Kabanata 52

3.2K 141 11
                                    

KABANATA 52

THREE DAYS YATA ang lumipas mula nang huling lumabas si Leon mula sa pamamahay ng Kuya Leonardo niya. Kahit na sa malapit na parke lang siya ayain, sobra ang pagtanggi niya dahil pakiramdam niya, hindi siya ligtas at baka kahit saan na lang niyang makita si Keith. Kaya ang ginawa niya sa loob e tawagan paminsan-minsan si Elisa, i-update ito kung kumusta na siya at vice-versa. Tipikal na mga diskusyon lamang ng mga magjojowa na magkahiwalay dahil nasa ibang bansa ang iba’t binibisita ang mga kapamilya.

Fortunately, he felt better after talking to her. Nawala na sa utak niya na nagkita sila ni Keith at na-distract siya. Nawala na iyong inis at pagkasiphayo niya. Para siyang lawa na ‘di maistorbo.

Kaya matapos magmukmok at magkulong, napagtanto ni Leon na magbabago ang lahat sa araw na ‘to! Mauubos ang araw ng bakasyon niya kung magkukulong siya at bukas na ang pasko kaya imposibleng tatahimik siya rito ‘tsaka walang gagawin? Ha! Ano naman kung hindi siya paborito ng tadhana at gustung-gusto lang siya nitong testing-in? Pakialam niya?

Lalabas siya at sa pagkakataong ito, walang makakapigil sa kanya! Nakuha na rin niya ang listahan ng grocery mula sa sister-in-law niya. At least, mayroon na siyang definite na destinasyon ngayon.

“Sandali, sandali, sandali,” Leonardo chanted. Pinigilan siya nito samantalang kukunin pa lang naman niya ang mga sapatos sa shoe cabinet. “Sa’n ka pupunta?”

Awtomatikong kumunot ang noo niya’t itinuro ang labas. Para namang hindi obvious kung saan siya pupunta, ano? Malamang, doon sa labas. Gagala siya tapos maggo-grocery. Alangan namang lalabas siya para sumigaw sandali pero papasok din agad?

“Grocery,” simpleng sabi niya ‘tsaka hinugot mula sa bulsa ang listahan ng ipinabibili sa kanya.

Naguguluhan at namamanghang tumitig sa kanya si Leonardo. Ewan niya, may sapi ba ito at parang isang malaking kasalanan na lalabas siya? Nagkulong lang naman siya sandali at hindi naman talaga siya naba-bother ng malamig na klima. Sadyang nakita lang niya si Keith noong isang araw kaya maaga siyang umuwi.

“Sino namang nagsabi sa ‘yong ikaw ang maggu-grocery? Anong pinapabili sa ‘yo ng asawa ko?” pag-uusisa ni Leonardo.

Nginiwian niya ito. “H’wag mo sabihing inaatake ka na naman ng pagkakuripot mo? Iyong pang-barbeque bukas ang pinapabili sa ‘kin. ‘Tsaka additional na handa sa Christmas Eve.”

“Ikaw ang bibili? Kaya mo ba?”

“I’m not a kid. ‘Tsaka wala namang quarantine sa labas, a?” Leon blew out a trill. “Marunong ako mag-grocery. Iwanan niyo ba naman ako sa Pilipinas. Tingin niyo ba, pa’no ‘ko mabubuhay kung wala akong basic survival skills?”

“Matagal nang tapos ang covid, gago. Naniniguro lang ako na ‘di ka didiretso sa night club.”

He grimaced. “Gusto mo ba ‘kong ipatalsik ni Elisa?”

“Hindi naman. Pero ang tagal bago mo naisipang lumabas ulit. What’s gotten into you?”

“Gusto ko lang mag-grocery. ‘Di na ‘ko mapakali rito  sa loob ng bahay, e. Kailangan kong lumabas. Pwede na ba ‘kong umalis? Baka gabihin pa ‘ko.”

Nagsusukatan nilang tinitigan ni Leonardo ang isa't isa. Kung hindi lang sumilip ang asawa nito mula sa kusina para itanong kung bakit hindi pa rin siya lumalakad, baka hindi na niya naalala na aalis nga pala siya.

“Pahiram naman ng kotse,” paalam niya sa Kuya niya at inilahad ang palad para umaktong mayroong hinihingi mula rito. “Akin na muna susi mo, dali.”

Sumagitsit si Leonardo. “Ang lakas mo, a? Magda-drive ka e wala ka namang lisensya rito? Baka maararo kotse ko!”

“Hindi naman ako humaharurot sa labas. Alam ko pa rin speed limit dito sa Canada. ‘Di ako papansin. Mabait akong driver.”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon