Kabanata 51

3.1K 135 55
                                    

KABANATA 51

LAKING PAGTATAKA ni Leonardo noong makita nito si Leon na umuwi kaagad mula sa paggagala nito. Ang gulo, e. Usapan nila, bago hapunan ito uuwi pero wala pa man itong isang oras sa daan, nandito na kaagad. Saan napunta iyong pagmamatigas nito kaninang yayakapin na lang daw ang winter sa Canada? Hanep.

Ang mas ikinatataka niya, umuwing nakabusangot ang nakababata niyang kapatid. Kahit sino sigurong pintor, mahihiyang ipinta ang mukha nito. Kahit si Leonardo da Vinci pa iyan o Michaelangelo, mahihirapang magpinta sa itsura nito.

"O, 'kala ko ba gagala ka? Ang aga mong bumalik. Ni 'di ka pa isang oras sa daan, nandito ka na," puna niya sa kapatid.

Imbes na sumagot, nag-isang linya lamang ang mga labi ni Leon. Then, he bit his lips. Kunot noo niyang pinanonood ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng kapatid niya at bakas doon ang pagkairita. Ipinilig niya ang ulo kasabay ng pagpapameywang.

What made his brother this upset? He's not usually like this.

"May nakita kang 'di mo nagustuhan?" Imposibleng na-harass o na-snatch-an sa daan iyang kapatid niya dahil siguradong makikipagsuntukan ito. Kung snatch naman, hahabulin nito hanggang kadulu-duluhan ng mundo ang magnanakaw hanggang sa makuha nito ang gamit. Well unless... "Nanakawan ka ba sa daan kaya ka umuwi?"

Napaismid si Leon. "Gusto ko lang umuwi nang maaga. Napagtanto kong ang pangit ka-bonding ng winter ngayon."

"Pinagsabihan kita, kaso ang tigas naman ng ulo mong bata ka. Hala sige, magbihis ka na ro'n. Sabihin ko na lang na ipagtimpla ka ng mainit na tsokolate nang kahit pa'no, hindi ka lamigin. Tumambay ka na rin sa heater. Samahan mo si Liam do'n."

"'Kay."

Naniningkit ang mga matang sinundan ni Leonardo nang tingin si Leon hanggang sa makabalik ito sa kwarto. Hindi niya pa rin malaman kung anong ikinasasama ng loob noong si Leon. Ano siya, tangang maniniwala na klima ang dahilan kung bakit ito umuwi kaagad? Ulul. Sa kapal ng mukha ng isang iyon, baka pati kalangitan, minura lamang nito 'tsaka ito nagreklamo kung bakit ang lamig at hindi sapat ang kapal ng sinuot nitong panlabas na damit.

He could ask him later. But he doubts that Leon would ever share what happened to him. Knowing how his brother grew up to be extremely secretive, he knows that he wouldn't be able to squeeze a thing from him.

Bahala na.

"Babe!" tawag niya sa asawa niya na sumigaw pabalik. Nasa kusina iyon ngayon kasama si Leila na nanonood yatang mag-bake sa ina nito. "Could you please make hot choco for Leon?"

*

AH SHIT. Hindi maintindihan ni Leon ang sarili. Why is this affecting him so much? He should've been just happy that he found another reason to hate Keith. That after he caught a quick glimpse of him and saw him with another woman, he could hate him for all his life, curse him nonstop, and just end it there. But why? Bakit imbes na matuwa siya sa nakita, bakit nasasaktan siya?

Gago. Wala nang epekto dapat si Keith sa kanya pero parang siyang nanghina nang makita itong may kasamang iba. Did they even kiss? Hindi nakita ni Leon dahil umalis siya kaagad.

He feels stupid.

"King inang buhay 'to," bulong niya sa sarili 'tsaka ibinagsak ang katawan sa kama nang matapos siyang magbihis. "Unang araw pa lang, nasira na kaagad ang bakasyon ko, a."

Ayaw nga niyang lumabas niyan, e. Hindi sa nahihiya siya dahil ang lakas ng loob niyang magsabi na gagala siya pero maaga rin pala siyang uuwi. Hindi pa nakatulong na ang suspicious niya lalo na't hindi niya mapigilan ang pagsimangot at ang sama ng loob. Sigurado nga siyang takang-taka si Leonardo kanina at kung hindi lang talaga siya mukhang sasabog anumang oras kanina, baka nagtanong na ito kung anong nangyari nang hindi siya nagsisinungaling.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon