Chapter 22: Ulan

799 72 5
                                    

Dominique's POV

It's 6 o' clock in the evening.

Hinihintay ko pa rin ang pagdating ni Kassandra sa bahay para matapos na namin ang report. I know Nathan will not come. Tsk.

Ilang minuto pa akong naghintay ngunit walang Kassandra na dumating kaya't napagpasyahan kong ako na lang ang tatapos nito.

The moment I already finish the report, my phone suddenly rang. It's a message.

ABCD GC

Axel:
Yow bro!

Punta kami d'yan, inuman tayo.

Dom:
Nope, I'm busy.

Maybe next time.

Brian:
My bad.

Nandito na kami sa labas ng bahay niyo!

Axel:
Hehehehehehehe.

- Seen -

I sigh.

I close my eyes as I finish reading the text. Hayst.

Maybe I also need sometime to drink and to have fun, right?

-

"Inom pa!" I shouted and drink the glass full of beer.

So good!

Nakisali na rin si Mccoy sa'min.

"Anyway, how's Diana?" Axel asked.

Napatahimik kaming lahat. Sumandal ako sa sofa at pumikit.

"I mean, you know. Hindi pa nakakapagdecide si Kassandra kaya I think si Diana pa rin ang need natin. Just saying," Axel said while faking a laugh.

There's nothing funny.

"I called her many times but she wouldn't answer the call." I murmured.

"Talaga ba kuya? Eh, nakita ko kanina 27 missed call siya sa'yo," wika ni Mccoy. Mabilis akong napatitig sa kaniya.

Napakabwesit talaga ng batang 'to.

"Tsk." I smirked.

"Alam niyo, mamaya niyo na pag-usapan ang mga babae. Inom pa!" Sabi ni Brian.

Napangisi ako.

"Nagsalita ang hindi babaero," I said. Diniinan ko pa talaga ang salitang 'hindi'.

Nagsitawanan naman ang iba.

Hayst, yeah. Kassandra, ba't ba ayaw niya?

-

Nagsimula na akong magka-amats kahit na labin limang minuto pa lang nakalilipas.

"Teka, teka. Let's play a game?" Paunang wika ni Mccoy.

Naghiyawan naman ang lahat na animo'y g na g sila. Bahala kayo.

"Okay!" Sabay nilang sigawan.

Kinuha naman ni Mccoy ang isang boteng wala ng laman at pahigang ipinatong sa lamesa.

"Ready?"

"Ready!"

Kaagad itong pinaikot ni Mccoy at manghang-mangha ang iba na naghihintay kung kanino tuturo ang bote.

"Axel!" Sigaw nila. Napatawa na lang ako sa mga asal nila ngayon.

"Sige, sige anong tanong?" Ani Axel.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon