Chapter 37: SurPresa

532 36 3
                                    

Kassandra's POV

"Hala, Tita Marites si Kassandra oh, kinain na naman ang isang piraso ng strawberry na pinitas niya!" Sigaw ni Mccoy kay Tita Marites mula sa malayo habang nakaturo sa akin ang hintuturo niya sa kanang kamay.

Pakialamero.

"Tse, ang sabihin mo naiinggit ka lang." Ani ko't ipinapakita pa sa kaniya ang strawberry na nakagat ko na.

"Tsaka isa pa, ngayon lang naman ah, ang sarap kase at ang lalaki ng strawberry ngayon." Dagdag ko saka kinain na ng buo ang strawberry.

"Tse ka rin, eh, pang isang daang piraso mo na 'yan eh." Sabat pa nito saka namewang.

"Naku, kayong dalawa. Magsitigil kayo at pupwede naman kayong kumain, sino bang nagsabing hindi. Basta't hindi niyo lang mauubos ang lahat ng strawberry rito." Natatawang lintaya ni Tita Marites nang makalapit ito sa amin.

Nagtitigan pa kami ni Mccoy na animo'y nanghahamon. Saka na ako umiwas nang tingin at bumalik sa pamimitas ng mga strawberry o sa wikang tagalog ay presa.

Narito kami ngayon sa Baguio at namimitas ng mga presa. Kasama ko ang buong banda dahil noong nanalo si Dominique sa contest ay gabi na at wala na kaming oras para magsaya kaya naisipan kong imbitahan na lang sila sa pamimitas at sumang-ayon naman sila, lalo na sina Tito at Tita.

Malaking ektarya ng lupa ang pinagtaniman namin ng mga presa kaya marami-rami talaga ang makukuha namin niyo. Mula sa mga magulang nina Tita Marites ang lupa at naihabilin sa kaniya dahil siya ang nakatatanda kaya heto at ginawang negosyo na ng pamilya nila.

Hindi matirik ang araw dahin katamtaman lang ang klima sa lugar na ito kaya easy-to-pick lang ang pagkuha. Kaya naman ay marahan kong pinipitas ang bawat isang piraso ng presa. Saka kain. Charot.

Nandito nga ang lahat maliban kay Dominique. Pinilit naman daw siya ni Mccoy na sumama pero tanging, "titignan ko", lang ang sagot niya. Ikinibit-balikat ko na lang ito at tumuloy sa pagpitas ng mga presa.

-

Natapos ang pamimitas namin at lahat kami ngayon ay may back ache. Nakakapagod pala ang ganitong trabaho pero worth it kase may mga strawberry na kay tatamis ba pwede mong tikman. O ako lang ang ganito?

Sa kabilang banda ay nasa loob na kami ng bahay, bahay rin ito nina Lola at Lolo ko na wala na ngayon. Malaki-laki rin ito dahil haciendero si Lolo noon eh. Abala ngayon ang lahat. Kasama ni Tito Pancho sina Axel, Brian, Brial at Clixto na siyang pawis na pawis na kakahalo sa ginagawa nilang strawberry jam. Malaki kase ang kusina kasya ang buong komunidad. Joks.

Makaluma ang bahay, kaya masasaba kong vintage. Nue raw?

Basta, gumagawa sila ngayon ng strawberry jam habang kasama naman ni Tita Marites sina Edeline at Mccoy sa paglalagay ng tinunaw na asukal sa mga presang nakatuhog. Sa ibang tinatawag nila itong 'tanghulu'. Habang nandito naman ako sa sala kasama si Adeline na naglalagay ng mga strawberry sa loob ng basket para ibigay sa simbahan. Kilala halos nina Tita at Tito ang mga tao rito at aktibo rin sila sa simbahan.

"Kayo na?" Pabulong na wika ko at siya namang napamulat ng mga mata habang halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"A-Alam mo Kass, minsan napapaisip na lang talaga kung nasasapian ka. Kung anu-ano na lang sinasabi mo." Ani niya. Napansin ko namang bumibilis na ang pagkilos na. Hmm?

"Alam mo rin, okay lang naman kayo ah, okay nga siya sa akin. Ang akin lang ay, sabihin mo kina Tita at Tito ng sa ganon ay legal kayo. Say ko lang." Itinataas-baba ko pa ang kilay ko habang nagsasalita.

"Haha, salamat sa advice ha." Nanunuya niyang sabi.

"Halika na nga, baka naghihintay na si Father sa atin sa simbahan." Dagdag niya saka tumayo at kinuha ang isang basket na may lamang presa.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon