Kabanata 2

11.9K 362 58
                                    

KABANATA 2

DAY ONE and two of finding a trustworthy engineer went fine. Kaya lang, hindi rin naman masasabi ni Leon na nakahanap na siya ng inhinyerong papanindigan itong proyektong ini-endorse niya sa building nila. Marami ang interesado pero kailangan ding maging mapangmatyag ni Leon. Lalo na, hindi lang naman siya kay Keith mananagot, pati sa kuya niya at sa mga taong magiging pasyente ng klinikang iyon.

Isa pa, ayaw naman niyang i-take for granted lang ng mga ito ang proyekto. He may have refused to take it but he's not stupid to let it fall onto the hands of those who are only interested for their self gains.

Natigilan si Leon sa paglalakad sa kahabaan ng pasilyo ng building nila nang makita niya ang iilang pigura ng mga kasamang engineer. Tatlong lalaki na nakatipon sa isang sulok, sa harap ng coffee machine malapit sa pantry at mukhang mayroong pinag-uusapan.

Madalas sa ganito, wala siyang pakialam. Pero noong oras na mga iyon, may kung anong bumulong sa kanya na sinabing maghintay siya at makinig sa diskusyon nila. Kaya naman umatras siya hanggang sa maitago niya ang sariling katawan sa likod ng pader. Tahimik siyang sumandal doon at piniling makinig hindi lamang sa usapan ng mga ito, kung hindi maging sa intuwisyon niya.

"Balak niyo bang tanggapin 'yong proyekto na sinabi ni Leon mula nitong minsan?" tanong noong isa.

"Ah, 'yong eye clinic ba? Interesado ako ron, e. Kaya lang parang ang pangit kunin dahil sa kanya dapat 'yon pinapagawa."

"Parang ang labas, ipinasa lang sa 'tin. Tinapon lang 'yong trabaho dahil 'di niya gusto. Kung sa bagay, baka iniisip niyang magaling siya, easy-easy lang 'yong klinika kaya pinapamigay niya."

"Baka, not that it's a bad thing. Kung tutuusin, ang laking bagay noon sa 'tin. Boost 'yon sa pangalan at credibility natin."

"Oo pero pre, ang yabang kung aanalisahin. Dahil magaling siya, may karapatan siyang mamili ng trabaho?"

"'Di ba ganon naman talaga 'yon? May privilege sa kanila. Kawawa nga 'yong may-ari nong klinika, pinapasa lang 'yong paggawa sa 'tin."

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Leon matapos makinig. Umalis na rin siya sa pagkakasandal mula sa pader. Nang makatayo na ng tuwid, sinadya ni Leon na tumungo sa pantry nang sa ganoon, makita ang mukha noong mga pinagtitsismisan siya.

Napangisi siya noong mapansing muwestrahan noong nakaharap sa direksyon niya ang mga kasama na nariyan na siya. Mas lalong lumawak ang ngisi niya noong kawayan pa soya noong isa.

"O, Leon! Dadaan ka ng pantry?" Tanong noong may sabi na nagmamayabang siya. Nakakatuwa lamang na matapos siya nito tawaging mayabang, saka pa makukuryoso sa gagawin niya.

Tipid niyang tinanguan ang nakatatanda. "Bibili lang ng miryenda. Baka 'di ako makalabas dahil marami pa 'kong gagawin, e."

Lalagpasan na sana niya ang mga ito dahil wala na ring kumakausap sa kanya. Kaya lang, pinigilan pa siya noong isa.

"'Yong tungkol sa klinika, Leon. 'Di mo talaga balak kunin 'yon, ano?" anito.

May kung ano sa lalamunan ni Leon na tila ba bumara. Mga salitang gusto niyang sabihin pero dahil ayaw niyang masira ang pangalan niya, kakagatin na lamang niya ang dila niya. Nag-iwas tuloy siya ng tingin sa mga ito bago pasimpleng iniikot ang mga mata pataas.

"Wala po. Kung kukunin ko man, edi 'di ko na rin sana in-endorse. Wala lang talaga akong balak na kunin dahil marami rin akong aasikasuhin. Sige po, una na 'ko," aniya saka tuluyang iniwan ang mga ito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Leon ang tungkol sa ginagawa, e. Maging ang malalamig na pagtitig na ibinato sa kanya ng mga kasama habang nagpatuloy siya tungo sa pantry.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon