Mccoy's POV
"Kuya! Ano ngang oras ang battle of bands?" Aligagang tanong ko habang patakbong bumaba sa hagdanan.
Naabutan ko si kuya na naka-de kwatro sa sofa at nagbabasa ng dyaryo.
Dahan-dahan niya akong nilingon at sumagot.
"Alas siyete pa ng gabi, 'wag kang oa." Matapos niyang sabihin 'yun ay ibinaling niya muli ang atensyon sa binabasa nitong dyaryo.
Napakamot naman ako sa batok.
"Akala ko kase alas siyete ng umaga, panira." Bulalas ko't naglakad pabalik sa kwarto.
"Is she going tonight?"
Napatigil ako sa paglalakad at muling nilingon si kuya.
"Oo, lahat ng pangako ni Kassandra ay tinutupad niya," sagot ko't ngumiti.
"Tsk." Aniya.
Akmang aalis na ako nang muli siyang nagsalita. Butet.
"Is she okay now?" Kaagad nang kumunot ang noo ko sa itinanong nito.
"What do you mean?" I asked in confusion.
"I mean, may sakit siya kahapon 'di ba? So, magaling na ba siya ngayon?" Wika niya. Ramdan ko rin sa tono ng pananalita niya ang pagkabahala't pag-aalala.
"H-Hindi ko alam na may sakit siya." Sagot ko.
Teka lang. Napa-iwas din siya ng tingin.
"Nothing." Sagot nito na dahilan ng pagngiti ko. Mabilis akong tumabi sa kaniya't bumulong.
"May dapat ba akong malaman?" Tanong ko.
Dahan-dahan namang lumingon ang ulo niya upang humarap sa akin na may matatalas na titig. Napalunok ako't lumayo ng kaunti.
"Pero speaking of kahapon, saan ka ba pumunta kahapon?" Sige tignan natin kung di ka sasagot.
"Hinanap ka ni lola kahapon pero nakapatay ang cellphone mo at ang nakapagtataka pa ay madaling araw ka na umuwi?" Nakataas ang kaliwang kilay ko habang nakaharap kay kuya at hinihintay ang sagot niya.
"Pumunta ka kina Kassandra, 'no?"
"Hindi ka ba titigil?" Mabilis pa sa langgam akong napatayo nang inilukot na niya ang dyaryong hawak niya at naghihintay ng tamang tyempo para ihampas sa akin ang hawak nito.
"Alis na." Matalim na wika niya na kaagad ko namang tinugunan. Mahirap na.
Pero sa'n kaya siya galing?
May sakit nga ba si Kassandra?
Ewan.
Kassandra's POV
Kakagising ko lang matapos kong mag ala-Sleeping Beauty.
Charot.
"Mabuti naman at gising kana, heto, inumin mo." Wika ni Tita Marites pagkapasok pa lang niya sa kwarto ko dala-dala ang isang baso ng tubig at isang tableta ng paracetamol.
Dahan-dahan akong umupo't nahulog ang puting tuwalya mula sa ulo ko.
"Inumin mo na para tuloy-tuloy ang pagbaba ng temperatura mo." Muling wika nito saka ko kinuha ang hawak niyang tubig at gamot sabay lagok nito.
"Salamat, tita." Ani ko't napangiti siya at itinapal ang kanang palad nito sa noo ko.
"Sus, parang others naman ito." Hagik-ik ni Tita Marites saka kami nagtawanan.
"Pero hindi ka pa rin pweding maggagala. Kagagaling mo pa lang, naku, baka d'yan na kita matampal." Pabirong usal ni Tita Marites habang nagliligpit ng mga pinanggamitan.
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Novela JuvenilNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...