Chapter 33: ChocoBall

574 38 2
                                    

Kassandra's POV

Napakaganda ng lugar kung saan ay ginaganap ngayon ang kaarawan at annibersaryo nila.

May mga iba't ibang mamamahaling pagkain ang nakahain sa isang sobrang taas na mesa, may mga tsokolate pa na kay lalapot na unti-unting bumubuhos sa isang chocolate fountain sa gitna nito at mga chocoballs na nakapaligid. Hanggang lunok na lang siguro ang magagawa ko dahil hindi ako pupwedeng kumain kase baka mangati ang lalamunan ko't kakanta pa kami.

"Halika na rito, Kass." Pagtawag sa akin ni Dominique at sumunod naman ako.

Sa gitna ng malaking silid na ito ay may isang kulay gintong upuan sa gitna nito na napapalibutan ng kulay lila't gintong lobo. Iba't iba rin ang mga uri ng bulaklak na mas lalong nagbibigay ng nakabibighaning amoy rito.

Maya't maya ay lumabas na mula sa back stage ang emcee ng event na ito. Sinimulan na niyang ipahatid ang talumpati niya tungkol sa celebrant. Mula sa pangalan, hobbies, ganun ganun hanggang sa unti-unti na ngang bumubukas ang kulay gintong tela sa harap ng stage upang lumabas na ang celebrant.

Sumenyas naman si Dominique sa amin na nagsasabing magsisimula na kaming kumanta. Unti-unting lumalakas ang tono ng musika at nagsimula na kaming kumanta. Isang kantang pangmarikit na ipinasikat ng banda nina Dominique ang kinanta namin habang nakikipagsayawan ang debutant sa tatay nito.

Doon ko napagtantong pinipigilan ko lang pala ang sarili kong maiyak. Ang daya kase, may tatay pa siya.

Ako wala na.

Kahit kailan ay hindi ako naiinggit sa mga magagarang gamit o pagkain, mas nakakainggit makita ang ibang bata na kasama pa ang magulang nila.

Natapos ang kanta at nakahinga na ako nang maluwag dahil kahit papaano ay hindi ako pumiyok.

"You can rest, I can sing on my own." Nabigla ako sa biglaang pagtapik ni Dominique sa balikat ko.

Matapos kase ang pagpapakilala sa debutant ay ang oras na naman upang ipakilala ang Lola nito.

Ngumiti ako at tumango. Ngumiti rin siya at nagsimula nang mag-hum para kumanta. Ang kanta naman ngayon ay ang kantang 'I Swear' na ipinasikat ng bandang All-4-One. Ipinilit talaga ng gobernador na ito ang ikanta kase ito raw 'yung theme song ng nanay at tatay niya na mag aanibersaryo ngayon.

I swear by the moon and the stars in the skies~
And I swear like the shadow that's by your side~

Pasimulang kanta ni Dominique.

I see the questions in your eyes~
I know what's weighing on your mind~
You can be sure I know my part~
'Cause I'll stand beside you through the years~
And you'll only cry those happy tears~
And though I'll make mistakes, I'll never break your heart~

Abala ang lahat sa pagtingin sa isang screen na malaki sa harap namin habang ipinapakita ang mga sweet pictures ng dalawa.

And I swear by the moon and the stars in the skies~
I'll be there~
And I swear like the shadow that's by your side~
I'll be there~

Nakapagtataka dahil hindi pa lumalabas si Lola't Lolo.

For better or worse, 'til death do us part~
I'll love you with every beat of my heart~
And I swear~
Ooh~

Napaawang ang bibig ko sa sumunod na nangyari.

I'll give you everything I can~
I'll build your dreams with these two hands~
We'll hang some memories on the walls~
And when~
Just the two of us are there~
You won't have to ask if I still care~
'Cause as the time turns the page, my love won't age at all~

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon