalang sumunod nga pala sa kanya si Keith pauwi sa bahay. Mag-aayos pa siya para pumasok dahil half-day siya ngayon at may meeting na dapat asikasuhin.

But fuck it. It’s difficult to act stubborn from how Ridge knocked him with some sense yesterday. Kinagat pa ni Leon ang loob ng mga pisngi para pakalmahin ang sarili. Shit. He has to hold it in for a bit, he’s still... wary of Keith. ‘Tsaka niya ito kakausapin nang maayos ‘pag nawala na talaga iyong inis at pagkasiphayo niya sa binata.

It’d be nice to talk to him but he still feels like he needs more time. Sinabi rin naman ni Ridge na huwag niyang madaliin dahil baka may pasukin siyang hindi niya magustuhan. Relasyon. Relasyon ang tinutukoy ng kaibigan.

Pinagpag ni Keith ang mga sapatos at nilagay sa shoe cabinet nila ‘tsaka nito winelcome ang sarili sa pamamahay niya. Namamangha niya itong pinagmamasdan ‘tsaka niya napansin na may dala-dala itong plastik ng kung ano. Noong mapansin ni Keith na nakita niya ang dala nito, iniangat iyon ng binata para mas makita niya.

“Ulam,” simpleng sabi ng binata at lumapit sa kanya. Napaatras siya na siyang ikinatawa nito ngunit umiling na lamang si Keith. “Nagluto sina Mama ng lumpiang shanghai and I thought that you might want to eat some so... I saved a few for you. Alam kong may pasok ka at walang oras para magluto. Painitin ko na lang ‘to sa kusina, a?”

Pinilit ni Leon na sagutin ito. He inhaled and exhaled rather harshly, he also tried to arrange the jumbled thoughts inside his head. Iyon lang, kahit ilang beses niyang ibukas sara ang bibig, wala siyang masabi sa binata. It’s odd and his eyebrow twitched in irritation. Ano ba itong nangyayari sa kanya?

Hindi naman siya speechless. Hindi rin naman siya pipi pero napaka-overwhelming ng presensya ni Keith kaya kaya sumuko na lamang siya’t minuwestrahan itong gawin ang gusto.

Saktong tinalikuran niya ang binata, ‘tsaka ito mayroong itinanong. “Will it be alright if I stay here until you come home? Wala naman akong ibang gagawin at sayang gas ko kung uuwi ako’t babalik din naman mamaya.”

“Hindi ka ba uuwi sa inyo?” napapantastikuhang aniya. He’s having mixed feelings because Keith used to stay here but this time’s different. “Hindi ka naman nakatira rito pero kung i-welcome mo sarili mo, parang magkasama tayo sa iisang bubong.”

Keith’s eyebrows raised and there’s this ghost of a smile playing on his lips.

“Gusto mo ba?” tanong nito.

“What?” Kumunot ang noo niya’t nagpameywang siya.

Nginisian siya nito. “Kung gusto mo, rito na lang din ako titira para ‘di ako pabalik-balik.”

Leon mouthed ‘what’ and stared at the man incredulously. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa binata at sa bintanang nakalimutan niyang isara kanina pero noong mag-sink in sa kanya ang tinutukoy ni Keith, awtomatikong namula ang mga pisngi niya. He gasped and stared back at him with wide eyes and a dropped jaw.

“Hindi ganyan ang tinutukoy ko! What the— Sa’n mo nakuha ‘yan?!” asik niya ‘tsaka pinaglandas ang mga daliri sa sariling buhok. “Bahala ka nga sa buhay mo! May pasok ako! Gawin mo kung anong gusto mo! Kung diyan ka hanggang mamaya, edi riyan ka!”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon