Kabanata 67

4K 167 24
                                    

KABANATA 67

SUMUKO NA SI LEON sa pagrereklamo noong kinabukasan ay natagpuan niya si Keith na naghahanda ng agahan nilang tatlo nina Leonardo. He just face palmed, walked into the kitchen, and sat quietly. Hindi niya tinignan si Keith na magluto’t ipagtimpla siya ng kape – Keith brewed him the usual, he remembered – ni hindi niya rin tinignan si Leonardo na noon ay panay ang pagtingin sa kanya.

“Husband material na sana kaso ‘di ka pa rin trip. Sad naman niyang buhay ni Keith,” komento ni Leonardo ‘tsaka nilipat ang pahina ng dyaryong binabasa.

Leon pressed his lips together and looked away. Sumimsim siya ng kape’t pilit iniignora ang presensya ng kapatid at ng kaibigan nito dahil obviously, pinagtutulungan na siya. Hindi naman siya makapagdala ng earphones o cellphone sa hapag dahil siguradong iku-confiscate ni Leonardo. Ganito ang gawain nito kapag sabay silang kakain mula noon, e.

Humalakhak ang binata. “Ikaw nagtulak sa ‘kin magluto dahil pinipilit mong ikaw ang namalengke. Tang ina mo, Nards. Bisita ako, ‘di katulong. Magkano sahod ko rito?”

“Depende sa nakatira rito. Bisita lang din ako ngayon. Taga-Canada na ‘ko,” mayabang na sagot ni Leonardo ‘tsaka siya ulit sinipat ng tingin. Sinipa nito ang paa niya na ikinasagitsit niya. “Magkano raw sahod ni Gaviola rito, Leon?”

Nginiwian niya ito. Bakit siya ang tinatanong e hindi naman siya ang nagsabing kumilos ito sa pamamahay niya? Nakakasama pa nga ng loob na gamay nito ang pasikut-sikot dito samantalang ipinaayos na niya ang internal kay Cassandra nitong minsan. Hindi bago ang appliances pero... dapat nalilito pa rin si Keith minsan!

Kung magpalakad-lakad sa kusina, akala ay dito rin nakatira ang binata.

“Pupunta ako ng trabaho mamaya,” paalam niya noong sa wakas ay matapos na si Keith sa pagluluto’t inihahain na ang agahan nilang tatlo.

Inangatan siya ng isang kilay ni Leonardo ‘tsaka nito pinagpag ang dyaryong hawak. “At ano namang gagawin mo sa trabaho e kagagaling mo lang nga sa ospital?”

“Hindi ako naka-sick leave,” simple niyang sagot. “Kailangan ko magpaalam sa bisor ko na magli-leave muna ako.”

Humimig si Leonardo ‘tsaka ito nakipagtinginan kay Keith at tila ba nag-uusap sa pamamagitan lamang ng mga mata. Nginiwian niya ang mga ito dahil parang may telepathy ang magkaibigan lalo na nang sabay na tumango ang mga ito.

Kung hindi siya pinagtutulungan ng mga ito, e ano iyang nakikita ni Leon na ginagawa ng Kuya Leonardo niya at ni Keith?

“Isama mo si Keith.” Sabi na nga ba ni Leon at ito ang sasabihin ni Leonardo.

Tinapunan niya ng masamang tingin si Keith na nagtataka naman siyang pinagmasdan. Umakyat-baba ang mga kilay nito pero mahinang tumawa kalaunan at napailing. Tapos, iminuwestra nito si Leonardo at tila ba sinasabing hindi ito ang nagdesisyon kung hindi ang nakatatanda niyang kapatid.

Kahit pa. Pumayag pa rin si Keith.

“Hindi talaga ako magkakaroon ng day off sa kanya, ano?” pikon niyang komento na ikinaismid naman nina Keith at Leonardo.

Sandaling naghalumbaba si Keith kung hindi lang naalala ang tungkol sa pamahaiin. “Hangga’t ‘di ka nakikinig sa ‘kin, ididikit daw ako sa ‘yo ni Leonardo.”

“Ba’t naman ako makikinig sa ‘yo?”

Imbes na pansinin kung gaano ka-snappy ang sagot niya, si Keith ang nagsandok ng makakain niya at ng ulam na kakainin niya. Nang mailapag nito ang plato sa harap niya, ‘tsaka pa lang ito sumagot.

“Your brother’s trying to save us. Sayang naman ang effort niya kung umuwi kami rito ta’s aawayin mo lang ako, ‘no?” Keith responded and smiled at him. Alam nitong may kakampi ito kaya tila ba nang-aasar ang ngiting itinapon nito sa kanya.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon