Chapter 59: Hope

588 40 2
                                    

Someone's POV

"P-Para po." Halos pabulong na wika ko saka tumigil ang jeep na sinasakyan ko para makababa na ako na siya ngang ginawa ko.

Namumugto ang mga mata ko mula sa pag-iyak ngunit nagawa ko pa ring maglakbay sa gitna ng gabi. Napansin ko pa kanina ang mga mukha ng mga tao pagkababa ko ng jeep na para bang nag-aalala at nagtataka.

Napatawa ako sa mga mukha nila habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Nga naman, sino bang hindi magtataka kung may pasaherong bumaba sa gitna ng tulay ng Mabini Bridge kung saan ay may malawak na ilog sa ibaba nito, 'di ba?

Naglakad ako patungo sa gilid ng tulay at pinagmasdan ang malakas na agos ng tubig sa ilalim nito. Napangiti ako.

Ang lamig siguro ng tubig dito, ang sarap mag-dive gaya ng ginawa ko noon sa pool ng unibersidad namin.

Sa dami ng problemang dinadala ko, hindi ko alam kung ano ba ang tamang gagawin, kung paano gagawin at kung may patutunguhan pa ba ang lahat.

Durog na durog na ako, lahat ng tao nakikita ang pagiging masayahin ko pero sa loob ko nagwawala na ako. Nagsusumamong tulungan nila akong makawala sa hawlang ang tadhana ang gumawa.

Ang unfair nga ng mga tao eh, sa totoo lang. Sabi nila kapag may pinagdadaanan ang isang tao sasabihin lang na 'wag magpapakamatay dahil marami ang iiyak sa libing, eh, paano naman kami? Paano naman ako na araw-araw na umiiyak para lang mabuhay? Ang daya naman ata.

Huminga ako ng malalim saka paupong sumampa sa hawakan ng tulay, parang isang maling galaw lang ay matatahimik na ang kaluluwa ko.

Ngayon naiintindihan ko na ang mga taong mas pinili ang kitilin ang buhay nila, 'di lang dahil sa sakit kundi pati na rin sa kalayaan na nais nilang maasam.

They may commit suicide but that doesn't mean that they want to be dead, but they just want to be saved.

Ngumiti ako saka ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko ang iilag butil ng tubig na pumapatak sa mukha ko, nagsisimula ng umulan.

Gagawin ko na ba?










Dominique's POV

"Hmm, hmm." Paghimig ko ng kanta habang nagluluto ng adobong manok.

Kay aliwalas ng sikat ng araw, may mga ibon pa sa bintana kong animo'y sumasabay sa kanta ko. Napangiti ako nang maalala ang dahilan ng kagandahan ng sikat ng araw.

Matapos lang ang ilang minuto ay naluto na ito kaya dali-dali ko itong inilagay sa isang plato at inihanda sa mesa kasabay ng dalawang platong may lamang kanin, ang isa rito ay mas marami ang kanin dahil alam kong dadamihan niya sa pagkain.

Nang maayos ko na ang plating ay namewang ako saka nakangiting tagumpay habang nakatingin sa mesang ako ang gumawa. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang lumabas ang babaeng wasak na wasak kong nakita kagabi.

"Kain na, Kassandra." Pag-imbita ko rito.

Tahimik lang siyang tumango saka umupo sa isa sa mga upuan at nagsimula nang kumain. Kahit nasaktan ako sa pangyayari kagabi ay mas namumutangi pa rin ang saya ko dahil hindi niya nagawa ang dapat na gagawin niya. Nagpapasalamat pa rin ako at heto siya, sa harap ko't buhay pa.

-

Malakas ang ambon lalo na ang pag-ulan. Sobrang dilim pa rito sa kwarto ko sa bahay ni Mommy La dahil sa binalitang pagblack out dahil umano sa malakas na ulan na sinasabayan pa ng pagkidlat.

Mula noong nagkita kami ni Kassandra sa pinagta-trabahuan niya noon ay umuwi na ako rito lalo pa't nakita ko ang kamerang laman ng bag niya. Hinding-hindi ko malilimutan kung anong mga video ang laman nun kaya alam ko na mismo sa sarili na pumasok na siya rito sa kwarto ko na ikinatuwa ko. At least hindi nasayang lahat ng paghahanda ko rito.

Alas dose na ng hatinggabi pero hindi ako makatulog. Animo'y may bumabagabag sa isip at puso ko na hindi ako makapagrelax. Kinuha ko na lang bigla ang cellphone at hinanap roon ang cellphone ni Kassandra, hindi ko alam pero siya lang ang tanging taong nasa isip ko.

Nasaan na ba siya?

Kumusta na siya?

Nakakailang tawag na ako pero walang sumasagot kaya mas lalong kumaba ang dibdib ko. Kamuntik ko pang masubsob sa sahig nang nagulat ako dahil sa biglaang pagtunog ng door bell namin.

Kinakabahan ako baka mumu 'to! T^T

Mas lalo pang natakot ang buong sistema ko dahil sa sunod-sunod at walang tigil niyang pagpindot sa doorbell kaya buong-tapang akong naglakad patungo sa pintuan saka agresibo itong binukas.

Isang malakas na hangin at malamig ba ambon ang sumalubong sa akin ngunit sa halip na takot ay pagkaawa at kirot sa puso ko ang namutangi roon nang makilala ko ang taong nasa harap ko at naliligo na sa ulan.

"B-Bakit ka nandito? Anong nagyari-" hindi na ako natapos sa pagsasalita nang mabilis niya akong niyakap habang rinig na rinig ko ang mabibigat niyang hagulgol.

"Ti-Tinupad ko a-ang pangako kong hi-hindi na ako magda-dive..." matamlay niyang wika.

Kusang kumirot ang puso ko sa sinabi niya dahil hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya kaya't mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa kaniya.

-

"Kass..." bulong ko habang nakatitig sa kaniya.

"Hindi ka kakain?" Nagising ang diwa ko nang simple siyang nagsalita.

"A-Ahh, oo, kakain na ako." Nagmamadali tuloy akong kumuha ng ulam saka ito kinain.

Tumango siya muli saka muling kumain. Hayst, may problema ba siya? Ayaw kong nakikita siyang matamlay. Nasasaktan ako.

Mas mabuti pang makita ko siyang masaya sa iba kaysa sa nandito siya sa harap ko't may dinadamang problema.

Ayaw kong tanungin ito sa kaniya dahil gusto kong komportable niya itong masabi sa akin. Baka mabigla ko siya eh, gusto ko talagang malaman. But I need to consider the status between us.

"Una na ako." Ani niya saka tumayo at mabilis na tumungo sa taas ng kwarto ko.

Anak ba siya ni Flash?

Naubos na niya pala ang pagkain niya kaya nagmamadali na lang din akong kumain saka nagligpit upang hugasan ang pinagkainan.

Nagsasabon pa lang ako ng mga plato ay napansin kong may naglalakad sa likod ko kaya lumingon ako at nakita si Kassandra na papaalis at may dalang supot ng plastik na sa tingin ko ay mga damit niyang nabasa kagabi.

"Uuwi ka na? Rito ka muna." Ani ko saka siya umiling.

"I need to go, babalik lang ako 'pag- basta." Ani nito habang nakayuko.

"Ihahatid-" inunahan niya ako.

"Kaya ko, Doy. Okay lang ako 'wag ka ng mag-alala." Kay sarap sa tenga na tinawag niya ulit ako sa pangalan ko.

Help kinikilig ako! T^T

"S-Sige, mag-ingat ka ha." Wika ko saka ko nakita ang pagbuntong-hininga niya saka niya ako tinalikuran.

Napangiti ako nang makita kong hindi niya hinubad ang damit na ipinasuot ko sa kaniya kagabi dahil basang-basa talaga siya. 'Yun ang jersey ko noon, na number 14 ang nakalagay dahil kaarawan niya.

Napaisip ako bigla, sa jersey na lang ba talaga ang tanging pag-asa para madala niya ang apilyedo ko?

Umiling ako saka naisip ang gabing binibihisan ko siya, halos wala na akong makita nun dahil pikit-mata lang talaga ang nagawa ko, ayaw kong makita ang hubad niyang katawan 'no!

"Kass!" Tawag ko sa pangalan niya saka naman siya lumingon.

"Bakit?"

"Wherever you go, no matter what the weather, always bring your own sunshine. And that is your smile." Wika ko saka nagfinger hearts.

Parang hinaplos ng bilyon-bilyong paru-paro ang puso ko nang maaninag ko muli ang ngiti sa mga labi niya saka siya tumango bago tuluyang nawala sa paningin ko.

Sa pagkakataong ito, alam kong napakaiksi na ng pag-asang maaayos pa, pero masaya pa rin ako na napapatawa ko pa rin siya.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon