Kabanata 11

6.4K 217 13
                                    

KABANATA 11

"LALAKI 'yon, Leon."

Nitong mga nakaraang araw, ganoon ang klase ng pagpapaalala na ginagawa niya sa sarili. Tuwing naliligo siya, sobra-sobrang pagkukuskos pa ang ginagawa niya sa katawan. Binubura ang lahat ng alaala ni Keith dahil ngayon siya nakaramdam ng mas matinding pandidiri.

It certainly took him a long time to gobble up the fact that he had a one night stand with a male. Most importantly, it had to be Keith.

Noong nakaraang tatlong linggo, wala siyang ginawa. Ibinaon niya lang ang sarili sa trabaho at nagkunwaring walang naganap na kababalaghan. Pero noong nagkita ulit sila ni Keith at nakauwi siya, roon palang tila umikot ang sikmura niya.

Now, thinking about it makes his stomach churn again.

"Get a grip of yourself," bulong niya sa sarili bago napahilot sa sentido. "You're in the middle of work."

Nasa Angeles siya ngayon. Sa harap ng imprastakturang ipinapagawa ng alkalde nila. Itong proyekto ang tinutukoy ni Keith nitong nakaraan, iyong wala siyang matatanggap na pagkilala—dahil, meh. Ayaw na lang niyang magsalita.

Nagpalakad-lakad siya sa paligid. Tinitignan iyong mga trabahador sa itaas dahil kagagaling niya lang doon.

Some are taking a break, and Leon would talk to them occasionally. Makikipagbiruan tapos mag-uusap usap tungkol sa kani-kanilang buhay at opinyon ukol sa animal center na ginagawa. Syempre, bagamat trabahador dito, iba-iba ang opinyon nilang lahat.

But man, does Leon admire those who dared spit out their real opinion about this building?

"Baka mamaya, palyahin niyo 'tong building," biro pa niya na siyang itinanggi ng mga construction worker.

"Engineer naman! Walang gano'n. Kahit naman iba ang opinyon namin tungkol dito, wala kaming balak na pumalya. Buhay ng tao at mga galang hayop ang nakasalalay dito."

Tumango siya at humalakhak. Hindi na nagsalita pa hanggang sa marinig ang isa sa mga kinakausap na may punahin.

"Engineer, may bisita po yata? Kanina pa nakatayo sa harap ng center e," anito.

Nag-angat siya ng mga kilay. "Baka 'yong secretary ng alkalde, gano'n? Nasa'n ba?"

"Nando'n lang po sa may gate, e. Nakatingin din sa gawi rito."

Nakatingin sa gawi nila?

Marahang lumingon si Leon para hanapin kung sino man ang tinutukoy ng mga construction worker. Kung iyong sekretarya pala ng alkalde at nahihiya lamang na pumasok, wala namang problema kung susunduin niya at igigiya para gumala sa buong lugar.

But then, he should have not hoped for that. Iba ang nakita niya nang lumingon siya. Imbes na sekretarya, natagpuan ng mga mata niya ang pigura ni Keith.

Kaagad siyang sumimangot nang magtama ang mga mata nila't kumaway ito sa kanya.

"Mukhang barkada o kakilala mo, engineer!" sabi ng isa.

Pagak siyang tumawa. As if. "Pagkatapos niyo mag-break bumalik na kayo sa trabaho. Kakausapin ko lang 'yon sandali."

"Sige, Ser!"

Noong oras na makalapit na siya sa kinaroroonan ni Keith, hindi nakatakas sa mga mata niya ang bitbit ng binata. Kahon ng tsokolate. Kumunot ang noo niya bago tinapunan ng masamang tingin ang binata na nag-angat naman ng sariling mga kilay.

"It's been a while and you're greeting me with a scowl. Can't you be more kind to someone who paid you a visit at work?" puna nito sa kanya.

Mahinang humalakhak ang binata ngunit walang naging reaksyon si Leon. Tumigil lang siya sa harap nito bago nagpameywang.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon