Chapter 21: Party

810 96 5
                                    

Kassandra's POV

Biyernes.

Kakatapos ko lang plantsahin ang dalawang t-shirt ng kambal.

Kinuha ko na ang gamit ko at pumunta sa paaralan. Ewan ko ba, parang may kulang sa araw ko. Ni isang text mula kay Nathan ay wala akong nakuha. Ni "hi" o "good morning" man lang.

Dalawang araw na rin ang lumipas matapos ang huling pag-uusap namin ni Nathan sa text.

"K ka lang?" Tanong ni Mccoy habang naglalakad kami mula sa parking lot.

"Huh? Oo, okay lang." Sagot ko.

Sana naman magparamdam si Nathan, huling kita ko sa kaniya ay noong sa rooftop kami. Pagkatapos nun ay todo text kami then ito na, wala nang paramdam.

Kakainis lang.

"Hindi ako naniniwalang okay ka lang, hindi ganyang Kassandra ang kilala ko." Usal pa ni Mccoy.

Nagapakawala naman ako ng isang mabigat na hangin at ngumiti sa kaniya.

"Okay lang talaga ako." Pagsisinungaling ko.

Habang naglalakad kami ni Mccoy patungo sa hagdanan ay nakita na namin si Ashwin na naka-upo sa itaas na bahagi nito. Kaagad namang hinanap ng mga mata ko si Nathan, nagbabasakaling nandito na siya. Pero wala.

Wala siya.

Tumayo si Ashwin at pinaunlakan kami ng isang ngiti.

"Uhm, Kass." Panimula niya at tumingin sa gawi ko.

"Oh?"

"Gusto sanang ipahatid ni Nathan na sorry, kase ilang araw na siyang walang paramdam saiyo, sadyang busy lang talaga siya." Wika ni Ashwin.

Napatingin lang ako sa kaniya at sumagot.

"Akala ko ba magfo-focus lang siya sa pag-aaral? Ba't ngayon nagiging busy na siya sa ibang bagay?"

"Hindi niya ba alam kung gaano ako ka desperadang maghintay sa mga text niya pero wala pala akong natatanggap?"

"Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya pero kase-"

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang tigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.

Ba't ba kase ganito?

"Sorry." Wika ko't nagmamadaling umalis.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Mccoy sa pangalan ko ngunit binalewala ko lang iyon.

Ang bigat sa pakiramdam.

Dumiretso ako sa comfort room upang ibuhos na ang lahat ng hinanakit ko.

"Ganiyan na ba talaga kasakit ang nararamdaman mo para hindi mo mamalayang sa men's room ka pumasok?" Tinig ng isang lalaki na naging dahilan para ako ay matulala.

"D-Doy..." usal ko.

"Oh. Mas maganda ka pala 'pag umiiyak, sana umiyak ka na lang palagi." Dagdag pa nito at ipinatong ang isang puting panyo sa gripo at kaagad na umalis.

"D-Dominique..."

Matapos kong mag-drama ay tumungo ako sa silid pero wala akong Dominique na nakita roon. Plano ko pa naman sanang isauli ang panyong ipinahiram niya.

Umupo na ako sa silya at inilagay sa bulsa ko ang panyo niya. Sa t'wing malungkot bakit parang lilitaw si Dominique. Baka coincidence lang 'yun no?

Muntik ko na tuloy malimutan na ngayon pala namin gagawin ang project, hayst. Sana naman magpakita na si Nathan.

Sana.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon