Kabanata 48

3.2K 120 47
                                    

KABANATA 48

NAMAMANGHANG pinagmasdan ni Leon si Ridge na noon e mataman din siyang tinititigan at inoobserbahan. Ilang beses siyang napakurap bago nag-iwas ng tingin mula sa kaibigan. Narinig niyang humimig ito pero hindi siya nag-react. Lumunok lang siya’t napaisip sa tinanong nito sa kanya.

What makes him miserable, Ridge asked. But Leon doesn’t even know that he looked like that. Was he difficult to watch, which is why Ridge presumably followed him here? Was he spacing out too much? Leon doesn’t know the answer to his questions and he probably needed a mirror to check himself.

“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. I’m good, just tired,” pagtanggi niya sa paratang ni Ridge.

He doesn’t look miserable because he can’t see himself. But somewhere around his head, Leon knows that he does look stupid.

Kaya-kaya pa naman ni Leon noong hindi pa binabanggit ni Zachariel na may tsismis tungkol kay Keith. May enerhiya siya para makipagkulitan sa mga kaibigan, may oras para makipag-inuman hanggang sa mapagod at makalimutan ang iniwang mga magazine sa kanya ni Elisa. Kaya naman niyang ibaon ang bumabagabag sa kanya kaso... Biglang hinukay ang pangalan ni Keith at naalala ni Leon na nasa Canada ito ngayon, posibleng kasama ang babae nito. Syempre, nawala siya sa mood.

“You say that you’re good but you act otherwise.” Ridge pushed his swing, stretched his legs, and allowed himself to move back and forth. “Wala ka ba talagang problema o ayaw mo lang magsabi? Come on, tayo na lang dalawa rito sa labas. Pinaiwan ko rin si Zamiel sa loob kahit sawang-sawa na ‘yon sa kakambal niya.”

Was he supposed to feel touched? Nginiwian ni Leon si Ridge na noon e nakapikit na pala’t dinadama ang hanging humahaplos sa mukha nito. Then, Leon sighed.

“Wala naman talaga akong problema. Lumabas lang ako para magpahangin. Sa’n mo ba nakuha ang ideyang baka may mabigat akong dalahin?” natatawa niyang aniya.

Humimig si Ridge. “You won’t fool me with a lame ass act. Mas magaling pa umarte si Zamiel sa ‘yo kahit open book siya.”

“Sinasabi mo bang mas madali akong basahin kaysa sa fiancé mo?”

“Whatever allows you to sleep peacefully at night.~”

Hindi sinagot ni Leon ang pang-aasar ni Ridge sa kanya. Bumuga siya ng marahas na hangin at umikot ang mga mata niya. Pakshet. Hindi siya nadi-drain kay Ridge dahil kung itatabi kah Zachariel, hindi hamak na mas kalmado itong kasama pero ang ayaw ni Leon, kahit wala siyang gawin e parang alam na ni Ridge ang lahat ng isasagot niya sa tanong nito. Hinuhuli na lang siya.

“You were much more radiant when you were with someone else, not her. It’s too bad that we weren’t able to meet the person who made you smile genuinely,” Ridge suddenly said which made Leon flinch.

Nakasimangot niya itong tinignan. “Sorry, ako pa ba kausap mo o nagri-recite ka na ng tula riyan?”

“Kinakausap kita, Leon. May iba pa ba ‘kong kasama rito? ‘Tsaka ba’t ako magmi-memorize ng tula? We’ve long graduated.”

He snorted. “Kami lang ang grumaduate. You ditched college, right?”

“I still graduated highschool. ‘Tsaka mag-aaral ako para makakuha ng diploma. Though, I don’t know what it’s for. I can always start a business without one.”

Sandali silang natahimik ni Ridge hanggang sa itigil nito ang pag-swing. Narinig nila ang nakakairitang pag-ipit ng bakal at naisip niyang kailangang langisan ni Zachariel ang swing, pero mukhang wala roon ang atensyon ni Ridge. Bagkus, mas abala ito sa kanya.

The moment Ridge turned to his way and stared at him intently, the smile he tried to curl on his lips flopped.

“You’re cheating from Elisa, aren’t you?” pang-aakusa ni Ridge.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon