Kabanata 22

5.2K 178 31
                                    

KABANATA 22

“YOU LOOK stupid but that’s alright, I like that in a man.”

Masama ba kung ganyan na-interpret ni Keith ang sinabi ni Leon? Habang dahan-dahan niya na nginunguya ang isinubo nitong chichirya sa kanya, tila ba pinalibutan ng mga bulaklak at puso ang background ng binatang kaharap. Masama ba kung iibahin ni Keith ang ibig sabihin ni Leon?

He feels flattered, and he knew he shouldn’t. Damn.

“Next month pa matatapos talaga ‘yong center. Alam mo pa naman ‘yong sinabi kong lugar sa loob ng Clark, ‘di ba? King ina, ‘wag kang maliligaw.”

Napamaang si Keith nang ibahin ni Leon ang usapan. Ilang beses siyang napakurap-kurap hanggang sa malunok niya ang kinakain. Doon pa lamang siya nakapag-focus sa pag-alala ng sinabi ni Leon sa kanya.

Three nights ago, Leon told him the place of his next project. Hindi iyong eksaktong address, pero sinabi nito kung saan niya iyon mahahanap. He said that it was near CDC, so Keith assumed that it might be along the line of houses beside the field.

“Are you seriously letting me go there?” he asked, dumbfoundedly.

Nagkibit balikat ang binata. “Mukha ba ‘kong joker? Pero ikaw magdesisyon kung pupunta ka. Gusto kita pero wala akong balak mag-adjust para sa ‘yo.”

Napanganga si Keith nang hindi linawin ni Leon ang sinasabi. Of course he assumed that Leon likes him too, though the male made it clear beforr that he is more interested in having him on his bed. Naaaning na si Keith pero wala man lang pakialam ang binata. Mukhang gusto pa nga nito ang nangyayari sa kanya.

Nang pasadahan siya ng tingin ni Leon, agad na binura ni Keith ang pagkagulat sa mukha. Sa halip, nginitian niya si Leon na para bang walang talab ang panlilinlang niya. Kahit na ang totoo e hindi niya na makontrol ang pagkabog ng puso sa dibdib.

Leon frowned and clicked his tongue. “‘Di ka man lang talaga nagulat sa mga sinabi ko?! I’ve been trying hard to make you flustered!”

“It’s because we already discussed our dynamics back then, right?” Lihim na bumuntong hininga si Keith, kasabay ng pag-igting ng panga niya. ”But you instilled a nice thought, it wouldn’t to think that you're really into me, too."

Disgust was painted on Leon’s face but Keith paid him no mind. Mas lumawak lamang ang pagkakangiti niya. He is also still trying to suppress how his jaw tenses.

“Kanina ka pa kain ng kain. ‘Di ka ba nauuhaw?” pag-iiba niya ng usapan.

Inirapan siya ni Leon. “Kaya ko ‘tong ubusin nang ‘di umiinom ng tubig.”

“Pero kung pakiramdam mo, masasamid ka na, sabihin mo lang sa ‘kin.” Baka ayaw uminom ni Leon e dahil mineral water talaga ang binili niya?

“Huh. Masasamid lang ako kung...”

Hindi tinuloy ni Leon ang sinasabi na siyang nakapagpaangat ng isang kilay ni Keith. Ngunit nang bumaba ang mga mata ng binata, mahina lamang na natawa si Keith. Pagak dahil hindi niya nagustuhan ang tumatakbo sa isipan nito.

It feels weird to be harassed by the person you like. But somehow, it’s tolerable since Leon’s still interested in him in some way.

**

AN HOUR. They stayed at that park beside the court for an hour and none of them really spoke to each other. Habang abala si Keith sa panonood ng street basketball ng mga bata, si Leon naman e nag-i-improvise ng plano sa isip habang nilalantakan ang kinakain niyang chippy.

Naubos nalang nga ang kinakain pero hindi pa rin siya nakapag-isip ng gagawin.

“Uwi na tayo?” tanong ni Keith noong tumayo si Leon nang walang pasabi. Pero kukunin lang talaga niya ang mineral water nang sa ganoon, makainom.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon