Chapter 20: Love Letters

816 112 11
                                    

Kassandra's POV

Halos hindi ako makapag-focus sa ginagawa habang nasa harap ako ng kulay purple na study table dahil sa mga mensaheng ipinapadala ni Nathan.

Wala na rin naman akong masyadong dapat alalahanin kase matalino ako.

Sa kalokohan.

\_( ^3^ )_/

NathanMyLobes

Nathan:
Teka, gabi na.

Matulog ka na at baka mapuyat ka pa.

Kassandra:
Hindi ako mapupuyat no,
ikaw kaya ang panaginip ko.

-Sent-

Tugon ko at iniwan ang cellphone sa lamesa tsaka patakbong tumungo sa kama para dumapa sabay kagat ng labi at pagpagaspas ng mga paa.

Ako na lang ata ang kinikilig sa sariling banat. #selfsupport

Matapos kong kiligin ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa mesa at humilata sa kama para ituloy ang pagcha-chat namin.

NathanMyLobes

Nathan:
Hahahaha. Sige na at gabi na.

Good night.

I love you! ♡

-Seen-

Sa pagbasa ko ng mensahe niya ay napatigil ako.

I-I love you! @#$%&!!

Hindi ako makapag-type dahil sa gulat at saya kaya maya-maya lang ay muli siyang nag-reply.

NathanMyLobes

Nathan:
Hindi mo kailangang sagutin kaagad ang
huling linya.

Basta naging masaya ka lang, okay na.

Awww.

Kassandra:
Sige. Good night din.

Sweet dreams. <3

-Sent-

Matapos kong i-send 'yun ay inayos ko na ang pagkakahiga sa kama at nagpakain sa antok.

-

"Hey, Kass! P'wede bang pakibigay nito kay Nathan?" Usal ng isang estudyanteng babae habang inaabot sa akin ang isang kulay pink na sobre.

Ngumiti naman ako at tinanggap iyon. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga matapos siyang tumakbo papaalis nang maibigay na sa akin ag sobre.

Ibinaba ko ang bag ko at inilagay doon ang sobre. Sa pangalawang pagkakataon ay napabuntong-hininga ako. Hindi pa ako nakakaabot sa silid-aralan ngunit unti-unti nang napupuno ng mga love letters para kay Nathan ang bag ko.

Matapos kong ilagay 'yun ay nagmamadali na akong naglakad patungo sa silid-aralan. Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag pero sa tingin ko ay mali ako.

Halos lahat ng babae sa kabilang mga silid ay nakaabang sa akin sa labas ng silid.

OH MAH GHASH!

Oras-oras.

Minu-minuto ay may nagpapabigay sa akin ng sobre. Ang iilan pa ay mga regalo 'kuno' para lang daw kay Nathan.

"Here's mine, 'pag hindi ko nalaman na hindi nakaabot kay Nathan ang regalo ko ay lagot ka sa akin. Naiintindihan mo ba?" Wika ng isang babae at napatango na lang ako bago ako tuluyang makapasok sa silid.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon