Kabanata 61

3.4K 160 20
                                    

KABANATA 61

KUNOT NOONG PINAGMAMASDAN ni Leon si Elisa habang abala itong maghiwa ng in-order nilang pagkain. Lihim siyang bumuntong hininga at sikretong napalunok. Hindi niya alam kung anong gagawin. Gusto niyang mag-propose pero ginugulo ni Ridge at Jay ang isipan niya. Ridge’s point... made sense though, because he’s been through pain. Kung magpapakasal nga raw siya at kung hindi talaga pwede sa taong gusto niya, mag-lie low daw muna siya’t makakahanap naman siya ng iba.

Jay, however... He still hasn’t proven anything yet.

Noong gustong makipagkita ni Leon sa katrabaho dahil nais niyang makita ang mga pruwebang ipinakita nito sa kanya nitong minsan sa video call, ‘tsaka lumabas ang balitang naaksidente raw ito.

The timing was uncanny.

Leon stilled when Elisa raised her head and looked at him intently, then she smiled. “Hindi ka pa ba kakain, Leon?”

“Oh. Um, yeah. Na-distract lang ako sa ‘yo. Mukhang nasasarapan ka kasi sa kinakain mo,” aniya.

“Masarap magluto ang chef dito!” masiglang anito at mayroong parte ng karneng iniabot sa kanya. “Come on baby, try it.”

Itinulak ni Leon ang sarili palayo sa kutsarang inilalapit nito sa bibig niya. “No, no. I’m good. Mamaya na ‘kong kaunti kakain.”

Nag-iwas ng tingin si Leon mula sa dalaga at sinubukang hanapin ang pigura ni Zachariel sa paligid. Kilala ni Elisa ang kaibigan kaya hindi niya ito dinala sa pinaka-main restaurant nito. Bagkus, dinala niya ang dalaga sa isa sa mga restaurant na pupuntahan ngayon ni Zachariel. It’s still his restaurant, but it’s of a different name. Naisip ni Zachariel na boring kung ipagsisiksikan nito lahat ng dish na gusto nitong ibenta sa madla sa iisang restaurant. Kaya ayun.

Leon contacted his friend, either. Hindi niya naiwasang mag-alala noong mabalitaang naaksidente si Jay isang araw kung kailan sila magkikita. Noong nagising pa ang binata, ipinasabi nito sa kanya na mag-iingat kay Elisa kung magkikita sila pagkatapos dahil mukhang may alam ito. Maybe it’s her intuition, but Jay insisted that she has been watching him.

Mabuti na lang talaga at pumayag si Zachariel na huwag munang magpakita pero panoorin sila ni Elisa. Maloko ang isang iyon pero pumayag. Iyon lang, nagsabi itong ikwento kung anong nangyayari so... yeah, he basically told Zachariel what Jay told him. Baka nga hindi lang si Zachariel ang nandito kung hindi maging ang buong barkada niya. He’s sure that that guy won’t keep silent since Leon seemed to fuck up more than they can imagine and ended up with a psycho.

Naririnig na niya motherly voice ni Ridge sa isip niya. ‘Pakakasalan mo ‘yan?’ Sigurado siyang kahit hindi ito nagger na katulad ni Zamiel, earful pa rin ang maririnig niya rito lalo na’t ilang beses na siyang napagsabihan.

“Naaksidente pala si Jay, ‘no? Kaya pala hindi siya pumapasok nitong nakaraan,” he slowly opened up a conversation as he stared at his girlfriend intently. Elisa seemed to still, but then her lips pursed and she apologetically at him. “Narinig ko lang sa mga kasama natin.”

No, he knows it even before the news came out. Noong magising si Jay, siya ang pinakauna nitong kinontak at hindi ang kumpanya nila. Hindi lang daw ito nakatawag agad dahil nagpahinga’t nanghihina.

Tipid na tumango si Elisa. “Ako rin. Nagulat ako kasi ‘di ba, pa-resign na sana siya? Then, this happened. Kawawa siya. I think he broke a leg or something...? It’s a shame, really.”

“It almost killed him,” he responded and smiled at Elisa whose eyes can’t be read anymore. “Parang hindi man aksidente iyong nangyari kay Jay. May sira raw sa loob ng sasakyan niya and the authorities are still checking it but as far as I’ve heard, kinalikot ang loob ng kotse ni Jay.”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon