Kabanata 47

3.3K 138 55
                                    

KABANATA 47

MAGMULA NANG marinig ni Leon mula sa mga magulang ni Keith na umalis na pala ito ng Pilipinas, ang unang naisip niya e baka sinunod na nito ang plan B nito ngayong tapos na ang kung anong mayroon silang dalawa. Hindi magawang magalit ni Leon sa sarili o kay Keith dahil una sa lahat, ito naman talaga ang direksyong nakatadhana nilang lakbayin. But it’s also undeniable that he feels bad because what they used to have was amazing. Kaso, na-provoke siya sa sinabi ni Keith na handa na raw ito kung sakaling iwanan niya ito.

He’s childish but at the same time, he’s offended. Just how could Keith tell him that he loves him several times but at the same time, have a plan B on his side?

Pakiramdam niya, hindi naman talaga genuine si Keith. Siya lang talaga ang palaging nahuhulog sa patibong nito. Parang pinaglaruan lang siya nito’t tinignan kung magkakatuluyan ba silang dalawa pero kung hindi, ayos lang dahil may iba itong babae.

Napaismid siya sa naiisip. Napakagago ni Keith.

Huminga siya nang malalim at tila ba mayroong tumuktok na isipan sa ulo niya. Isang memorya na akala niya, inilibing na niya sa kadulu-duluhan ng utak niya. Napakapamilyar ng ganitong senaryo. Napakapamilyar ng sakit na lumulukob sa dibdib niya.

He should have known... Keith may say and feel that he ‘loves’ him but in reality, his confession was just a bunch of empty words and pretentious attraction. Nothing else.

Mabuti na lang talaga at t’wing nahuhulog siya kay Keith, ‘tsaka siya sinasampal ng katotohanang hindi sila pwede— na ito nga mismo ang dahilan kung ba’t isa sa personal niyang paniniwala na imposibleng magkagusto ang magkaparehong kasarian sa isa’t isa.

This is the second time, he guessed.

“Leon? Baby, hello? Earth on Leon?”

Natigilan si Leon nang marinig ang boses ni Elisa. It’s sweet and full of worry, which made him whip his head to her direction. Shit. Kaiisip niya kay Keith, nakalimutan na niya kung sino ang kasama niya ngayon.

“H—hey...” he trailed off and forced to curve a smile on his lips. “May sinasabi ka ba?”

Nag-aalalang umiling si Elisa. “Wala naman. Napansin ko lang na natulala ka. Are you not... happy that we’re on a date? Am I perhaps boring to you?”

“What? No! Of course not.”

“Are you sure?” Elisa pouted her lips.

Tumango-tango siya. “I’m sorry for spacing out. Pagod lang talaga ako.”

“Is that so...? Oh. Sa bagay, full-packed ang schedule mo recently. Gusto mo na bang umuwi nang makapagpahinga?”

“Will that be okay?” Leon blew a trill and held the back of his head. “Sorry. Alam ko namang matagal mong hinihintay na lumabas ulit tayo dahil busy tayo pareho nitong nakaraan.”

Umiling ang dalaga. “It’s okay! It’s not your fault. Looking back, baka ang forceful ko dahil pinilit kong lumabas tayo ngayon. I just missed you...”

Matamang pinagmasdan ni Leon si Elisa. ‘Tsaka lang niya naalalang nasa gitna sila ng SM at naglalakad-lakad matapos nilang kumaing dalawa sa restaurant. Noon kasing makapagbayad sila’t makalabas, ‘tsaka lang nawala sa sarili si Leon dahil nakalayo na sila sa wakas sa mga magulang ni Keith na naiwan pa rin sa kainan.

“Sorry. Babawi ako sa ‘yo,” aniya at humimig. “Gusto mo bang pumunta sa favorite café mo next time?”

Humagikhik ang dalaga. “Instead of thinking where to go next, can we... grab some magazines on our way home?”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon