Kabanata 35

4.1K 154 16
                                    

KABANATA 35

THE PARTY went fine and just as expected, Leon drank a lot. Still, he’s sober and could drive well until they arrived in Keith’s house.

Natatawa nga siya dahil noong papunta sila rito, hindi siya hinayaan ni Keith na mahuling mag-drive dahil baka raw maaksidente siya. Siya ang pinapauna, nasa likod naman ito para siguruhing maayos ang lagay niya at hindi masasangkot sa kahit anong aksidente.

Did he complain? Of course. He had never been to Keith’s house before and doesn’t know the directions but Keith made sure to call him to instruct where he should go next.

It was thoughtful and Leon learned how to appreciate Keith more. Hanggang sa nakarating sila sa tapat ng bahay niya at naipasok na nila ang mga sasakyan sa garahe nito, hindi siya nito pinabayaan. It was sweet and Leon can understand why a lot of women were captivated by Keith’s presence.

Hindi tulad niya na puro kagaguhan lamang ang alam.

*

NOONG makapasok na sila sa bahay nito, nagulat ang ina ng binata nang makitang may kasama ang anak. Kahit ang ama ni Keith na kabababa lamang noon mula sa kwarto upang makita ang ganap sa sala, nabigla nang makitang may inuwi na kaibigan ang nag-iisang anak.

“Hala. Pasensya ka na, hijo! ‘Hindi na kami naglinis dahil ‘di naman nagsabi itong si Keith na mag-uuwi pala siya ng kaibigan,” paumahin ng ina ni Keith na siyang bigla niyang ikinahiya.

Hindi naman nila kailangang maglinis. Siya rin naman, dahil abala sa trabaho, hindi nakakapaglinis ng bahay. Si Keith nga ang madalas mag-usig sa kanya na magkaroon sila ng general cleaning t’wing Linggo, e.

Tumikhim siya. “Ayos lang po. Biglaan lang din naman po kaming nagkayayaan ni Keith.”

“Nakainom siya,” sabad ni Keith ‘tsaka mabilis na hinapit ang beywang niya. Napasinghap siya’t namamangha itong nilingon. “Ayokong pauwiin dahil baka biglang maaksidente. Malayo pa kasi uuwian nitong si Leon, Ma.”

“Galing kayo sa inuman?” pag-uusisa naman ng ama ni Keith.

Surprisingly, unlike his father who’d shout for no reason, Keith’s father seemed gentle. Hindi tuloy niya makuha sa sarili ang matakot.

Tumango siya. “Celebration po kasi tapos na ‘yong center na ginagawa namin sa Angeles. Naisip po ng mga trabahante ko na ayain si Keith dahil naging malapit din po sa kanya ‘yong mga ‘yon.”

Sandali pang nagtanong ang mga ito. Ang madalas pang mga itinanong e kung ayos lang ba ang pakiramdam niya at kung hindi ba siya nasusuka. Noong masiguro niya na wala siyang nararamdamang ganoon, tinanong naman siya ng mga magulang ni Keith kung ayos lang ba na sa kwarto ng binata matulog.

Lihim siyang ngumisi. Iyon nga ang plano.

“Opo! Ayos lang po,” aniya. Wala naman siyang balak na magreklamo dahil dinala niya rin ang sarili sa bahay ng binata.

Habang kausap niya ang ina ni Keith, napansin niya ang matamang pagtitig ng ama ng binata sa kanya. Nang balingan niya ito, natagpuan niya ang ginoo na biglang pinalagatik ang mga daliri habang tumatango habang marahang tumatango-tango.

“Mayroon kang kahawig. Naaalala ko sa ‘yo ‘yong kaibigan ni Keith na nasa ibang bansa pa,” anito na nakapagpaangat ng mga kilay niya.

Ibinuka niya ang bibig para magsalita, ngunit dumating si Keith na may dalang baso ng tubig para kay Leon at ito ang sumagot para sa kanya.

“Kapatid ni Leonardo ‘to,” tugon ni Keith ‘tsaka yumukod nang makuha ni Leon ang tubig. “Siya ‘yong sinasabi ko sa inyo, Ma, Pa.”

Nakatuon lamang ang mga mata ni Leon noon kay Keith na tumayo ng tuwid. Sa pagkakataong iyon, hindi napansin ni Leon ang pagkamangha at pagkagulat nakapinta sa mukha ng ama’t ina ni Keith.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon