Nathan's POV
"What now?" Tanong ko habang naka-krus ang mga braso.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop, nasa labas naman si Ashwin at naghihintay sa amin.
"I want to plan a simple fansclub party." Masayang sabi nito.
"Stop it, Claire. Aksaya lang 'yan sa oras." Tugon ko at bumuntong-hininga.
"Gusto ko lang naman magkaroon tayo ng isang party para naman maging masaya ang fans natin but still, iilan lang ang pwedeng dumalo." She said while sipping her cup of coffee.
"This is nonsense."
Tumayo ako at akmang maglalakad na nang muli siyang nagsalita.
"Look, Nathan. It's recorded." Wika nito dahilan para lingunin ko siya.
Hawak niya ang isang mini-recorder at nakangisi pa. Napa-iling ako at muling umupo sa silya.
"Paano 'pag sinabi ko sa mga fans mo na ang sikat na si Nathan Vargas ay wala nang pakialam sa mga fans nito."
"Hindi sa wala akong pakialam sa kanila, Claire. I just want a privacy, nag-aaral ako oh."
"Wala akong pakialam sa pag-aaral mo, paggusto kong makipagkita sayo, makikipagkita ako." Pagmamaktol nito.
"Fine, sige papayag ako." Gumuhit ang isang napakalaking ngiti sa mga labi niya dahil sa sinagot ko.
"Yey, that's great!"
Bahagyang kinain ng katahimikan ang espasyo sa pagitan namin.
"Nathan, you like me right?" Mabilis na bulalas niya.
"Of course." I answered.
"Well, sandaling panahon na lang at sasagutin na kita." Hagik-ik nito.
"I'm not even courting you." Napatigil siya sa pag-inom ng kape.
"Iba ang like sa love and.."
"And what?"
"...I just like you."
Bahagya siyang napaiwas ng tingin.
"Tungkol doon sa party, susunduin kita mula sa klase mo sa araw ng party, pag-iisipan ko pa lang kase kung kailan." Sunod-sunod niyang ani habang ako ay tahimik na nakikinig lang sa mga sanaysay niya.
"Maybe, nextweek?"
"Or next nextweek?"
"Gusto ko din yung medyo late na." Dagdag niya pa.
"Suggest ka naman oh." Muli niyang itinuon ang tingin sa akin.
"Plano mo 'yan, ikaw mag-isip." Ani ko.
And here I am, listening to her nonsense 'urgent meeting'.
Kassandra's POV
P.E class na namin ngayon at nasa labas lang kami ng silid-aralan kung saan ay makikita mo ang mga luntiang damo na nakapalibot sa buong unibersidad.
Nakabibighani talaga ang mga tanawin dito, isabay mo pa 'yung mga naglalakihang building.
"Ipasa niyo naman sa akin." Pagpipilit ko sa mga kaklase ko.
Nagvo-volley ball kase kami at dahil ayaw namang ipasa sa akin ang bola, nakatayo lang ako sa gitna habang nag-iisip ng mga bagay-bagay.
"Oh, eto Sadako!"
Mabilis pa sa speed na nakita ko ang bolang papalapit sa akin at dahil nagtatanga-tangahan na naman ako ay ayun, 'di ko nakuha at kaagad na sumalpok sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Teen FictionNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...