Chapter 6: Palaver

1K 178 18
                                    

Mccoy's POV

Kanina pa tulala si Kassandra habang hawak-hawak niya sa kanang kamay ang biniling Dutch Mill, kakabukas pa lang nito at 'di pa niya naiinom ni isang patak man lang.

Ano kayang nangyari rito?

"Kumusta ang araw mo?" Tanong ko para mapunta sa akin ang atensyon niya pero para bang hangin lang ako at 'di niya narinig.

"Hoi, pangit sabi ko kumusta ang araw mo?"

Napakunot na ako ng noo sa oras na ito. Nakakainis kase 'yung magsasalita ka tapos walang nakikinig.

"Akin na nga yan!" Pag-agaw ko sa kaniya ng Dutch Mill at dun na bumalik ang wisyo niya.

"Teka sa 'kin 'yan eh." Dinuro-duro pa niya ang Dutch Mill na kanina ay nasa kamay niya na ngayon ay nasa gitna na ng mga labi ko ang straw at hinihigop ang bawat likido.

"Sarap!" Naubos ko 'yun at ganun na lang ang pagka-inis sa mukha ni Kassandra.

"Hindi ka kase nakikinig."

"Anong hindi eh, 'di ka naman nagsasalita."

Tignan mo?

"Luh, kanina pa ako nagtatanong dito tapos 'di mo 'ko sinasagot, sira ka ba?" Doon na napatigil bigla.

"May iniisip lang ako."

"Ano?"

"Bilhan mo muna ako ng ice cream sa canteen at sasabihin ko ang lahat."

'Yun lang?

Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya at hinihintay na lagyan niya ito ng pera.

"Eh, libre mo na."

"Sige na nga."

Tumayo ako at nagsimula nang maglakad papuntang canteen. Wala na ring masyadong tao kaya mukhang mapapabilis ang pagbili ko nito. Lumapit na ako sa cashier at nag-order.

"Pabili nga ho ng dalawang ice cream."

"Ano pong flavor?" Tanong ng tindera.

"Isang keso at isang cookies and cream, pakilagay na lang ho sa cup." Sagot ko.

"160 po lahat." Ibinigay ko naman ang pera at kumuha ng dalawang plastic spoon.

"Eto na ho."

"Salamat."

Habang pabalik ako sa tambayan ay 'di ko maiwasang mag-isip sa asal ni kuya kanina at ni Kassandra ngayon. Masaya si kuya at medyo magulo naman si Kassandra, may ginawa na naman bang kalokohan si kuya kay Kassandra? Binully na naman niya?

"Sana naman ay hindi." Napailing-iling na lamang ako sa mga pinag-iisip ko.

"Oh." Ibinigay ko kay Kassandra ang isang ice cream na keso ang flavor.

"Salam- ano to?" Tanong niya habang ipinapakita sa akin ang ice cream.

"Ice cream." Simpleng tugon ko sa tanong niya.

"Ih, alam mo namang 'di tayo kumakain ng ice cream na keso ang flavor." Maktol niya.

"Joke lang, eto oh." Ipinagpalit ko ang sorbetes na may flavor na cookies and cream sa sorbetes na hawak niya kanina.

"Good."

Tahimik lang kami habang kumakain ng sorbetes. Nakadadalawa pa lang ako nang subo at siya naman ay walang tigil sa pagsubo ng sorbetes.

"Dahan dahan lang, Kass. Wala namang aagaw niyan." Bulyaw ko sa kaniya, nakinig siya pero ngumunguya pa din.

"Takaw mo talaga."

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon