Chapter 13: Demo

871 137 5
                                    

Kassandra's POV

Naka-upo ako ngayon sa isang parihaba at mahabang silya na kaharap ang isang parihaba ring mesa na sing haba ng baba mo, jok, sing haba lang ng mesa ang inuupuan kong silya ngayon at sa 'di inaasahan ay kaharap ko ngayon sa isa pang silya si...

SI DOMINIQUE!!!!!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako umiimik sa kaniya at tanging pagyuko lang ang nagawa ko habang siya naman ay abala sa pagkain ng halo-halo na binili niya kanina lang, naiinitan na daw kase siya kaya hindi na lang ako nagsalita kase alam kong dahil 'yun sa pagiging hot ko, hayst.

Pero kung seryosohan na ang usapan ay, nagi-guilty talaga ako at...

NAGKA-UTANG PA AKO SA KANIYA!!!!!

Jusko pong mahabagin, ikaw na lang ho ang bahala sa akin.

Paano nangyari 'yun?

Ganito kase 'yun...

-

Nadapa ako dahil hindi ko namalayan ang bitak ng semento at dahil dun ay natalisod ako.

At sa kasamaang palad, naitapon ko bigla ang tray ng itlog na hawak ko at siyempre 'pag naitapon mo ang itlog, magiging cake siya, charot. Ayun, nabasag ang mga itlog at naririnig ko pa ang mga maririing tawa ng mga taong nakapaligid sa akin.

"Miss okay ka lang?"

Nadapa na nga 'yung tao, tatanungin pa kung okay ba siya. Tulak kaya kita tapos tatanungin ko kung okay ka lang? Qiqil din ako dito eh.

Humarap sa akin ang lalaking inaakala kong si Dominique, pero hindi pala siya si Dominique! 0_0!

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at tinanggap ko ito. Mabilis naman akong tumakbo patungo sa pwesto kung saan nabasag ang mga itlog ko, mga binili kong itlog.

-,-

"Tsk, hindi ko inaakalang 'di ka lang pala Sadako at puto-bumbong, tanga ka rin pala." Muling nagsalita ang kaboses ni Dominque.

Walang anu-ano ay napa-sign of the cross ako, kasabay nun ang pagdikit ko sa dalawang palad ng kamay ko at pumikit dahil baka na-engkanto na ako dahil naririnig ko na ang boses ng demonyo sa kung saan man ako mapadpad.

"Nawa'y ilayo niyo mula sa akin, Diyos ko, ang demonyong si Dominique-"

"Ginagago mo ba ako babae?" Napatigil ako sa pagsasalita nang muli kong narinig ang boses niya.

"Santa Maria napupuno ka sa grasya-"

"Tumigil ka nga!" Naku, galit na ang demonyo.

Mukhang 'di pa epektib ang mga dasal ko!

>,<"

"Ama namin sumasalangit ka-"

Sa ikatlong pagkakataon naputol ang lahat ng mga dasal ko, mukhang nasa malapit lang talaga ang demonyo.

Huhuhuhu. End ko na ba this?

Kakanta na lang kay ako ng remix ng Ama Namin at baka 'yun ang maging solusyon?

Tama, tama 'yun.

Mas diniinan ko pa ang pagpikit at pagkadikit ng kamay ko't magsisimula na sanang magdasal ng biglang may humapit sa magkabila kong braso at sapilitan akong ipinatayo na ikinagulat ng guardian angel ko.

Waaaaaah!

"Dumilat ka nga!" Sigaw ng kaboses ni Dominique.

Pakiramdam ko ay nasa harap ko na siya at kukunin na ako! T^T

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon