Kabanata 64

3.6K 152 21
                                    

KABANATA 64

“MAHAL KITA, Leon.”

Magmula noong gabing umamin sa kanya si Keith, hindi naalis sa isipan ni Leon ang mga salitang binigkas nito. Palagi na lamang sumisikdo ang puso niya tuwing maaalala ang nangyari noong gabing iyon. Bagamat dala lamang ng kalasingan ang pag-amin nito, hindi niya maipaliwanag kung gaano kasinsero si Keith noong umamin ito sa kanya. Iyon lang, totoo ba talaga iyon? Baka mamaya, nag-iilusyon lang si Leon, o hindi kaya, hindi naman pangalan niya ang dapat nitong sasabihin. Lasing nga, hindi ba?

“Naguguluhan ako,” utas niya na siyang nakapagpatigil kay Zachariel na noon ay naglalaro sa PSP niya. Nang matigilan ito, mabilis na inagaw ni Gian ang PSP mula kay Zachariel.

Binatukan tuloy nito si Gian. “Ang epal naman nito! Naglalaro pa ‘ko, e! H’wag mo sabihing bunso ka!”

“Ka— kanina ka pa naman naglalaro! A— ako naman!” nauutal na sagot ni Gian.

Sinimangutan ni Zachariel si Gian. “Nagda-drama lang naman kasi ‘tong si Leon kaya ako tumigil!”

Sinipat niya ng tingin si Zachariel noong mabanggit nitong nagda-drama siya. Wala siyang maalala na ganyan.

“Pa’no mo naman nasabing nagda-drama ako?” he asked. May bahid ng paghahamon sa boses niya.

Zachariel turned to him and stared at him incredulously. “Tanga-tanga. E ikaw ‘yang bumubulong-bulong diyan ta’s magtatanong ka ng ganyan?”

“Hindi naman ako nagsasalita mag-isa,” dipensa niya.

Imbes na sagutin siya ay humagalpak na ng tawa si Zachariel bago nito siniko si Gian na parang batang pinanonood sila. Kumunot ang noo ni Leon, hindi maintindihan ang wirdong ikinikilos nitong abnormal niyang kaibigan.

“Gi, ‘di raw ba nagsasalita si Leon mag-isa kanina?” anito.

Napapantastikuhan niyang pinagmasdan si Zachariel. Talagang naghanap pa ng kasangga! Malamang, o-oo iyang si Gian dahil sa kanilang lima, si Zachariel ang madalas nitong kampihan! Utu-uto kasi ang isang iyan! Sinipa niya tuloy ang tuhod ni Zachariel.

Siniringan siya nito. “Aray! Ba’t ka namimisikal?!”

“Sinasangkot mo pa kasi si Gian sa kalokohan mo! Wala ka bang awa sa tao? Mukhang kawawa, o?!” Dinuro niya si Gian na namimilog ang mga matang pinanonood sila.

Ngumuso si Gian. “G— Grabe ka naman sa— sa ‘kin. To— Totoo naman sina—bi ni Zachariel, e. Nagsa... Nagsasalita ka naman talaga mag-ish— mag-isa!”

“Tulok! Tignan mo, Zach?” Iminuwestra niya si Gian. “Kinampihan ka na! Alam ko ‘pag kinakabahan ‘to kasi mas lumalala speech impediment niyan!”

“Hi— Hindi nga! Seryosh— seryoso kami ni Zach!” dipensa ni Gian.

Itinuro siya ni Zachariel. “Tignan mo! ‘Di lang ako nakarinig. ‘Tsaka ganyan naman talaga magsalita si Gian! King ina, wala pa ring epek ‘yong therapy mo?”

Nang umiling ito, pumalatak si Zachariel at sinabing ayos lang dahil kasisimula lang naman daw ni Gian magpa-therapy para ayusin ang speech impediment ng kaibigan. Hirap kasing magsalita si Gian. Madalas nabubulol o hindi kaya may nami-mispronounce. Kaya nga todo sila bantay diyan dahil tumpulan ng bullying.

“Sabi mo pang gano’n Leon, naguguluhan ka,” balik ni Zachariel sa kaninang pinag-uusapan.

Nginiwian niya ito. “Gago. Kung sa ‘ting lima, ikaw lang naman ang may tendency na magsalita mag-isa.”

“Aba’t! Sira ulo ako pero hindi ako baliw tulad mo?!” anito.

Humimig si Gian. “Pero... Pero mas nakikita ko nga si Zach na ano, na nagsasalitang... mag- mag-isa?”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon