Chapter 4: Intruder

1.2K 199 31
                                    

Kassandra's POV

Nakatunganga ako sa kawalan habang nag-iisip ng susunod na prank para kay Mccoy.

Ang hirap talaga mag-isip lalo pa't wala kang utak.

"Today we will discuss what the argumentative text is."

Utak nagmamakaawa ako, gumana ka sana kahit ngayon lang.

Dinuduyan ko ang sarili ko habang naka-upo sa silya na medyo naka-angat para umatras-abante ako.

"Ms. Ylores?"

Bakit ko pa kase naisip 'tong kagagahan na ito. Ngayon ako ang namomoblema.

"Ms. Ylores, are you in my class?"

Baka sa susunod maging vlogger na ako, prank na lang kase ako nang prank.

"Stand up, Ms. Ylores!"

Wala sa oras akong napadausdos sa sahig. Ang hapdi ng tuhod ko. May tumulak kase sa akin, alam ko yun. Alam na alam ko.

Si Demon-nique Balderama.

Imposible namang estudyante yun na nasa likuran namin eh, kami na ang panghuling row.

Oh, sino pa ba?

Alangan namang multo.

Dumausdos din ang silya ko na kanina ay inu-upuan ko.

Narinig ko naman ang mga mumunting tawanan ng mga kaklase ko maging ang aming guro sa harapan.

"Tsk, tatanga kase." Rinig kong bulong ng demonyo.

Pinikit ko ang mga mata ko upang kontrolin ang galit sa buo kong kalamnan.

"Halika ka." Parang anghel na boses ang narinig ko. Dinilat ko ang mga mata at nakita si Nathan na nakalahad ang kamay sa harapan ko, tinanggap ko ito at pinagpag ang sarili dahil sa pagkakadikit ng mga alikabok sa uniform ko, pinatayo ko di silya ko.

"Ms. Ylores, ang sabi ko ay tumayo ka at hindi ang dumausdos ka sa sahig." Ani ni Mr. Montealba, ang guro namin sa English at nagpipigil pa nang tawa.

"Now miss, what is argumentative text?" Napalunok ako sa tanong niya, nahihiya at natatakot ako.

Isa sa mga kinatatakutang guro sa National University si Mr. Fernando Montealba, sa strikto at mainitin nitong ulo ay magdadalawang isip ka talaga kung papasok ka ba sa klase o hindi.

"Miss!" Muling sigaw niya, napatagal ata ang pag-iisip ko.

"I-it is..."

"Don't answer me in chorus." Napayuko ako.

"I-it is, English." Malalakas na halakhak ang maririnig mo sa buong silid.

Unti-unti akong napa-angat ng tingin at tumambad sa akin ang mukha ng aming propesor na nagtitimpi ng galit.

"First of all I said, don't answer me in chorus, next your answer is wrong, miss."

"Nakikinig ka ba talaga?" Tanging pagyuko lang ang nagawa ko.

"I-im sorry, mister."

"Swerte mo na lang kung may tutulong sa iyo, anyone?" Napalitan ang dating malalakas na tawanan sa buong silid at nag-iwan ng isang nakakabinging katahimikan.

"Kung wala, the door is open Ms. Ylores and you may go out-" Natigil ang pagsasalita ng guro nang may sumapaw sa kaniya.

"Argumentative text is a text full of opinions." Napatingin ako sa bandang kaliwa. Si Nathan ngayon ang katabi ko habang nakatayo. Gumuhit naman ang ngiti sa mga labi ko.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon