Chapter 56: Father

639 35 1
                                    

Unknown Person's POV

"Bakit hindi?" Matalim kong wika saka ko siya tinitigan.

"Ayaw ko! Hindi porket ikaw ang gumastos ng lahat-lahat eh, sasama na ako!" Sigaw niya at iwinaksi ang kamay kong akmang yayakap sa kaniya.

Napatalim ako ng bagang saka napakamot sa noo.

"Why? Dahil lang sa sinabi ko kanina?" I asked.

"Oo, isa na rin iyon sa mga rason dahil sa isang eksenang ginawa mo na nakapagbigay ng sakit, kirot, pighati at sumira ng buhay ko at ng anak ko sa mahabang panahon." Sagot niya. Napatitig ako sa mga mata niyang may mga luhang namumuo.

"Past is past!" I exclamed.

"Yes, past is past. I forgive, but I'll never forget." Matalim niyang sagot saka akmang aalis nang hinapit ko ang bewang niya saka siya niyakap. Pumupilit pa siyang nagpupumiglas habang ako ay ginagawa ang lahat, mahagkan lang siya.

"Bitawan mo ako! Ayaw kong magmahal ng isang mamamatay tao!" Sunod-sunod niyang wika.

Hindi ko ito ininda at sa halip ay mas diniinan ko pa ang pagyakap nang inaalala pa rin ang kondisyon niya para hindi siya mahirapan sa posisyon namin.

"H-Hindi mo man lang ba ako na-miss-"

"Hindi! Hinding-hindi!" Sigaw niya at tuluyan na ngang inilayo niya ang sarili mula sa akin.

"For how many days, weeks, and even years. I always yearn fo you, finding and waiting for you to be my love, again." I said as I hold her hand.

"At para lang malaman mo, iniwan ko ang asawa't anak ko p-para sa 'yo." Wika ko kasabay ng unti-unting pagpatak ng mga luha ko.

"Wala naman akong sinabing iwan mo sila. Kaya pwede ka nang umalis sa harap ko at buoin ang nasira mong pamilya." Wika pa niya saka nauna nang maglakad sa akin.

Tumigil siya sandali nang magkatabi na kami ng balikat nang bigla siyang bumulong.

"Huwag mo na kaming pakialaman!" Wika niya saka tuluyan na akong nilisan.

Napayuko ako saka kinausap ang sarili.

"Gagawin ko ang lahat, makuha ka lang muli."











Kassandra's POV

"Kailangan ko si Nanay."

Tanging bulong ko sa sarili habang iniintindi pa ng utak ko ang buong pangyayari. Ang sakit pa ng puso ko habang iniisip ang lahat.

Lahat ng mga araw na dumadaan sa buhay ni Dominique kung saan ay kaaway niya ang sarili niya, na dapat may karamay siya, pero nasaan na? Heto ako't umiibig ng iba.

"Nathan! I need you here, please." Wika ng isang producer saka ako umiwas ng tingin para pawiin ang lahat ng luha sa mukha ko.

"Wait for me here, Kass. I don't know what happen so please, wait me here." Rinig kong bulong niya kasabay nang marahang paghalik niya sa noo ko.

Wala sa sarili akong tumango habang nagpupunas pa rin ng mga luha. Nang nakaalis na si Nathan ay napako pa rin ako sa kinatatayuan ko at hinahanap ang anino ni Dominique.

Gusto ko siyang mahagkan sa pagkakataong ito, nasaan na siya?

Bumalik muli sa isip ko ang nangyari at heto na naman ako't naiiyak. Ngumiti ako nang mapakla saka ako dinala ng mga paa ko palabas ng parke. Mabilis akong pumara ng taxi at sinabi ang pupuntahan ko, 'yun ang ang ospital kung nasasaan si Nanay.

Noong nasaktan ako sa eksenang nadatnan ko sa condo ni Dominique at kay Nanay kaagad ako tumungo saka ko inilabas ang lahat ng hinanakit. Tinuruan at ipinakita niya ang lahat ng pagmamahal at supporta niya sa akin para mas dumali ang paghilom ng puso ko.

Hindi ko alam pero parang ang lahat ng sinasabi ni Nanay ay tagos na tagos sa puso ko na animo'y alam niya ang buong pangyayari. Na animo'y may matindi siyang pinaghuhugutan ng mga bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Makaraan lamang ang ilang minuto ay natungo ko kaagad ang destinasyon ko't nagmamadaling puntahan ang kwarto ni Nanay. Ngumiti pa ako ng pilit saka ko unti-unting pinihit ang pinto ng kwarto.

Sumilay sa akin ang mukha ni Nanay na nag-aalala at aligaga nang mapatayo siya nang makita ako. Naguguluhan man sa reaksyon ng ina ay mabilis ako naglakad patungo sa puwesto niya at kaagad siyang hinagkan.

"N-Nay..." tanging salitang lumalabas sa labi ko habang nararamdaman ko ang paghagod niya sa likod ko.

"S-Shhh...ta-tahan na..." may halong nginig ang salita niya na animo'y kinakabahan.

Umalis ako mula sa pagkakayakap sa kaniya saka siya tinitigan. Iba ang sinasabi ng mata niya ngayon kumpara sa gawain niya noong tumungo rin ako sa kaniya dahil sa sakit ng pag-ibig.

"H-Hija? B-Bakit?" Alalang tanong niya.

Umiling-iling ako saka akmang yayakapin siyang muli nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang mistesong lalaking sa tingin ko ay nasa ka-edaran lang ni Nanay, matipuno ito at disente ang damit. Kumunot ang noo ko nang mapadako ang tingin ko sa hawak ng kanang kamay niya ang isang bugkos ng sampaguita.

Ang mas nakakapag-bigay ng pagtataka sa akin ay ang mukha niyang bilugan. Kulay kayumanggi ang singkit nitong mga mata, mag matangos na ilong at maninipis na pulang labi.

Animo'y may kamukha siyang taong kilala ko.

Animo'y kilala at nakita ko na siya, pero hindi ko maalala.

"Mahal? Sino siya?" Nagtatakang tanong nito saka ako itinuro.

"M-Mahal?" Nagtataka ngunit naiinis kong tanong kay Nanay.

"Nay?" Dagdag ko habang dinadama ang paninikip ng dibdib na animo'y pinipiga sa hapdi.

"A-Anak..." akmang hahawakan ako ni Nanay pero umiwas ako.

"Nay? Anak? Mahal ano ba 'to?" Takang tanong ng lalaki.

Tumingin ako sa lalaki saka ngumisi.

"Wow, mahal? Grabe, Nay ano ba 'to? Nababaliw na ako, oh." Ani ko saka akmang iiyak.

"Anak m-magpapaliwanag naman ako-" hindi ko na siya pinatapos nang pagsasalita nang inunahan ko na ito.

"Magpapaliwanag? Nay, nakikipaglandian ka ba habang nagpapagaling- pak!" Tumilapon ang mukha ko sa kanang bahagi ng isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha ko.

Kaagad namang lumpit si Nanay sa akin na may mukha nang pag-aalala ngunit iwinaksi ko lang ito saka inayos ang buhok ko at tumayo.

"Ganyan mo ba ituring ang taong nagpalaki sa 'yo?" Galit na wika ng lalaki.

"So, ikaw pala ang lalaking nagbibigay ng bwesit na sampaguita na 'yan? Ano bang gusto mo ha?" Singhal ko rito.

"Bakit ka ba nakikialam? Away-pamilya 'to, bakit kasali ka ba-?" Pang-aaway ko na lalong nagpagalit sa ekspresyon ng lalaki.

Akmang sasampalin muli ako ng lalaki nang pumagitna na si Nanay.

"Tama na!" Ani nito.

"Ganyan mo ba dapat tratuhin ang anak mong inabandona mo noon?" Galit na wika ni Nanay sa lalaki.

Napatigil ako maging ang manong. Kumurap-kurap pa ako ng ilang beses at itinatanong sa sarili kung tama ba ang nadinig ko o nabungol na ako.

"A-Anong sabi mo?" Takang tanong ng lalaki saka ako tinitigan.

Napalitan ang galit ko nang pagkataka at pandidiri sa lalaking kaharap ko.

"Alam kong narinig niyo ako, nagbunga ang maling pagmamahalan natin, noon." Wika ni Nanay saka ito napaupo sa sahig at napaiyak.

Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng lalaki dahil bwesit na bwesit pa ako sa kaniya habang mas lalo akong nalito sa pangyayari.

Bakit ganoon, bakit ang bilis ng mga pangyayari?

"Kassandra, anak, siya ang tunay mong a-ama." Dagdag pa ni Nanay saka ito tinukungan ng lalaki upang makatayo at akmang hahagkan ako ng umiwas muli ako.

"Hindi, hindi 'yan totoo. Patay na ang tatay ko, Nay, 'di ba?' Tanong ko sa ina at yumuko lang siya.

"Hindi!" Galit na bulong ko sa sarili saka padabog na lumabas sa silid at umalis patungo sa condo ko.

Bwesit na buhay 'to!

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon