Kabanata 1

17.8K 427 72
                                    

KABANATA 1

"I REALLY can't understand you…

Leonardo let out a loud breath. Napahilamos ito ng mukha at kalauna'y napailing. Mukhang nadidismaya pero palagay ni Leon, inaasahan naman nito ang naging sagot niya sa text ni Keith noong isang araw.

Alas diyes na noon ng gabi at abala si Leon sa mga naiwang gawain sa opisina niya. Sakto namang tumawag si Leonardo at wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang sagutin ang tawag nito. Wala namang magandang dulot kung hindi niya papansinin. Baka mas lalo lamang siyang bungangaan.

Mayroon na rin siyang ideya kung bakit ito tumawag sa kanya. Malamang, tungkol na naman kay Keith. Magmula naman kasi nang umuwi ito sa Pilipinas, madalas nitong kumustahin ang kaibigan. Minsan nga, umiikot din sa kanya ang tanong. Para bang nilulugmok siya kay Keith at ang isipin iyon? Kinikilabutan kaagad siya.

"'Di mo man lang ba talaga ikokonsidera samantalang malaking proyekto iyon?"

Naghalumbaba ang nakatatandang kapatid mula sa kinaroroonan nito. At bagamat tanging ang screen lamang ng laptop niya ang siyang nagdudugtong sa kanila ngayon, damang-dama ni Leon ang intensidad ng pagkakatitig sa kanya ni Leonardo.

Sa ngayon, iniiwasan nalang talaga niya iyong pansinin at baka makonsensya pa siya. Samantalang, binura na niya iyon sa bokabularyo niya kung si Keith lang naman ang pag-uusapan.

"'Di ba, mas mabilis kang makakapag-ipon para sa sarili at mga luho mo kung pinatulan mo iyong alok ni Keith?" anito.

Inismiran niya ang nakakatanda niyang kapatid. "Aanhin ko nga ang luho ko kung galing naman sa kanya 'yong pambili? 'Wag na!"

"Leon, 'di rin naman libreng ibibigay sa 'yo ni Keith iyon. P're, babayaran ka naman no'ng tao!"

"Pake ko? Marami namang ibang engineer diyan, Kuya. Ba't 'di na lang sila istorbohin niyo? Sigurado akong mas willing silang gawin 'yang balak na clinic ng kaibigan mo."

Pinalagatik ni Leon ang mga daliri bago siya sumagitsit. His eyes were still focused on his work but he could still see Leonardo's dismayed reaction through the corner of his eyes. Hindi na lang talaga niya ito pinapansin. Baka mawalan pa siya ng ganang magtrabaho. Ekis iyon.

"Alam mo, Kuya? Kung papayag lang kayo, pauunlakan ko siya bukas pero tutulungan ko lang mai-endorse 'yang proyekto sa clinic niya nang matapos na lahat," suhestiyon niya.

Ngumiwi si Leonardo. "E, ikaw nga ang gusto na gumawa ng clinic niya."

"Mag-iinarte pa siya, kaya 'di matuloy-tuloy 'yang clinic niya e."

"Nag-iinarte rin kasi 'yong engineer na gusto kaya 'di matuloy-tuloy," balik naman ni Leonardo sa kanya.

Tumigil siya sa ginagawa at iniangat ang ulo upang huminga ng malalim. Bumaling siya sa nakatatandang kapatid at hindi makapaniwalang napatitig dito. Sayang. Nasa ibang bansa ito at hindi niya mabatukan.

"Ba't ba kasi pati ikaw, Kuya? Nakikipapel ka rin sa balak niyang klinika?" Bagamat natatawa siya noong sinasabi iyon, hindi niya pa rin maikubli ang pagbigat ng dibdib sa pagpupumilit nito. "'Di ka naman magtatrabaho ro'n kaya okay lang na 'di ko gawin."

"E paano nga lang kung balak ko rin palang umuwi pero wala lang akong makuhang trabaho riyan? Back-up plan lang kung sakali na maisip kong bumalik. Gusto rin naman namin ni Isabelle na riyan palakihin ang mga anak namin."

Nagkibit balikat si Leonardo bago inalis ang suot na salamin upang hilutin ang tungki ng ilong.

"'Tsaka Leon, imposible sa 'kin na magpatayo ng ganyang negosyo."

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon