Chapter 15: New Friends

842 139 5
                                    

Kassandra's POV

Kanina pa ako nagpapagulong-gulong sa kama habang pinipigilang sumigaw ang sarili dahil sa nararamdamang kilig at saya.

Hindi ko talaga inaasahang si Nathan ang humatid sa akin ngayon sa bahay.

Kakarating ko lang at medyo gabi na kung kaya 'di na namalayan nina Tito at Tita ang pagdating ko kaya dahan-dahan akong pumasok upang 'di na makaabala sa masarap na tulog nila.

Pero ako, nandito pa rin at hindi pa makatulog.

'Di makatulog sa gabi sa kaiisip~
Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip~
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko~

Napatigil ako sa pagpapagulong-gulong at napatitig sa kisame at inaalala ang nangyari kanina.

Sa bawat sandali ay nais kang makita~
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya~
Anong hiwaga ang nadarama anong kaba~

-

"Uhm, saan ka ba galing at ginabi ka?" Marahan akong napalingon sa kaniya at napayuko.

"May pinuntahan lang kase akong importante," sagot ko at muling napasilip sa labas ng bintana upang pagtakpan ang ngiting pilit na pumupunit sa aking mga labi.

"I-Ikaw, sa'n ka galing?" Tanong ko at napasilip sa pwesto niyang abala sa pagmamaneho at nakatuon ang atensyon sa daan.

Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang munti niyang pagtawa dahilan para mapangiti ako.

Gustong-gusto kong tumatawa siya. Pero kumakabog ng kay bilis ang puso ko kung ako ang magiging dahilan.

"May pinuntahan lang din ako, pero hindi ganoon ka importante," sagot niya.

Dahil dun ay muli na namang kinain ng katahimikan ang loob ng kotse.

Sa loob lamang ng ilang minutong katahimikan ay narating na namin ang aming destinasyon, ang bahay nina Tito't Tita.

Nang nakarating kami ay akmang tinatanggal ko na ang seatbelt at kaagad na lumabas si Nathan para pagbuksan ako ng pinto.

Dahil dun ay nag-aalinlangan pa akong bumaba habang panay ang ngiti niya sa akin.

"So, bye and have sweetest dreams," sabi pa nito habang binubuksan ko ang gate ng bahay na hanggang balikat ko lang.

Nang mabuksan ko ito at napalingon ako sa kaniya na may ngiti sa mga labi.

"I-Ikaw rin, mag-iingat ka," wika ko at tumango lang siya bago sumakay ng kotse at unti-unting ibinaba ang bintana nito.

"Magpalamig ka na rin muna, ang pula na ng mukha mo," pahabol pa niya at bago pa man muling tumaas ang bintana ng kotse ay nakita ko ang pag-ngisi niya.

Pumasok naman ako sa bahay na may bahid ng kahihiyan at kalandian. Hihi.

-

Marahan kong itinago ang mukha sa ilalim ng kumot at ipinapagaspas ang mga binti dahil sa kilig na nararamdaman.

Bago ko pa man naisipang matulog ay bumangon ako at pumunta sa kaliwang bahagi ng dingding, kaharap ng pintuan kung saan nakapaskil ang poster ni Nathan.

"Good night, bebeloves," malanding wika ko at marahang hinalikan ang labi ni Nathan kahit pa na yari lang ito sa papel.

Bumalik ako sa pagkaka-upo ko sa kama at dahan-dahang humiga sa kama ng may ngiti sa mga labi.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon