Kabanata 66

3.9K 146 10
                                    

KABANATA 66

NAKAANGAT ANG ISANG kilay na pinagmamasdan ni Leon si Keith. Ito ang nag-aasikaso sa discharge niya. Busy ulit si Leonardo at ito naman ang nagsabing si Keith talaga ang mag-aasikaso sa kanya rito sa ospital— sa ayaw at sa gusto niya. Mas inuuna kasi ni Leonardo ang tungkol kay Elisa lalo na’t magkaka-trial daw sa oras na dumating ang mga magulang niya galing Canada.

Masyadong malaki ang tiwala ng isang iyon kay Keith at iniwan lahat ng trabaho sa binata dahil magbo-volunteer din naman daw ito’t hindi siya pababayaan. Kapag naaalala niya ang kagaguhan ng Kuya Leonardo niya, gusto niyang sumunod sa pinuntahan nito para sapakin ang isang iyon e.

“Sigurado ka bang ayos lang sa ‘yong maglakad-lakad? Alam kong ngayon ka madi-discharge, but shouldn’t you still be resting?” Keith asked while they walked down the hallways.

May ilan silang nakasalubong na nurse at mga pasyenteng naka-wheelchair o hindi kaya e gumagala rin sa ospital, kaya madalas e nagkakaroon siya ng distansya mula kay Keith (thank God). Noong hindi siya sumagot, hinawakan ni Keith ang braso niya’t hinila siya palapit dito bago pa nila madaanan iyong pasyenteng naka-wheelchair at walang balak na gumilid para sa kanilang dalawa.

This man just forced a disabled patient to turn to the corner just so he could have him close.

“Stop acting like a brat and answer me. Should I carry you back to your room? Just tell me,” Keith added.

Namamangha niya itong nilingon. “Sumama ako dahil nababagot ako sa kwarto ta’s ibabalik mo ‘ko ro’n? Wala ka bang puso o ano? And you don’t usually snap at me.”

“I’m taking responsibility for spoiling you too much.” Napailing si Keith ‘tsaka siya hinila papunta sa billing station.

“Hindi mo naman ako ini-spoil—”

“I did. Simula noong bata ka. Kaya iniisip mo laging ayos lang sa ‘kin na sinasaktan mo ‘ko. But that’s enough. I love you but I can’t always let you torture me emotionally.”

Napamaang si Leon at napanganga nang diri-diretsong magsabi si Keith— sa gitna ng pasilyo, kung saan maraming posibleng makarinig sa kanilang dalawa, sinabi nitong mahal siya nito at na hindi na nito itu-tolerate ang ginagawa niya.

And he could complain— he would. Kaso may delikadesa pa siya sa katawan at ayaw niyang gumawa ng eskandalo sa loob ng ospital na parang sila lang ang tao rito.

“Are you stupid? King ina. ‘Di ka ba nahihiya sa sinasabi mo? You’re already engaged—” Natigilan si Leon noong maalalang may nakapagsabi sa kanyang kinansel ni Keith ang kasal nito sa ex-fiancée dahil sa kanya. Napahinga siya nang malalim at umiling-iling. “Forget it. Bobo ka nga pala, si Kuya na rin ang nagsabi. Sino ba naman ang magpapakansel bigla ng kasal dahil lang may narinig mula sa ‘kin? Ikaw lang. Milyones ang sinayang mo ta’s itinapon mo lang?”

Inalis niya ang pagkakakapit sa kanya ni Keith at nauna siyang maglakad patungo sa billing station. Naramdaman niya ang panonood sa kanya ng binata bago nito maisipang sumunod sa kanya. But the moment Keith caught up to him, mabilis itong lumapit sa kanya’t hinawakan siya para makalapit sa tenga niya.

“Ang dami kong gustong sabihin sa ‘yo pero hindi ko alam kung kailan ka magiging handa. You keep on shutting me down. It’s sometimes frustrating but it’s better to wait instead of forcing you to listen to me. Pero sana malaman mong madalas, nakakainis ka. Hindi ka marunong magpakumbaba,” tuluy-tuloy nitong bulong sa tenga niya.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon