Kabanata 59

3.3K 155 53
                                    

KABANATA 59

“LEON! BUMABA KA NA! Anong oras na, tinanghali ka na naman ng gising! May bisita tayo!” rinig niyang sigaw ng ina niya mula sa sala saktong pagsapit ng alas nuebe ng umaga.

Ngumuso si Leon nang napagkamalan pala siyang natutulog ng nanay niya. Samantalang halos kagagaling lang niya sa banyong naka-parallel sa kwarto niya’t katatapos lang niya maligo at nagbibihis siya. Ni hindi man lang siya kinatok para tignan kung gising na ba siya o hindi.

Bumuntong hininga si Leon at napailing na lang. Mayroon din daw bisita. Kaya siguro tunog natatarantang ewan ang nanay niya dahil ang equals ng bisita ay tsismis. ‘Tsaka hindi maiiwasan dahil malapit na ang bagong taon. Kabilis lang ng araw, e. Nagkibit balikat si Leon at nagpatuloy na sa pagbibihis.

“Sana magbago rin si Mama kakasigaw,” bulong niya sa sarili’t tumango-tango. Hindi na kasi siya bata pero kung sigawan siya, akala mo tatlong taong gulang pa rin siya na kinain iyong polbo nila dahil akala niya, masarap.

Alright. He knows it’s stupid but who would even dare point a finger at a three year-old?! Malinaw pa sa alaala ni Leon na binatukan siya noon ng nanay niya’t inakyat sa mga lugar na hindi niya maaabot ang polbo pero nang maglimang taong gulang siya, ginawa niya rin ang parehong kalokohan. Natuto lang talaga siyang magmala-ninja at umakyat kung saan-saan.

Oo, nakokonyatan din siya noon. Nakalimutan niya kasi ang lasa ng polbo kaya na-curious siya. Akala niya, lasang mikmik noon.

“Leon!”

Naputol ang pagri-reminisce niya nang marinig niya ang boses ng ina niyang umaalingawngaw mula sa sala. Hindi na ito nahiya sa mga kapitbahay nila. Baka isiping may bardagulan sa kanila samantalang kalmado’t tahimik na ang pamamahay nila. Naging utusan na nga siya para mapanatiling tahimik ang bahay nila e.

“Nandiyan na, Ma! Naghahanap lang ng maisusuot!” pasigaw niya ring sagot dito.

Narinig niya ang pagrireklamo ng ina. “Aba’y bilisan mo! H’wag mong pinaghihintay ang bisita!”

E baka katsismisan nga lang nito iyang nandiyan! Balak lang siyang ipakilala’t ipagmayabang na may anak itong engineer pero nasa Pilipinas pa nakabase ngayon dahil ayaw manatili sa Canada— e bakit ba! Nandoon ang mga kabarkada niya’t nangako siyang hindi iiwanan ang mga ulol na iyon. Halos magkakapitbahay pa rin nga sila, e.

King ina. Magrireklamo siya kapag hindi bumalik sina Gian at Lyle malapit sa kanila. E sinundan kasi ni Gian ang asawa dahil gusto raw nitong malapit kina Keegan ang tinitirhan. Sila pa ang nag-adjust. Kaladkarin niya si Keegan, e.

Ah. Enough of his nonsense thoughts.

Noong makapagbihis na si Leon, dali-dali siyang lumabas mula sa kwarto dahil naririnig na niyang paakyat na ang nanay niya sa kwarto niya. Then again, he was surprised when the person he first saw aside from his parents wasn’t an ordinary visitor but... Keith.

Putang ina?

“Anong ginagawa mo rito?!” napapantastikuhan niyang tanong sa binata ‘tsaka ito dinuro.

Nang maglipat sa kanya ng tingin si Keith dahil tinapos na muna nito ang pakikipag-usap sa ama niya, napansin ni Leon ang alanganin nitong pagngiti.

“Hi,” simple lang nitong bati pero alam ni Leon na may hidden agenda ang isang ito. “Long time no see.”

Anong long time no see?! E halos tatlong araw pa lang mula nang huli niyang makita ang pagmumukha nito!

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon