Kabanata 4

8.8K 276 25
                                    

KABANATA 4

LEON did not understand what Keith meant when he said that he already jammed his love life the moment he refused to take the project regarding his clinic. The thought made him almost unable to sleep, overthinking the damned thing although it does not really concern him.

And Jesus Christ, why is he worried about Keith? Siya nga, walang love life e. Dapat doon siya naii-stress sa sarili niyang buhay. Hindi iyong balak niya pang magpaka-wingman.

Isang buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Leon isang araw habang naglalakad sa pasilyo ng building nila. Papunta siya noon sa pantry para kumuha ng kape. Palibhasa, dalawang araw nang walang tulog dahil may inaasikaso ring proyekto nitong kamakailan.

Nakausap na niya iyong arkitekto at kliyente, ang aasikasuhin naman nila niyan ay iyong mismong konstruksyon.

"Ah, engineer Eleazar! Nandiyan ka pala!"

Isang malalim at marahas na buntong hininga ang kumawala sa mga labi niya. His shoulders also lowered down sharply while he hoped that whoever called him did not notice how disappointed and weary he seemed like.

Pero seryoso ba siya? Matapos niya magpakawala ng mabigat na buntong hininga? He should learn how to pick a struggle, honestly.

Bago pa man tumigil sa paglalakad si Leon, saka niya napansin ang presensya sa tabi niya. Nang bumaling siya sa hindi ginustong presensya, bigla siyang napabalikwas sa pagkakatayo at halos mapasandal sa pader sa pagkagulat! Muntik pa niyang mabagsak ang dala-dalang mug!

"Huh? Sobrang stressed mo na ba to the point na nagugulat ka na rin sa mga kumakausap sa 'yo or dahil 'yan sa consume ka ng consume ng kape, engineer?" tanong ni Elisa Mercado, isa sa mga kasama niya sa building at engineer na interesado rin sa pagkuha ng proyekto ukol sa klinika ni Keith.

"The... the latter I suppose?" hindi naman niya siguradong sagot, dahilan para maipilig ng dalaga ang ulo at mahinang matawa.

The sound of her voice sounded like sweet chimes in the morning. It brought calmness and quietude to Leon's raging storm. Elisa's smile also made his knees wobble (well, almost), and he had to grip on his chest to prevent his heart from falling for those deep brown eyes.

Tang ina, bakit siya biglang nilapitan ng anghel?

Leon was never friends with her nor he is close with this woman. However, he had undeniably expressed his interest in her several times during multiple gatherings, yet; he never really had the chance to talk to her personally. After all, fate never really worked their way... until today.

"Okay lang ba kung sabayan kita papunta sa pantry?" tanong ni Elisa.

Lalong humigpit ang hawak niya sa mug at tipid na tumango. Nag-iwas din siya ng tingin mula sa dalaga. Bigla na lang, hindi mahanap ang kalandian sa katawan dahil natatameme at natotorpe siya kay Elisa.

"Ayos lang."

Matapos niyang sumagot, sabay silang naglakad. Hindi man lang niya masabi kay Elisa na sa labas lang naman talaga siya ng pantry pupunta. Kukuha lang ng kape sa coffee maker at babalik na sa opisina para magtrabaho sana at i-stress-in na naman ang sarili sa pamimili ng engineer ni Keith at sa iilang proyekto.

"May kailangan ka ba sa 'kin?" kalaunan, ganito ang naitanong niya.

Leon's definitely not satisfied with what he asked but it is better than hearing nothing from him and let the silence dominate.

"'Di ko alam na direct to the point ka, engineer. Sabi kasi sa 'kin ng secretary mo... madalas, okay ka naman daw kausap. Mainit ba ulo mo?" ani Elisa.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon