Wakas

7.7K 221 54
                                    

WAKAS

“To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness or in health, to love and to cherish till death do us part.”

NAKASAPO ANG NOONG umiiling si Leon habang pinakikinggan niya ang mga magulang na sermunan siya habang si Keith, seryoso at tahimik ding nakikinig. Ni hindi man lang ito kumilos para pigilan ang mga itong magalit bagkus, mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya bago pinagsaklob ang mga daliri nilang dalawa. Namamangha niyang pinagmasdan ang binata dahil ang ‘calm and collected’ nito sa kabila ng mga nangyayari.

“Anong nabuntis?! Sinong nabuntis mo, Leon?! Kasal na kayo ni Keith ta’s naaksidente ka pa?! Disgrasyado kang bata ka!” nanggagalait ang ina ni Leon na pinagsasabihan siya at kung pupwede lang nitong hawakan siya? Baka nabugbog na siya. “Wala ka man lang respeto sa asawa mo! Nakuha mo pang mambabae samantalang ikaw mismo ang may sabi sa ‘min na gusto mong pakasalan si Keith! Ikaw bata ka, ‘di laro ang kasal ninyong dalawa!”

Bumuntong hininga si Leon at pagod na sumandal sa likod ng upuan. “Ma naman... Pinapangunahan mo ‘ko, may explanation kasi ako! ‘Di ka naman nakikinig sa ‘kin, e!”

“Aba’y magtigil-tigil ka! Anong makikinig sa ‘yo? Pagkatapos mong makabuntis?! Aba kung nandiyan lang kami ng tatay mo, ipinabugbog na kita sa kanya!”

Pakshit nga naman talaga, o. Tinakpan ni Leon ang mukha para itago ang pagkasiphayo sa mga nangyayari. Ganito ba ang pinagdaanan ni Keith sa kanya noong sinusubukan nitong magpaliwanag pero shina-shut down niya? Wow, hindi pala nakakatuwa. Kinakarma siya, e.

“Pinagpaalam ka pa sa ‘min ni Keith noon ta’s ang laki ng tiwala namin sa ‘yong magtitino ka tapos ganito?! Aba, hala sige! Kung iiwan ka ni Keith, wala kaming gagawin!” dagdag pa ng ina niya.

Leon groaned in frustration and that’s the only time that Keith’s lips had that ghost of a smile. Tang ina nito, kaya ito nananahimik ay dahil naaaliw itong nag-aaway away sila dahil hindi naintindihan ng mga magulang niya ang sinabi niya.

Because no, he didn’t have sex with anyone and he didn’t get anyone pregnant because he cheated on Keith! This is all a misunderstanding. Fuck! He’s content with Keith and everyday’s an adventure with him. Ang tagal na nilang kasal (fifteen months!) na dalawa tapos magchi-cheat pa siya?! Halos nag-unahan pa nga sila ng binatang mag-propose pero nauna ito sa kanya noon!

“Ma, surrogate mother ‘yon! Hindi rin naman ako nakipag-sex sa kanya! Nag-donate lang ako ng sperm nang mabuntis siya nang sa ganoon, magkaroon na kami ng anak ni Keith! Hindi ako nakadisgrasya!” nasisiphayo niyang paliwanag dito. Nilingon niya si Keith at iminuwestra ang laptop sa binata. “Ikaw nga kumausap kina Mama! King ina mo, kanina ka pa nananahimik. Nag-eenjoy kang napapagalitan ako, ‘no?!”

Pinasadahan siya ng tingin ni Keith at nang makita nitong naiirita na siya, ‘tsaka pa lamang ito bumigay at malakas na natawa. Natigilan ang mga magulang ni Leon dahil aliw na aliw ang binata sa kanila.

“Tita, Tito... Don’t worry, your son didn’t cheat on me. Ikukulong ko siya sa ‘kin kung gumawa siya ng kalokohan. About the surrogate mother, she’s a good friend of Leon. Adoption’s good too but we wanted children that really... came from us, at least. She offered to carry our first born,” Keith explained but his voice still had a hint of amusement as he took a glimpse of him and smiled wider. “Kay Leon pong idea ‘to, though. Sinabi niya kay Mama noon na kung magkakapamilya kaming dalawa, surrogate ang gagawin namin.”

Bagot siyang nagpahalumbaba’t itinuro si Keith nang matahimik ang mga magulang niya. Bagkus mukhang hindi naniniwala ang mga ito sa kanya, sinundot niya pa ang pisngi ng asawa.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon