Kabanata 37

3.9K 161 42
                                    

KABANATA 37

HINDI ALAM ni Leon kung bakit kaharap niya si Jay. Kalalabas niya lang sa office ng bisor niya tapos ito ang bumungad sa kanya. Awtomatiko siyang napasimangot. Masama ang pakiramdam niya sa kung bakit sila magkaharap ngayon ng binata.

“Totoo bang nakikipagkita ka kay Elisa?” Madilim ang mukha nito nang magtanong pero may kung ano sa boses nito na hindi galit. May ibang emosyong nakabaon sa tono ng pananalita ni Jay.

Ipinilig niya ang ulo. “Hindi. ‘Di ako ang nakikipagkita sa kanya. Siya mismo ang pumupunta sa ‘kin. Alangan namang itaboy ko?”

“Mas mabuting ngayon pa lang, itigil mo na ang pakikipagkita sa kanya, Leon. Kung gusto mong tumagal dito.”

Ha? Pinagbabantaan ba siya nito?

Napaismid siya. “Bakit? Sisirain mo ba image ko rito sa opisina nang makipagbalikan sa ‘yo si Elisa? ‘Wag kang mag-alala, ‘di naman ako interesado sa ex-girlfriend mo.”

Imbes na sagutin siya, minata siya ni Jay mula ulo hanggang paa. Hindi alam ni Leon kung mapipikon ba siya pero handa siya kung sakaling bigla siya nitong ambain ng suntok. But to his surprise, nothing came. Talagang pinagmasdan lang siya ni Jay bago ito bumuntong hininga.

“Ba’t ko gagawin ‘yon? Ang akin Leon, hangga’t maaga pa e itigil mo na ang pakikipag-usap kay Elisa. Ipapahamak mo lang sarili mo,” anito.

Leon scoffed. “Trust me, I’m not putting myself in danger. Ano ba naman ang pwedeng gawin sa ‘kin ni Elisa?”

“Ayun nga, e. Iniisip mong walang kayang gawin sa ‘yo ang babaeng ‘yon. But trust me, she almost ruined my life and made me look like I’m in the wrong, Leon. Kung ako sa ‘yo, save yourself.”

“What do you mean?”

“She could ki—” Bago pa man matapos ni Jay ang sasabihin, natigilan silang dalawa nang marinig nila ang malakas na pagtawa ni Elisa sa malapit kasama ang iilan pa nilang katrabaho, hudyat na papunta ito sa direksyon nila.

Pareho silang napatingin sa direksyon na pinanggalingan ng ingay pero si Jay ang naunang makabawi. Ibinalik nito ang mga mata sa kanya at tumikhim.

“She’s crazy, Leon. Don’t think that I didn’t warn you,” huling banta sa kanya ni Jay bago siya nito iniwanan.

Habang naglalakad palayo ang isa, mataman niyang pinagmasdan ang binata. He’s still in awe that that guy approached him. Samantalang alam ng buong kumpanya nila na mainit ang dugo nila ni Jay sa isa’t isa. Pero ito ngayon ang binata, binabantaan siyang lumayo kay Elisa?

Well, that is his plan! But... he’s scared that if he ever pushes Elisa away, a truth that he couldn’t accelt would unveil in front of him. Si Elisa ang scapegoat ni Leon para hindi mahimasmasan sa delusyong meron siya.

But... what was that warning all about? Just how could a petite, beautiful, innocent, gentle, and kind woman... be crazy?

Leon should’ve heed Jay’s warning since he regretted the consequences aren’t great when he realized what kind of danger lurked around him.

*

DALAWANG linggo ang lumipas mula nang mag-file ng leave si Leon sa trabaho dahil magbabakasyon sila ni Keith. Nabigla siya nang umusbong ang tsismis na nagsasabing baka may balak silang mag-date ni Elisa.

Hindi siya kumportable sa tsismis. Lalo na sa mga tinging itinatapon sa kanya ng dalaga. Nakuha nitong sungitan siya at irapan. Lalo na noong kumpirmahin niyang hindi naman ito ang kasama ni Leon sa bakasyon dahil “matalik na kaibigan” ang kasama niyang mag-hiking.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon