Kabanata 45

3.4K 145 56
                                    

KABANATA 45

TWO WEEKS. Magmula noong sabihin ni Leon na huwag muna silang magkitang dalawa, pakiramdam niya e parang mababaliw na siya. Gusto niyang sapakin ang sarili. Iniisip na dapat, pinili niya ang mga salitang lalabas mula sa bibig niya kung ayaw niyang dumulas sa mga kamay niya si Leon.

He misses him, of course! Biruin niya ba namang dalawang linggo na silang hindi nagkikita. At ongoing pa! Hindi niya malaman kung kailan ang expiration date ng inis ni Leon nang dahil sa sinabi niya.

And Keith cannot lie about one fact regarding Leon—it just seems like he got mad after he told him that he was prepared to be left alone. But was that not the script that Leon provided him? Although, miracles do happen, he just can’t help it but to sometimes raise his guards up in fear that he would break if Leon really decides on leaving him.

But there was something weird about Leon. Why would he get mad after knowing that he planned on settling down with someone else if Leon doesn’t choose him?

Oo, mayroon siyang plan B. Tila ba ganoon ang script na ginawa niya sa sarili niya—daang iginuhit niya kung sakali mang hindi sila magkatuluyan ni Leon sa huli. Pero sa totoo lang, niloloko lang ni Keith ang sarili. Hindi niya kayang maghanap ng iba—hindi niya kayang magmahal ng iba bukod kay Leon.

The only person he wants to love and live for the rest of his life is Leon Eleazar.

“Doc?”

Ilang beses na napakurap-kurap si Keith noong segundong marinig niya ang boses ni Ashley na tawagin siya. Tila ba iyon ang nakatulong sa kanya na bumalik sa huwisyo—umahon mula sa malalim na karagatang gawa ng malikot at malalim niyang mga isipin.

Napatuwid ng upo si Keith at mahinang tumikhim. Nag-angat siya ng mga mata ‘tsaka natagpuan ang nurse na nakamasid sa kanya.

“May problema ba?” tanong niya noong oras na maipon niya pabalik ang tindig.

Sa hindi malamang dahilan, lumunok si Ashley at mabilis na nag-iwas ng tingin para magmasid sa ibang direksyon. Para itong napapaso dahil lang sa nagtama ang mga tingin nila. Umangat ang isang kilay niya nang pamulahan ng mga pisngi si Ashley.

“Kanina ka pa nakatulala, Doc. Nag-aalala na kami sa ‘yo. Hindi ka rin nag-lunch kaya... iniisip namin kung may sakit ka ba?” anito.

Matapos magsabi ng iniisip, mayroon itong inilapag na paper bag ng McDo sa lamesa niya. Sinundan niya iyon ng tingin at doon na naipukol ang mga mata.

“Kumain ka, Doc. Namamayat ka na, e. Kung mayroon ka namang problema, pwede kang magsabi sa ‘min,” dagdag pa nito.

No thanks— was something that he wanted to say but he bit his tongue so that he wouldn’t blurt out something that may come out rude.

Keith’s side lip moved. Bagamat natutuwa siyang nag-aalala ang mga katrabaho para sa kalagayan niya, hindi niya magawang ngumiti nang maayos o sundin ang mumunting pabor na hinihingi ng mga ito.

Alam niyang gusto lang makatulong nina Ashley. Ayun lang, ayaw niyang magsabi sa mga ito. Wala nga siyang nagawang sabihin kay Leonardo, e. Sa mga ito pa kaya?

“I’m good. But thanks for the concern,” sagot niya.

Maaayos naman ang problema niya. Sana? Napahigop siya ng malalim na hininga nang mabagabag na naman. Paano kung habang nandito siya’t tulala e may ibang kamay na pala na hinahawakan si Leon at hindi kanya?

Sabi ni Leonardo, huwag niyang bigyan ng espasyo si Leon na mag-isip dahil noong unang beses niya itong ginawa, hindi na niya nalaman kung anong dahilan kung bakit galit sa kanya ang binata. Kaso... ayaw niyang bastusin ang desisyon nito.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon