Kabanata 28

5.4K 192 35
                                    

KABANATA 28

NATURAL lamang kay Leon ang hindi pumasok ng karagdagang dalawang araw matapos ng ginawa nila ni Keith. After all, they did it three times that night and his hips, waist, even his butt hurts a lot that he cannot move much! Pati ang pag-upo, kinahihirapan pa niya, e.

Was Keith rough? Yes.

Was Leon mad about it? No, he got what he wanted.

Isa pa, ayos lang din naman na mag-absent at mag-call in sick. Ayun nga lang, walang mag-aalaga sa kanya. Kung hindi lamang siguro nagpumilit si Keith na puntahan siya, talagang para siyang naabandonang tuta kung sakali.

But somehow, it feels as though Keith tricked him into getting a spare key of his house. Anytime na itong makakabisita sa kanya ngayon. Kahit kailan, pupwede siya nitong istorbohin!

“Ayos na ba pakiramdam mo, Engineer?”

Nakatambay noon si Leon sa harap ng desk ni Remi, ang sekretarya niya. Nakikipagkwentuhan lang naman siya. Nagtatanong din kung may meeting ba siyang hindi nadaluhan o appointment na kailangang daluhan ngayong araw na ito nang magtanong din ito tungkol sa kalagayan niya.

Kumunot ang noo niya. “Oo naman. Ba’t mo naitanong?”

Hindi naman siya ulit papasok ngayon kung masama pa ang pakiramdam niya’t hindi pa rin siya maayos na makakilos.

Tila ba hindi naniniwala sa kanya ang sekretarya kaya mataman siya nitong pinagmamasdan at inaalisa ang buong pagkatao niya. Ngunit kalaunan, marahang umiling ang dalaga.

Ano ba, may sasabihin ba ito?

“Medyo namumutla ka pa rin kasi, Engineer. Ayaw mo bang dumaan muna sa clinic? Marami ka pa namang appointment ngayon. Baka mabinat ka,” anito.

Nang imuwestra ni Remi ang daan tungo sa klinika ng building, sinundan lamang ng tingin niya ang dalaga. Pinagmasdan sandali ang pasilyo bago ibinalik ang mga mata sa sekretarya.

“Nah. I’m good.” Uupo lang naman siya at mamayang happn pa malimit na kikilos. “Uuwi ako ng maaga kung bigla akong mabinat. Kaso bano na ‘ko sa bahay kaya nga pumasok na ‘ko ngayon.”

Another reason, just like what Remi said; unfortunately for him, his schedule was packed. Ilang araw na siyang absent kaya nausog nang nausog ang mga appointment niya. Hindi na rin niya naobserbahan ng maayos iyong site ng center sa Angeles. Kaya mamayang hapon pa matatapos lahat ng kailangan niyang daluhan.

Sa ayaw at sa gusto niya. Nahihilo man siya sa katamaran o hindi.

“Alas nuebe magsisimula ‘yong una kong apppointment, ano?” he asked.

Tumango si Remi. “Kukuha ka ba muna ulit ng kape, Engineer?”

Nagkibit balikat siya at naglakad tungo sa opisina para kunin ang mug sa loob. Mabilis lang naman siya. Nang makuha ang gamit na pakay, lumabas siya kaagad mula sa opisina para pumunta sa tabi ng pantry.

Oo, kailangan niya ng kape para makapagtrabaho siya ng maayos. Para siyang kinakalawang kapag hindi siya nakakapagkape, e.

Malapit na siya sa coffee maker nang mayroong tumapik sa braso niya. Nang lumingon siya, natagpuan niya si Elisa na nakangiti sa kanya.

Leon’s lips pursed and his forehead furrowed.

“Good morning,” bati sa kanya ng dalaga nang hindi siya kaagad na kumibo. “Ilang araw kang absent, ha? Okay na ba pakiramdam mo, Engineer?”

Bakit ito nandito? Bagamat nagtataka, marahang tumango si Leon para sagutin ang katanungan nito. Pasimple siyang tumingin sa paligid para tignan kung narito ba ang boyfriend ni Elisa. Baka mamaya, nasa tabi-tabi lang. Makatanggap pa siya bigla ng death threat dahil wary sa kanya ang Jay na ‘yon.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon