Mary's POV
Ilang araw na akong walang gana sa sarili dahil sa nalaman ng anak kong si Kassandra. Mabigat sa damdamin ko lalo pa't alam kong may 'di ring magandang nangyari sa buhay niya sa araw na iyon.
Muli na akong napaiyak habang nakatulala sa mga rosas na ako, si Nathan at ang anak kong si Kassandra ang gumawa. Naalala ko kung gaano kami kasaya habang ginagawa 'yun, hindi ko alam na sa isang iglap ay hindi na niya ako papansinin.
Miss ko na ang anak ko.
Alam kong may pagkakamali ako mula sa paglilihim sa kaniya sa tunay niyang ama, pero wala akong ibang maisip na paraan para mabigyan siya ng normal na pamilya kundi ang pagtago ng katotohanan at ang pagsisinungaling sa kaniya.
Isa lang akong katulong sa pamilya ni Ethan, binata pa siya noon at dalaga pa ako. Naninilbihan kami at sa bawat araw na nandoon ako ay nagka-ibigan kami at nagbunga nga iyon. Sa hindi inaasahan, ipinagkasundo na pala siya ng magulang niya sa isang dalagita at malapit na ang kanilang kasal kung kaya't itinago ko na lang ang katotohanang buntis ako. Nasaktan ako at nagkawalay kami saka kami umuwi ng ina ko sa probinsya.
Si Ronaldo, ang tatay-tatayan ni Kassandra ang tumulong sa pagbubuntis ko, gusto niya ako noon pa man kaya naisipan naming magpakasal para sa bata at sa kaunting panahon lang ay minahal ko na nga siya dahil mabait, mapagmahal at maalaga. Lalo pa't tanggap at mahal niya si Kassandra at itinuring na tunay na anak.
Hanggang sa nangyari nga ang insidente kaya tuluyan akong nawala sa sarili. Mahal ko si Ronaldo, mahal na mahal. Kaya hindi ko matanggap ang nangyari sa kaniya kaya rito sa ospital ako naitakbo nang lumala ang sitwasyon ko at sa 'di inaasahan ay makikita ko muli si Ethan, na may anak at asawa na rin.
Siya ang nagbayad ng mga bayarin ko, nalaman ko ang lahat ng ito noong gumaling ako at sa pangalawang pagkakataon ay nagsinungaling at itinago ko ito kay Kassandra.
Mahal ko pa rin si Ethan, kung kaya't tinanggap ko siya. Ngunit noon iyon, dahil may sinabi siya sa akin na hindi katanggap-tanggap.
At ngayon, gusto kong pagbayaran niya ang ginawa niya kung nais niya ang kapatawaran mula sa akin.
"Mahal, pasok na tayo." Speaking of the monster.
"Sige." Simple kong tugon saka niya ako inalalayan papasok sa kuwarto ko.
Nang makapasok kami ay naupo na ako sa kama ko at siya naman ay inaayos ang mga gamit sa mesa. Wala kaming kibuan hanggang sa malakas na bumukas ang pinto at inuluwa roon ang babaeng inaasam kong makita.
"Ikaw!"
Kassandra's POV
"Ikaw!" Galit kong sigaw nang makapasok sa kwarto ng Nanay ko.
Kung sinuswerte ka nga naman ay nandito ang alagad ng demonyo.
Ay hindi, pati pa siguro ang demonyo ay mandidiring malaman na alagad niya ito.
"Sabihin mo ang totoo, ikaw ang may pakana sa sunog noon sa isang auditorium, tama ba?" Pahikbi kong wika habang pinipilit ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata kong 'wag tumulo.
"K-Kassandra, huminahon ka, anak." Ani ni Nanay at dahan-dahang lumapit sa akin habang nakayuko lang ang lalaki sa harap ko.
"Nay, paano ako hihinahon kung hindi niya la sinasagot ang tanong ko." Bigo ako sa puntong iniisip kong hindi tutulo ang luha sa mga mata ko.
"Nay, pasagutin mo siya, oh." Parang batang wika ko habang dinuduro ang lalaki. Kaagad naman akong niyakap ng ina ko.
"O-Oo, ako nga." Baritonong wika ng lalaki.
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Fiksi RemajaNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...