Dominique's POV
"Pre, paano na 'yan? Malapit na ang gig natin sa kabilang baranggay tapos ngayon pa kayo nag away ni Diana," kunot-noong wika ni Axel, ang drummer sa grupo namin.
"Gusto pa naman ng mga tao ang chemistry n'yo," singit naman ni Clixto, ang pianist.
"Tsk." Ako.
Napa-iling-iling na lang ako sa mga pinagsasabi nila.
"Kasalanan ko bang hindi ko na siya mahal?" Napabuntong hininga ako habang sila ay natahimik.
Nakakainis lang kase si Diana, nagsisimula na namang mag-inarte kung saan malapit na ang gig, sa susunod na linggo na 'yun.
"Edi, dapat may ipalit tayo," wika muli ni Axel.
"Si Kassandra kaya," suhestiyon ni Brian, ang isa sa guitarista namin. Sabay kaming napatingin sa pwesto niya kung saan nakatayo lang ito at nakangisi.
"Para sa 'kin, mas maganda ang boses ni Kassandra kumpara sa girlfriend- oh, I mean kumpara sa ex-girlfriend mo. Pareho naman silang maganda ang boses, sadyang mas angat lang si Kassandra," sambit nito at nagkibit-balikat. Napatango-tango naman ang ibang pang kasamahan ko.
"Agree!" Sabay nilang bigkas at nagtawanan. Mga loko talaga.
Inilibot ko ang tingin at nakita si Brial, ang kambal ni Brian na guitarista rin at abala sa paghahanap ng bagong chix. Tss.
"Okay fine, ipapasuyo ko na lang 'yun kay Mccoy," bigkas ko at sabay silang naghiyawan. Hinithit ko naman ang sigarilyong hawak ng kanan kong kamay at sabay na ibinuga ang usok sa mukha nilang tatlo, napatawa ako nang makita silang nagsi-ubuhan.
Napatingala ako sa langit, I know Kassandra needs money and in terms of suyo, si Mccoy na ang bahala sa bagay na 'yun.
Hindi ko pa narinig kumanta si Kassandra sa personal. Maliban na lang kung may ipinademo kami sa kaniya na kanta namin, pero hindi eh, recorded na 'yun. Mahirap na baka gumagamit pala ng voice inhancer ang Sadakong 'yun.
Inakay ko ang bag ko at nagsimula nang maglakad papalabas sa bar, naririnig ko naman ang pagtawag sa akin ng mga kasamahan ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito.
Kung itinatanong niyo kung bakit ako nandito sa bar sa ganito ka agang oras ay dahil nakakabagot na mag-aral. Tsk. Tsk.
Nang makalabas ako sa bar ay itinapon ko na kaagad ang kupos ng sigarilyo ko sa damuhan at pumasok sa kotse kong nakaparada. Binuksan ko na ang makina nito at pinaharurot papunta sa unibersidad ng NU kung saan ako nag-aaral.
"I'm sorry, Mr. Balderama pero hindi ko maaaring aprubahan ang iyong nais," malumay na wika ni Mr. Valles, ang principal ng unibersidad na ito.
"Sige na po, Mr Valles. Pangako, aayusin ko na ang pag-aaral ko," pagpipilit ko sa kaniya.
"Pang-ilang pangako na ito, Mr. Balderama," mahinahon nitong tugon.
"Totoo na po ito, papasok na po ako sa tamang oras, araw-araw." Kaunting pilit na lang.
"Paano naman ho kase ako makakapag-aral ng maayos kung napapalibutan ako ng mga babae," dagdag ko pa na dahilan para bumuntong-hininga siya.
Nakaka-inis lang kase 'yung mga kaklase kong babaeng na tumitili sa t'wing pumapasok ako at kung makayakap pa ay halos mamatay ako sa higpit.
Ilang minuto pa kami nag-usap ni Mr. Valles pero sa huli ay na-aprubahan din ang hiling ko.
Yes! Ako pa ba, ang galing ko kaya.
-
Kanina pa ako nakalabas sa opisina ni Mr. Valles at heto ako, nasa likod ng building at naninigarilyo habang naglalakad papunta sa kabilang building. Nandoon kase 'yung bagong silid-aralan na papasukan ko.
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Fiksi RemajaNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...