Chapter 18: Court

816 132 9
                                    

Kassandra's POV

Isang masayang araw ang kaagad na bumungad sa akin.

Nakangiti ako bago matulog at maging ngayon sa paggising ko. Ang gaan ng pakiramdam ko.

Feeling ko nanalo ako sa lotto.

Hehex.

Ginawa ko na nga ang morning routine ko na 'di pwedeng gabihin.

Tsaka binuksan ang pintuan at laking gulat ko nang makita ang kambal na pinsan ko na nakaharang at nakakunot ang mga mukha.

"P-Problema niyo?" Takang tanong ko habang nakahawak sa dibdib dahil sa gulat.

Nakatatakot ang mga hitsura nila, jusmaryusep.

"Sino ang naghatid sa'yo kagabi?" Napatigil ako sa winika ni Adeline at napaharap sa kaniya.

T-Teka, hindi naman lumabas si Nathan ah, tsaka hindi niya binaba ang bintana habang pumapasok na ako sa bahay kaya pa'no nila nalaman?

"Si Nathan, no?" Tanong naman ni Edeline at inilalapit ang mukha niya sa'kin dahilan para mapaatras ako.

"Hindi ah-"

Bago pa man ako makasagot ay kaagad namang sumingit si Edeline.

"Imposible 'yun." Sagot nito.

"Tama, i-imposible 'yun, sino ba naman ako para ihatid niya 'di ba?" Mabilis namang napatingin sa akin ang kambal na may bakas ng pagtataka.

"Eh, bakit kalat ngayon sa campus na kasama mo raw si Nathan umalis?" Taas-kilay na tanong ni Adeline.

Napalunok ako.

"K-Kase..."

"Kakain na!"

Kumaripas na ako ng takbo patungo sa kusina kung saan naroroon sina Tita Marites na abala sa paghahanda ng agahan.

"Mukhang bumubuti na ang ugnayan ninyo bilang magpinsan ah." Sabi ni Tita Marites habang hinahain ang kanin sa hapag.

"S-Sana nga po."

-

Natapos ang kainan.

Muli akong tumungo sa aking silid upang kunin ang bag at sa muling pagbukas ko ng pinto ay muli ring bumungad sa harap ko ang kambal na nakasingot.

"Ano-"

"Ito!" Sabay nilang wika habang inaabot sa akin ang dalawang over sized t-shirt nila na may mga kakaibang disenyo.

"Paki plantsa, kukunin na lang namin sa biyernes." Saad ni Edeline at kaagad na silang tumalikod.

"Anong gagawin niyo sa biyernes?"

"Anong pakialam mo?" Pagsusungit nila.

Bumuntong-hininga ako bago tumango sa kanila.

Ok.

-

Nasa loob na ako ng unibersidad at nakakapanlumo ang mga tingin ng mga estudyante sa akin na animo'y may ginawa akong mali.

Nauna nang umalis si Mccoy dahil may ginawa pa sila sa project nila dahil nagkasakit daw ang taong dapat na magdadala nito.

Kaya heto na naman ako't nag-iisa habang abala sa pagbubulong-bulungan ang mga estudyante sa akin. Ang tanging nagagawa ko lang ay ilugay ang buhok ko para ipangtakip sa mukha ko.

Nakaramdam lang ako ng kaginhawaan nang maaninag ko ang silid-aralan namin at pumasok kaagad dito.

Nang nakaupo na ako ay mabilis namang tumabi sa akin si Rouchi. Wala pa sina Dominique at Nathan.

Kinuha ko naman ang water bottle ko at uminom ng tubig dahil sa kabang naramdaman ko kanina lang.

"Girl, jowa mo ba si Nathan?"

Kaagad akong nabilaukan dahilan para punasan ko ang iilang butil ng tubig sa aking bibig at muling tinakpan ang water bottle at ipinasok na muli sa aking bag.

"B-Baliw ka ba?" Turan ko.

"Kase naman, chismis ngayon na kayo na raw. Palagi raw kase kayong magkasama." Pagpapaliwanag ni Rouchi.

Napahingi ako ng malalim at humarap sa kaniya.

"Magkaibigan lang kami ni Nathan, 'yun lang." Sagot ko at nagkibit-balikat lang si Rouchi. Mukhang hindi kumbinsido.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito, isang mensahe lang mula sa isang di-kilalang tao.

Unknown

Unknown:
Meet me in the roodftop.

-Seen-

R-Rooftop?

Si Nathan!?

Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumakbo patungo sa rooftop kung saan ko nakita at naka-usap si Nathan noon.

Wala pang limang minuto ay nandoon na ako at hindi nga ako nagkakamali, si Nathan nga.

Nakatayo ito kung saan ko siya nakita noon, noong inaakala kong magpapakamatay siya. Napangiti ako nang maalala ang nakakat'wang pangyayaring iyon at siya naman paglingon ni Nathan sa akin.

Itinuro niya sa akin ang kanang bahagi niya na animo'y sinasabing tabihan ko siya at siya namang pagtango ko bilang tugon.

Tumayo ako roon at gaya ng dati, kinain na naman ng katahimikan ang pagitan naming dalawa.

"Pa'no mo nakuha ang number ko?" Pauna ko.

"Ah, 'yun ba. Hiningi ko mula kay Mccoy." Napatango ako.

Ah.

Wala na akong maisip na mga salita at tanging pagpikit lang ng mata ang ginawa ko habang dinadama ang malamig at malumay na agos ng hangin na dumadampi sa katawan ko.

Ngumiti ako at inaalala ang pangyayari rito kung saan kami lang ni Nathan ang magkasama.

"I like you."

Napatigil ako sa pagngiti at dahan-dahang napatingin kay Nathan na ngayon ay nakapikit din at dindama ang hangin.

Sa tingin ko kailangan ko ng linisin ang tenga ko't may mga naririnig na akong 'di dapat naririnig.

Muli kong ipinikit ang mga mata habang sinasabi sa sarili na umayos at guni-guni lang ang narinig ko.

Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko na ngayon ay walang tigil sa sobrang bilis na pagtibok.

"I miss you."

Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong dumilat at napatingin kay Nathan habang nasa kaliwang dibdib ko pa rin ang kanan kong kamay.

Sa pangalawang pagkakataon din ay muli akong tumingala sa kalangitan habang nakapikit na umiiling-iling.

Tumigil ka Kass.

Nababaliwa ka na!

"Ilang taon ang hinintay ko para makita kang muli at ngayon nakita na kita, 'di na kita papakawalan pa."

Sa pangatlong pagkakataon ay muli akong dumilat hindi dahil titignan ko si Nathan kundi dahil sa kamay na nararamdaman kong pumupuna sa mga pagitan ng mga daliri ko.

NATHAN VARGAS IS HOLDING MY HAND!!!

"A-Ano bang pinagsasabi mo, kakakilala lang natin no?" Pag-aalinlangan kong tanong.

Imposibleng makilala niya ako, 'd-di ba?

"You're my Juliet, remember?" Nakangising saad nito.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at gamit ang kaliwang kamay ay pinahiran niya ang luhang kanina pa pala tumulo mula sa kanan kong mata na 'di ko man lang namataan.

"I forget, I don't like you." Saad niya habang nakangiti.

Ewan ko kung sasaya ba ako o iiyak kase sinabi niya kanina na gusto niya ako tapos ngayon hindi na?

Dahil ba 'yun sa peklat ko?

"I love you."

H-Ha?

"Please, let me court you, Kassandra." 

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon