Chapter 19: Rumors

821 126 10
                                    

Kassandra's POV

Nakatulala ako habang nakaharap kay Nathan na ngayon ay naluluha at hinihintay ang sagot ko.

Tumango ako at nagsalita," Oo, Nathan."

Kaagad niya naman akong niyakap. 'Yung yakap na punong-puno ng pagmamahal. Alam ko 'yun dahil ramdam na ramdam ko 'yun.

"Thank you, Kass."

Ngumiti ako. Ang sarap sa pakiramdam na ang taong mahal ko, mahal din pala ako.

Yumakap din ako sa kaniya.

"Pangako, 'di kita sasaktan. Pangako, mahal ko." Turan niya habang hinihigpitan ang yakap sa akin.

Kumalas siya sa pagkakayakap at ngumiti sa akin.

"Kahit na liligawan pa lang kita, ipaparamdam ko na sayo na sobrang mahal kita." Napayuko ako sa sinabi niya at ngumiti.

"Pero, paano mo nalaman?" Napatigil siya sa itinanong ko at lumipas lang ang ilang segundo ay muli siyang ngumiti.

"Dahil hindi nagkakamali ang puso." Nakakakilig niyang sagot.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang yumakap sa kaniya.

"Pwede ba akong humingi ng pabor?" Kumalas ako sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay.

"Pwede bang, pribado lang ang relasyon nating dalawa kahit pa na nangliligaw ka pa lang?"

"Ayaw ko kase na may mga taong makikialam." Sunod-sunod kong turan.

"Sige ba."

Ngumiti ako at pinanggigilan ang mukha niya dahilan para ngumuso ang mga labi niya at magmukha siyang napaka-cute na pato.

Maglalampungan pa sana kami kaso biglang tumunog ang kampanilya ng unibersidad, oras na ng pag-aaral.

Binitawan ko ang pagkakahawak sa mukha niya at ang kanang kamay naman ang hinawakan ko tsaka kumaripas ng takbo. Sandaling pagtakbo pa lang ay napatigil na ako dahil hindi naman siya nagpapadala sa pagtakbo ko.

"Tara na?"

Umiling siya.

"Bakit?"

"Aabsent ako."

Kumunot ang noo ko at binitawan ang kamay niya.

"Saan?"

"May importante lang akong gagawin. 'Wag kang mag-alala, ngayon lang 'to."

Pumanatag ang loob ko sa sinabi niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri nito.

"Una ka na." Wika niya at may lalo pang inilapit ang katawan niya sa akin.

Pumikit ako at naramdaman na lang ang labi niyang humalik sa noo ko.

"Ingat ka."

Ngumiti ako at tumakbo patungo sa pinto ng rooftop. Bababa na sana ako pero nilingon ko muna siya tapos ay kumaway-kaway.

"Ikaw rin!" Kumaway rin siya bago ako umalis.

-

Habang tumutungo ako sa silid-aralan ay panay ang ngiti ko at hindi na iniintindi ang mga bulungan ng iilang estudyante.

Umupo ako sa silya ko na may isang napakalaki at napakatamis na ngiti.

Lumingon ako sa kanang bahagi ko at nakitang wala pa si Dominique. Maging ang bag nito ay wala rito. Ipinagsawalang-bahala ko na lang ito at itinuon ang atensyon sa klase.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon