Chapter 2: A Small World

1.8K 234 75
                                    

Kassandra's POV

"Beeeeeeeep!" Isang mahaba at matinis na busina mula sa isang itim na kotse ang muntik nang makasagasa sa akin. Napaupo ako sa daan habang nakatakip ang dalawang tenga gamit ang dalawang kamay.

"Miss, okay ka lang?" Unti-unti kong minulat ang mga mata at nakahinga ng maluwag nang napagtantong hindi pala ako nabangga ng dahil sa katangahan ko.

"Okay ka lang?" tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 20's na, itim ang buhok, medyo may kasingkitan ang mga mata at matangos ang ilong na may suot na puting t-shirt sa loob at black coat panglabas at naka-black jeans. Mas matangkad nga lang siya sa akin ng ilang pulgada at mukhang sing-taas lang siya ni Mccoy.

"Okay lang po ako," sagot ko at pinagpag ang sarili nang matulungan na niya akong makatayo. Napalingon ako sa likod niya at nakita ang itim na Ferrari 458 Italia. Wow, ibang klase ang kotse niya.

Magkano kaya mabebenta 'yan ngayon kapag nacarnap ko. lol.

Napayuko ulit ako at pinulot ang iilang mga papel na nahulog ko.

"Are you okay?" Muling bumukas ang kotse tanda na may isa na namang lumabas.

Ilang tao ba ang kakasya sa Ferrari? Isang daan?

Nang matapos kong pulutin ang mga papeles ay tumayo ako at ang dapat na aayusin ang nakalugay kong buhok ay napatigil ako nang tumambad sa akin ang hitsura ng lalaking minsan nang nagpatibok ng aking heart.

Mistulang artista ang aking nakita~
Dahan-dahang lumalapit~

"Wala bang masakit sa iyo?" tanong niya at panay ang pagtitig sa kabuuan ng katawan ko.

May pa-slow mo na moment~
pahangin effect pa~
Na napakalupit~

Nakasuot siya ngayon ng isang puting turtle neck panloob at brown coat panglabas at naka-loose pants din siya. Nakita ko siya ngayon ng harapan at kitang-kita ang kagwapuhan ng mukha niya. Ang singkit niyang mga mata, ilong na pagkatangos-tangos at ang mapupula niyang labi, isama mo pa ang kayumangging kulay ng buhok niyang pang-Koreano na kung saan ay medyo natatabunan ang noo niya at tumatambad ang makakapal niyang kilay. Medyo matangakad rin siya kumpara dun sa unang lalaking nakipag-usap sa akin kaya ngayon nakatingala ako sa kaniya. A-Ang gwapo.

You're makin' me kilig, kilig na kilig~
You're makin' me kilig, kilig na kilig~
You're makin' me kilig, kilig na kilig~

"Nathan, we should hurry." Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang kasamahan niya. Tumutulo na pala ang aking mga gintong laway.

Kilig sa 'yo...~

"Okay," sabi niya sa isang lalaki at ibinalik ang atensyon sa akin.

"Hope you are okay, Miss." Mabilis na nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Buti na lang at nakaharang ang buhok ko sa harap ng mukha ko at nagmimistula akong si Sadako kung kaya't hindi niya ako makikilala. Ayaw ko.

Kung kailan ko na siya makikita ay siya namang oras na ayaw kong makilala niya ako.

"Is that Nathan Vargas!?" sigaw ng isang babae mula sa 'di kalayuan at dahilan ng paglingon namin.

"Too late," pahabol ni Nathan at nagsi-takbuhan na ang mga impakta papunta sa gawi namin. Mukhang dito rin sila nag-aaral sa NU dahil na rin sa suot nilang uniporme.

Marami-rami rin sila, mukhang magba-barkada. Mabilis silang nakaabot sa pwesto namin at panay ang pagkuha ng mga litrato, ginawa ko rin itong tyansya para makatakas sa kahihiyan at kay Nathan.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon