KABANATA 71

6K 228 49
                                    

KABANATA 71 

LUMABAS NGA SILANG dalawa pero napaka-awkward naman ng atmospera. Sa sobrang solemn, daig pa nilang dalawa ni Leon ang namatayan.

Lihim na bumuntong hininga si Keith at pinasadahan ng mabilis na tingin si Leon. Medyo nauuna itong maglakad sa kanya at kanina pa ito hindi nagsasalita. Ang huling usap nila ay sa sasakyan. Tinanong niya ito kung saan ba nito gustong lumabas pero tinaasan siya ng kilay at tinanong pabalik—siya raw kasi ang nag-aya pero wala raw ba siyang mapagdadalhan dito?

No, that’s not the case. Kahit impromptu lang itong paglabas nilang dalawa dahil hindi talaga niya inaasahang pumayag si Leon sa ‘biro’ niya, marami pa rin siyang gustong pagdalhan sa binata. Marami siyang lugar na gusto nilang pasyalan noon kaso naudlot, tulad na lamang noong cat café na sumikat sa mga kasama niya sa trabaho noon. Hindi mahilig si Leon sa pusa pero para kay Keith, malapit ang ugali nito sa mga pusa.

“You sure can walk, huh.” Hindi niya naiwasang mapaismid nang mapansing hindi man lang nanghihina si Leon. Though, it’s been weeks since he’s admitted to the hospital, Keith isn’t expecting for a fast recovery. “Leon, bagalan mong maglakad.”

Kahit nakatalikod si Leon, alam niyang umikot muna ang mga mata nito bago siya nilingon. “Ba’t ko babagalan? Mas malalaki pa ‘yang paa mo sa ‘kin kahit anong bilis ko, makakahabol ka.”

“Because this is the first time that we went out after almost seven months?” he innocently shot back which made Leon pause. “I’m trying to savor every second.”

“No need.”

Napamaang si Keith nang marinig ang sagot ng binata ‘tsaka siya nito tinalikuran ulit. Muntik na rin siyang magtampo hanggang sa pansinin niyang binagalan nga ni Leon ang paglalakad at halos magkatabi na sila ngayong dalawa. He inwardly snickered. Kahit na ang sakit na sinasaktan siya ni Leon, isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya ito maiwanan ay dahil alam niyang sa likod ng masasakit nitong salita sa kanya, may pakialam ito kay Keith.

It’s that... famous ‘tsundere’ trait. To be honest, Keith isn’t a fan but he tolerated Leon because he loves him. But most of the time, it’s annoying. Gusto lang niyang maging sila pero pilit siyang itinutulak ni Leon kahit alam nito sa sariling pati ito, masasaktan. Umamin na ngang mahal siya pero kung umasta, akala mo ay bata. Pinapairal pa rin ang katigasan ng ulo. And Leon’s lucky since Keith could wait, because he understood how Leon’s rough and brusque personality worked.

Kung ibang tao lang siya, naghanap na siya ng iba. Sadyang mas malakas lang ang tama niya sa binata na hindi mapantayan ng iba kaya hindi rin siya makaalis. It’s because Leon’s so charming and cute despite his attitude, that’s why Keith’s still here and pursues him. He’s addicted to the thought of what awaits them after this rain—because he knew and he had experienced it for a short time back then... Of how sweet, gentle, and caring Leon could be.

He’s Keith’s dangerous addiction. Pakiramdam niya, hindi niya kayang magpatuloy kung hindi si Leon ang end game niya.

“Nandito na tayo,” nakabusangot na sabi ni Leon ‘tsaka lumakad patungo sa harap ng pinto ng café bago siya nilingon siya habang  nakasimangot. “Seriously, of all places... Why a cat café?”

Keith smiled and shrugged. “Why not? Cats are cute.”

“Shut up. ‘Di ka cat person. Sa’n mo ba ‘to nakita? Ni ‘di ko man lang alam na nag-eexist ‘to.”

“Hindi ka dinala ng ex-girlfriend mo rito?” Lumapit siya kay Leon at dahil para itong batang tumitingin sa loob at bakas ang pag-aalangan sa mukha nito, hindi napigilan ni Keith ang halikan ang pisngi nito na ikinagulat naman ng isa. “Sorry, I can’t resist it. You’re too cute not to kiss. At least, on the cheeks.”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon