Chapter 51: The Unexpected

707 40 3
                                    

Kassandra's POV

10 buwan na ang lumipas.

Tommorrow is Christmas!

May malapad at malawak na ngiti ang sumisilay sa labi ko. Magde-date kami ngayon ni Dominiuqe.

Bale, araw-araw naman kaming namamasyal, naglalaro sa mga parke, mag-arcade o manood ng sine. Akala ko magiging tulad nang nangyari sa iba ang relasyon namin gaya ng pagkawala ng feeling habang tumatagal ang panahon pero iba eh, ibang-iba ang sa amin.

Nandiyan pa rin 'yung excitement, 'yung kilig, 'yung spark sa t'wing makikita at mahahagkan ko siya.

Hindi naman kase nasusukat ang pagmamahal sa panahon, oras o layo. If the two of you are faithful and loyal to each other, tatagal talaga 'yan at aabot hanggang forever.

Litse!

Ako lang ang kinilig sa sinabi ko! #selfsupport.

"Blooming natin ah." Ani ni Edeline na abala rin sa pag-aayos. Bale narinig ko kagabi na lalabas din sila ni Brial.

Ang happy ng mga love life ng tao rito! Ang saya! ^.^

"Bola! Eh, mas blooming ka nga." Usal ko saka kami nagtawanan.

"Mga siraulo, mas blooming ako." Sabay kaming napalingon ni Edeline sa taong nagsalita na nakatayo sa pintuan.

Si Adeline. 'Di pa nakuntento at nagpoposing-posing pa talaga. Edeline make a disgusting sound as I laugh so hard.

"Grabe kayo ha. Pero anyways, sino kayang couple ang may anniversary tommorrow!?" Masaya siyang lumapit sa amin.

"Sira, pero nagde-date raw muna kami!" Sagot ko na ikinatuwa naman nila.

"Hays, 'yung fans niyo ay hindi na magkamayaw sa excitement. Baka dumugin kayo niyan sa lugar na pupuntahan niyo?" Tumawa naman ako saka nagkwento tungkol sa plano namin ni Dominique bukas.

Bukas ay maaga kaming ba-byahe patungo sa isang beach resort at doon ipagdidiwang ang anibersaryo. And speaking of fans, inanunsyo na ni Dominique sa publiko ang tungkol sa relasyon namin at todo-supporta naman ang lahat. Lahat ng socmeds ni Dominique ay cover photo niya ako, bio niya ang anniv namin at nasa mga my days niya ako. Gosh!

Ilang oras pa kaming nagchikahan saka biglang tumunog ang cellphone ko. Si Dominique ito kaya sinagot ko kaagad.

"Pangga?"

"Langga, sorry. I can't pick you up, pupunta ako sa hospital eh, puntahan mo na lang ako sa condo bukas ok? Sorry again." Wika niya mula sa kabilabg linya saka kaagad ring ibinaba ang tawag.

Bumuntong-hininga ako. So yeah, it's cancelled.

"Okay, cancel na naman." Nawalan ako ng ganang napaupo at hinilot ang sintedo.

"Hey girl, it's okay. Baka may reason lang siya." Comfort sakin nina Edeline at Adeline.

"That's it. Puro lang siya reason."

Mabuti naman ang relasyon namin, syempre may pag-aaway at ilang conflicts kase normal lang naman 'yun sa isang couple but then, this past few days nagiging busy na siya masyado. At ang parati niyang rason ay ang pagpunta niya sa ospital.

Sabi niya ay about kay Mommy La lang iyon pero iba ang kutob ko eh, iba na.

-

This is the day!

Nakasuot ako ng isang puting below the knee dress at doll shoes. Isang red shoes sana 'yun with heels pero nasira ang takong, hindi ko alam kung bakit nasira eh, kakabili lang 'yun ni Dom sa akin. Perl hindi ko na lang 'yun inisip.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon