Kabanata 68

3.8K 163 23
                                    

KABANATA 68

KUMIKIBOT ANG ISANG kilay na pinagmamasdan siya ni Zamiel nang maabutan siya nitong papunta sa bahay nito habang ito naman ay mukhang pasakay ng motor matapos isara ang gate ng bahay nito. Kinawayan niya ang binata at bagamat mukhang nagmamadali ito, hindi kumilos si Zamiel mula sa kinatatayuan hanggang sa makalapit siya sa binata.

Just by the looks of it, Zamiel’s already questioning him from the glares that he’s throwing at him. ‘You again?’ Malakas na naririnig ni Leon ang tanong sa isipan niya kahit hindi nagsasalita ang binata. Talk about having a friend who abhors his existence but would take care of him 24/7 if needed. Yes, Zamiel Chastain.

“Aalis ka? Sa’n punta mo?” pag-uusisa ni Leon nang makalapit na rito pero hindi pa rin siya tinantanan ni Zamiel sa pagtatapon nito ng masamang tingin sa kanya.

Then, the man hissed. “Mayro’ng emergency sa ospital at tinawag ako for immediate surgery. I’m on my way now but what are you doing here?”

“Bibisita.” Nagmamalaki siyang nagpameywang at malakas na nagpakawala ng hininga. “‘Di ka pa ba dapat umaalis? Baka mamatay na ‘yong pasyente sa ‘yo?”

Habang nagsasalita si Leon, pinanood niya si Zamiel na isuot ang helmet nito’t sumakay sa motor ngunit bago nito simulan ang makina ng behikulo, pinasadahan siya nito ng mabilis na tingin at pinaikot nito ang mga mata.

“Nandiyan si Ridge. Keep him entertained. ‘Di ko alam kung anong oras ako babalik. Bye,” diri-diretso nitong sabi ‘tsaka tuluyang umalis.

Hindi man lang siya nakapagpaalam nang maayos, ano? Leon sweat dropped and watched Zamiel’s car disappear from his sight. Ngumiwi siya dahil himdi man lang siya nakapagtanong kung gising ba si Ridge o baka natutulog. Bahala na, mambubulabog na lang siya nang wala itong ibang choice para i-entertain siya.

*

LEON WATCHED RIDGE yawn and hug his newly bought pillow tightly. Pamilyar iyong design at sa palagay ni Leon, binili iyon mula sa MiniSo sa SM. Man, he wanted one because their pillows are one hundred percent high quality. Soft. Kahit siguro hindi makatulog si Leon dahil sa stress, kung gagamitin niyang pang-unan ang ganyan, baka bumagsak pa rin siya.

Napangisi siya nang tinignan pa ni Ridge ang mga daliring pinampunas nito ng mga mata para tignan kung mayroon ba itong muta. Nang masigurong wala, ‘tsaka lang siya nito pinagtuunan ng pansin.

Kanina pa siya kumakatok, hindi siya marinig ni Ridge. Kailangan pa niyang tawagan ang binata at hilinging hindi naka-silent ang cellphone nito. It worked, but it took time to convince him to get up. Kung hindi pa siguro sinabi ni Leon na may kailangan siya’t naka-code red, baka hindi pa bumangon si Ridge at baka hindi na siya nito pinagbuksan ng pinto.

“Ano ngang kailangan mo sa ‘kin?” Ridge asked unenergetically. Talagang wala itong ganang kausapin siya kung hindi lang siya nangulit. “Oh, right. Code red, was it? Kailangan mo ba sina Zach?”

Umiling siya. “Nah. You’re enough. Mas may sense kang kausap kaysa sa mga ‘yon.”

“You’re underestimating Zach.”

“No.” Bumuntong hininga si Leon. “Talagang ikaw ang kailangan ko dahil ikaw lang naman ang nakaalam na may iba akong gusto at ‘di si Elisa ‘yon.”

Natigilan si Ridge nang mabanggit ang tungkol sa luma at ongoing na problema ni Leon. Tila ba roon lang ito nagkabuhay na siyang dahilan para mawala lahat ng emosyon sa mukha niya dahil pilyo siyang nginisian ng binata ‘tsaka minuwestrahang pumasok sa pamamahay nito. King ina. Talagang wala itong balak i-welcome siya kung hindi niya sasabihin kung anong pakay niya.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon