Chapter 12: PalengkEnemy

893 140 9
                                    

Kassandra's POV

Sabado.

Timpla dito, timpla dito.

Alas-sais pa lang ng umaga ay maaga na akong nagising at nagluto na ng mga pagkain para sa agahan.

'Di ba parang tanga lang, pag may pasok ang tagal kong gumising tapos kapag weekend ay maaga akong nagigising. Ewan ko rin kung bakit ganito ang utak ko, kung may utak pa ba ako! T^T

"Good morning pipoool!" Sigaw ko at pumapalakpak pa nang maaninag ang tito't tita kong bumababa sa hagdan at kinukusot ang mga mata.

"Magandang umaga rin, hija," sabay na tugon nila at sabay rin sila napa-upo.

Nakapagtataka, kambal ba sila?

Sa pagkakaalam mo ay mag-asawa sila!

Bahala na si Darna.

"Ito sa inyo, tita, at sa'yo naman ho, tito," wika ko habang inaabot sa kanila ang kapeng tinimpla ko.

Magkaiba ang type nila kung kape ang pag-uusapan, kapeng barako kay tito at sweet and creamy naman kay tita. Dahan-daha nila itong tinikman, sabay na naman at heto ako, naghihintay ng tugon nila.

"M-Masarap ho ba?" Nanginginig kong tanong at sabay nilang kinunot ang noo nila.

Waaah!

Pinaghirapan kong timplahin 'yun tapos 'di nila bet?

Sama naman ata nun.

"Masarap!" Muling bumuhay ang mga bulate ko sa tiyan dahil sa sinabi nila, sabay na naman. Hayst.

"Talaga ho?"

"Hindi ho kayo nagsisinungaling?" Sunod-sunod na tanong at mas lalo silang napangiti.

"Ikaw talagang bata ka, mas maganda kung magtayo ka na lang ng sarili mong coffee shop, ang sarap mo magtimpla," wika ni tita.

Yieeee, ano ba naman 'yan oh.

"Tama ang tita mo, hija," pahabol ni tito.

"Malamang masarap ho talaga 'yung kape, pero mas masarap ang nagtimpla," singit ko at sabay kaming nagtawanan.

Ang saya.

Parang kami lang nina nanay at tatay noon.

"Oh, siya. Magsi-kain na tayo," pag-anyaya ni tita at naupo na ako sa kaharap na silya ni tita habang nasa kaliwang bahagi naman, na katabi ni tita si tito.

Wala ang kambal ngayon, kagabi pa sila umalis dahil may shooting daw sila. Sana all kase model. Kahit pa ganun ang mga ugali't kurba ng mukha nila'y may hitsura pa rin naman sila. Kase nga, namamana 'yan, tsk tsk.

Mas maganda lang talaga ako. Period.

"Tita, tito, ngayon po pala ako mamamalengke, 'di po ba?" Tanong ko at nagkatinginan silang dalawa bago nila binalin ang tingin sa 'kin.

"Okay lang ba talaga sa'yo, hija? Baka naman ay may gagawin ka pa?" Tanong ni Tita Marites at napa-iling ako, kasabay nun ang pagngiti ko.

"Okay lang po talaga sa akin," sagot ko at napangiti sila.

"Sige na nga," nagtawanan pa kami sa sinagot ni Tita Marites.

Hay, wala namang nakatatawa pero nagtawanan sila edi, tatawa na lang din ako. Solve.

"Ay, meron po pala akong ipapaalam sa inyo," wika ko habang nginunguya ang pagkain.

"Ano 'yun?" Tanong ni tita, abala kase sa pagkain si tita. Adobong manok kase ang ulam at ito ang paborito niya. Uminom muna ako ng tubig bago ko sinagot si tita.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon