Kabanata 36

3.8K 161 42
                                    

KABANATA 36

LEON probably fucked his life up. He kept on meeting with Elisa since she visited him at work, he secretly went out with her when Keith's not available. Despite he told her that he did not want to involve himself with any sorts of issue, his mind kept on persuading him that the gossip he would have from hanging out with Elisa is better than if someone saw him with Keith.

He did not want to be seen with a male. He does not want someone to point out that he might be gay if he enjoys Keith's company more than anyone else. His pride does not allow him to let people know what he has going on with Keith.

He does not want to concede despite admitting that he was at the verge of falling into an endless pit of romance. He must find a way to climb back. He has to hold back and forget this.

Keith was supposed to be an outlet.

"Leon? Leon?"

Natigilan si Leon mula sa pag-iisip nang marinig niya ang boses ni Elisa. Ilang beses siyang kumurap at nang makita ang dalagang kumakaway din pala sa harapan niya, awtomatikong sumilay ang tipid na ngiti mula sa mga labi ni Leon.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo. Naii-stress ka ba sa trabaho?"

Leon's lips thinned and blinked twice. "No, not at all. Isyu lang sa bahay 'tong iniisip ko. Nakalimutan ko na magsabi sa kapitbahay namin na bibili ako ng gasul, e. Wala na 'kong pinaglulutuan."

"Talaga?" Napangiti ang dalaga. Halos maningkit pa ang mga mata nito sa tuwa at aliw. "Ang cute mo no'ng nakatulala ka."

Dapat, tatawa nang totoo si Leon at mahihiya sa mga ganitong klase ng sitwasyon. Lalo na't noon, gustung-gusto niya ang dalaga. Totoong ilang beses siyang natawag na 'abangers' nito, e. Pero sa ngayon, hindi mahanap ni Leon ang dating tuwa sa tuwing makikita ang dalaga.

Isa sa mga katunayan ang pagak na pagtawa niya nang puriin siya nito. Bahid ang kawalan niya ng interes at ang kaba. Hindi siya kumportable.

"Okay ka lang ba?"

Mahinang humimig si Leon. "Pasensya na, pagod na ako sa trabaho. Anong oras tayo uuwi?"

"Gusto mo na bang magpahinga?" Ngumuso ang dalaga at bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. "Sige, sige. Sa bagay may trabaho rin tayo bukas, e."

Bago pa man kumpirmahin ng dalaga na uuwi na sila, mabilis na tumayo si Leon mula sa kinauupuan at tinignan ang orasang pambisig. Kunot ang noo niya, nakakaramdam na ng sense of urgency. Hangga't maaari, gusto na niyang makauwi kaagad.

"Nagmamadali ka ba, Leon? Mayroon bang naghihintay sa 'yo sa bahay?" natatawang anito.

"Wala. Gusto ko lang makapagpahinga nang maaga," pagdadahilan niya na para bang dini-dismiss lang ang dalaga. Ngunit iyon naman kasi talaga ang ginagawa niya. "Tara na ba? May sariling sasakyan ka naman, 'di ba?"

Marahang tumango ang dalaga. Kunot ang noo nito at tila ba inaanalisa ang reaksyon niya. Kung sa bagay, hindi naman madalas magmadali si Leon pero ngayon, gustung-gusto na niyang umuwi. Pero kaya lang naman niya tinitiis ang presensya ng matagal ni Elisa noon e dahil wala si Keith sa Pampanga.

Abala si Keith sa trabaho. Mayroon pa ngang dinaluhang convention ba iyon o meeting sa Manila nitong nakaraan. Pero kababalik lang nito ngayon. Kaya ang hinala ni Leon, baka nauna na ito sa bahay niya dahil kung dadaanan pa siya rito sa Clark, ibang usapan na iyon.

"You're acting weird today," puna ni Elisa sa kanya.

Pinasadahan niya ng tingin ang dalaga ngunit hindi niya ito kaagad sinagot. Sa halip, kinuha niya iyong cellphone niya mula sa bulsa niya para tignan kung nag-text na ba sa kanya si Keith.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon